Chapter Thirty

5.3K 126 3
                                    

Chapter Thirty

"Alessana, naka-uwi ka na pala?" Maria asked. Sinundan niya kasi ang kaibigan na nadito sa kusina ngayon at sukang-suka. Agad na tinapik niya ito nang mahina sa likod.

"Ano ba kasing kinain mo at nasusuka ka? Tsaka muntik nang bumuga ng apoy yung mapapangasawa mo kanina, ikaw naman kasi-" Hindi na natuloy ni Maria ang dapat niyang sasabihin sa kaibigan dahil pagharap nito sa kanya ay putlang putla na ito.

"Oh my god! ARK!" Tarantang sigaw ni Maria nang bigla nalamang nawalan ng mala yang kaibigan mabuti na lamang at mabilis niya itong nasalo.

"ARK ! NAWALAN NG MALAY SI ALESSANA!!" Halos mapatid na ang litid ni Maria sa kanyang leeg dahil sa lakas ng sigaw niya.

Agad naman na napatakbo ang lahat ng tao sa loob ng mansiyon ng mga Hanson dahil sa sigaw ni Maria, natatarantang lumapit kay Maria si Ark at agad na kinuha niya si Alessana.

"F*CK! DENVER, ikaw mag-drive tara na!" natataranta na namang sabi ni Ark habang buhat buhat niya ang walang malay na katawan ni Alessana.

"oh god! Baby please wake up! Ano bang nangyayari sayo bakit namumutla siya Maria?" tanong ni Ark kay Maria na ngayon ay nasa front seat katabi si Denver, hindi niya alam na magkakilala pala ang dalawang iyon, pero wala na siyang pakialam si Alessana ang importante ngayon.

"Hindi ko din alam, nung sinundan ko siya sa kusina nagsususka siya tapos nung humarap siya sakin sobrang putla na niya tapos bigla nalang siyang nawalan ng malay."

"Baka naman dude buntis..." Biglang singit na naman ni Denver.

"What the f*ck Denver, just drive faster. Pag may nangyari kay Alessana susunod ka sa emergency room." At dahil sa takot ni Denver na sumunod sa emergency room agad na tinapakan niya ang gas.

-

"Doc nawalan siya ng malay please take care of her." Pakiusap ni Ark sa doctor na titingin kay Alessana.

"Yes Sir, we will do everything. Hanggang dito na lang po kayo." Sagot naman ng doctor kay Ark bago ito tuluyang pumasok sa loob ng ER.

"Damn it! Kailangan na nating mahanap ang pumatay kay Joe, natatakot ako sa pwedeng mangyari pag hindi pa natin siya nahuli. Baka si Alessana naman ang susunod na mapahamak." Agad na nasabi ni Ark kay Denver na nakaupo sa katabi niya.

"Don't worry dude, bukas na bukas sisimulan ko na ang pagpapa-imbestiga sa kaso ni Joe, papalagyan ko din ng bantay sa bahay mo dude at ilang mga cctv's."

"And about Alessana's situation dude, don't worry too much. Buntis siya sigurado ako. Ganyan din si Ate nung buntis siya kay Theo eh. So chill dude at mag-aral ka na kung paano maging mabuting ama." Pang-aasar pa ni Denver sa kaibigan niya, sinamaan lang naman niya nangb tingin ang kaibigan.

"Dude, paano nga kung buntis si Alessana. Laya parin ang taong pumatay kay Joe. Ang pinagtataka ko lang ay paanong napatay niya si Joe eh alam naman nating black belter yang isang yan." Nagtatakang tanong ni Denver sa kaibigan niya.

Agad na napaisip naman si Ark sa sinabi nang kaibigan niya.

"Yeah! I forgot about that, Joe is an Black belter champion when we're in high school, kayak ko nga siya kinuhang driver dahil alam kong kaya niya akong protektahan eh." Sabi din ni Ark, pareho tuloy silang napaisip ni Denver.

"Dude, alam kong maling magduda, pero sa tingin ko kasama niyo lang ang pumatay kay Joe." Sabi namang muli ni Denver. Agad naman na napalingon si Ark sa kaibigan niya dahil sa sinabi nito.

"What do you mean by that Denver?" Kinakabahang tanong muli ni Ark sa kaibigan niya.

"Ang ibig kong sabihin, kasama niyo lang sa bahay ang pumatay kay Joe. Maaaring nagpatuloy ka nang traydor sa pamamahay mo pare." May kasama pang tapik sa balikat na sabi ni Denver.

Hindi naman agad na nakasagot si Ark sa sinabi nang kaibigan niya. Nakaramdam kasi siya ng kaba dahil posibleng tama nga ang kaibigan niya. Pero imposibleng si Alessana ang traydor, isa lang ang natakbong pangalan sa isipan niya.

"Kailangan nating mapatunayan dude, si Alessana ang makakalaban ko pag pinagbintangan ko si Maria tapos wala naman tayong katunayan na siya nga ang pumatay kay Joe." Ani ni Ark, alam kasi niyang hindi ito magandang ideya, pero wala silang ibang choice.

"Nakaka-istorbo ba ako sa pag-uusap niyo?"

Agad na napalingon sila Ark sa pinanggalingan ng boses, at nakita nila si Maria, ito kasi ang nag-asikaso sa pag-babayad sa hospital bills, siya din ang nagpa-admit kay Alessana.

"No! of course not, kahit kalian ang babaeng kasing ganda mo ay hinding hindi magiging abala sa kahit na sino Maria." Agad na sabi naman ni Denver at kasabay pa nito ang pag-tayo niya at pag-akbay sa dalaga.

Napa-ngiti naman tuloy si Maria sa sinabi ng binatang naka-akbay sa kanya.

"Ikaw talaga, osiya bibili ako nang makakain sa baba may gusto ba kayong kainin? Hindi pa ba nalabas ang doctor?" Tanong naman ni Maria sa dalawa.

"Ah- wag mo nang tanungin yang si Ark, alam ko na ang gusto niyang kainin at ang totoo tungkol din sa pagkain ang pinaguusapan naming kanina pa, sasamahan nalang kita Maria." Agad na singit naman ni Denver sa usapan nung dalawa.

"Yeah, alam na ni Denver. Hindi pa rin nalabas yung doctor, tatawagan ko kayo if ever lumabas na yung doctor." Sagot naman ni Ark. Napatango-tango nalang si Maria at inaya na niya si Denver. 

Nang makaalis sila Denver at Maria, hindi parin mawala sa isip niya ang mga napag-usapan nila ni Denver.

Sana Maria wala kang kinalaman sa lahat nang ito, kasi kung may alam ka... patawarin sana ako ni Alessana, hindi ko alam ang makakaya kong gawin sayo. Pero bago ang lahat kailangan na naming maikasal ni Alessana sa lalong madaling panahon.

Agad namang napatayo si Ark nang lumabas na ang doctor.

"Doc, anong nangyari sa girlfriend ko?" Agad na tanong ni Ark sa doctor.

"yes, meron nga. Bukod sa buntis siya, nakita ko rin na parang may nakain o nainom siya na may nakahalo na lason. Isang uri siya ng lason na dahan dahan kang pinapatay. Pero don't worry Sir, naalis na naming ang lason, mabuti nalang at naagapan. And the baby, 2 weeks pregnant na ang girlfriend mo, congratulations." Nakangiting sabi nang doctor.

WHAT? Ama na ako?

"Tama ba ang rinig ko Doc? Magiging tatay na ako? God! Anong gender niya?" Di mapigilang saya ni Ark, sa sobrang saya niya ang lakas-lakas na ng boses niya.

"Hindi pa natin pwedeng Makita ang gender ng baby mo Sir, 2 weeks palang kasi siya. Any way Sir, kailangan ko na pong umalis, ililipat na po ang girlfriend niya sa magiging kwarto niya para makapag-pahinga at pwede niyo na siyang samahan Sir." Muling sabi nang doctor, napatango na lamang si Ark, hindi na kasi niya makuhang sumagot dahil sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.

--

Hello, Kamusta? sorry kung medyo na-late yung Update, nagkasakit ako, haha pero kahit di man ako naka-pag-update, nagtatype naman ako. Pasensya na po sa mga typo, kung meron man. Sana magustuhan niyo ang Update ko ngayon. Comment kayo guys, haha.

-Abi-

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon