Chapter Ten
ISANG araw na ang lumipas mula noong pumunta kami ni Jake sa Coffee shop na iyon.
At hanggang ngayon hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Hindi ko kasi nasagot ang tanong niya noon dahil sa may biglaang tumawag sa kanya at kinailangan na niyang umalis dahil may mahalaga pa daw siyang aayusin pero pinaalala niyang pag-isipan ko daw ng maige ang alok niya.
At ngayon, heto ako at papunta sa grocery na malapit lang dito sa lugar kung san ako kami nakatira, wala na kasi kaming stock nang pagkain. Nakalimutan kong banggitin na lumipat na talaga si Maria sa bahay na inuupahan ko at share nalang daw kami sa upa, at humantong na pati sa kama kong ubod ng liit ay nag-share kami.
Nang makadating ako sa Grocery ay agad na binili ko ang mga kailangan naming pagkain sa bahay. Mamaya kasi may raket ako kaya hindi ko na ito magagawa, si Maria naman may raket din sa computer shop ni Mang Tikyo, siya ang nagbabantay doon at two hundred fifty ang sahod niya araw-araw.
Matapos kong mamili ay umuwi na ako agad, hindi naman ganon kadami ang pinamili ko, sakto lang na pagkain namin sa isang buwan at siyempre namili na din ako ng iba pa, pang meryenda, pang-linis, toothpaste, at kung ano ano pa. Hati din kasi kami ni Maria sa perang pambili nang pagkain namin.
Nang makarating naman ako sa bahay ay agad akong nag handa para sa raket ko. Hindi niyo alam pero kahit na mahirap ako pwede akong mag-maneho ng kotse, minsan kasi ay tinuruan ako ni Papa noon na mag-maneho ng kotse, dahil noon kasi may taxi si Papa kaya naman tinuruan niya ako. Kaya ngayon driver ako nung matandang mayaman dito sa may amin, dahil nag-kasakit ang kanyang driver, saktong napadaan ako sa harap ng mansiyon niya kaya naman tinanong niya ako kung pwede ko siyang ipag-maneho. Aba isang linggo din iyon, tapos ay 2500 pa ang araw edi malaking tulong iyon, makakaipon pa ako. Kakilala kasi iyon ni Papa. kaya kakilala rin ako at alam niyang marunong akong mag-maneho.
"Oh Ija nandiyan ka na pala, tamang tama paalis na ako. So paano? Tayo na?" Nakangiting bungad sakin ni Mrs. Lydia, siya yung amo ko sa raket ko na ito. Biyuda na si Mrs. Lydia at wala siyang naging anak.
"Opo. Tara na po Ma'am." Naka-ngiti ko namang tugon. Dahil wala namang kami, mandiri nga kayo! Di kaya ako napatol sa kapwa ko babae, tapos matanda pa.
"Nako Ija, huwag mo na akong tawaging Ma'am, hindi kana iba sa akin. Tita nalang ang itawag mo sakin."
"Nako Ma'am–este Tita pala, nakakahiya naman po iyon. Tita nalang po ang itatawag ko sa inyo kapag hindi ko kayo ipagmamaneho pero sa oras po nang trabaho, Ma'am po ang itatawag ko sa inyo."
Napatawa naman si Mrs. Lydia. May joke ba sa sinabi ko?
"Ano ka ba naman Ija, pero sige ikaw ang bahala. Ayos lang ba kung ikaw na ang maging Driver ko palagi? Yung driver ko kasi ay hindi na daw makakabalik dahil may katandaan na iyon at mahina na kaya naman pumayag na ako. Tuwing umaga lang hanggang hapon at lalakihan ko pa ang sweldo mo."
Aba! Blessing iyan. Hindi ako mapipirme sa bahay.
"Aba Ma'am, wala po iyang problema. Sige po, magiging regular na po ang pag-mamaneho ko sa inyo Ma'am salamat po."
Matapos mag-usap ay umalis na din kami. Hinatid ko si Ma'am sa kanyang building kung saan siya nag-tatrabaho. Pagmamay-ari niya pala iyon. Ang yaman naman pala talaga ng matandang ito, sayang lang at walang naging anak.
Sino kaya ang mag-mamana ng lahat nang kayamanan niya gayong wala naman siyang anak o pamangkin. Hay! Ang swerte naman nila.
Sa buong mag-hapon, ipinag-drive ko lamang si Ma'am Lydia. Tuwang tuwa pa nga ang Ginang dahil ang galing ko daw magmaneho. Kababae ko daw tao pero driver niya ang kinabagsakan ko. Bihira daw iyon at sabi niya isa daw iyon sa mga ipagmamalaki niya sa mga amiga niya. Jusko! May kadaldalan din naman pala itong si Ma'am Lydia eh.
Ganon pala talaga sa mayayaman, maliit na bagay ay sobrang nakakapag-pasaya na. Pero yung ibang mayaman hindi ganon. Mga matapobre. Pero ibang-iba talaga si Ma'am Lydia.
Nung kinagabihan, nag gayak na kami ni Maria para sa pag-pasok naman namin sa Bar ni Leo. O diba ang dami-dami naming trabaho. Busy kami lagi! Haha.
"Alessana, pwede ba kitang makausap?" Bungad sakin ni Leo pagkababa na pagkababa ko ng stage. Kakatapos ko lang kasing sumayaw. Mukhang seryoso yung pag-uusapan namin ah.
"Oo naman, bakit naman hindi." Naka-ngiti kong saad sa kaniya.
"Sa opisina tayo mag-usap, magandang balita ito at paniguradong matutuwa ka dito."
Dahil sa good news daw iyon, na-excite tuloy akong malaman kung ano ang ibabalita niya sakin.
Nung makarating kami sa oposina niya ay naka-ngiti si Leo na humarap sakin.
"Malaya ka na sa ganitong buhay Alessana, bayad ka na sa utang mo sa akin. Ikaw na ang bahala kung magpapatuloy ka pa ba sa pag-sayaw dito, tutuloy ka pa ba o hindi na?"
Sus! Yun lang pala. –Teka! Naka-limang kurap muna ako bago ko muling tinignan si Leo.
"Ma-malaya na ako? Talaga? P–Paano nangyari iyon? Ang alam ko ay wala pa ako sa kalahati Leo."
"Let say... someone pays for it, para makalaya ka na sa buhay na ito." Napataas naman agad ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Someone?
Wala akong kilala na babayadan ang utang ko. Hindi biro ang kalahating milyon. Masiyado iyong malaking halaga para ganon ganon nalang niya ibayad sa utang namin kela Leo.
"P–Pwede ko bang malaman... kung sino ang nag-bayad ng utang namin sa iyo Leo?"
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Leo at nakatingin siya ngayon sa likuran ko which is nandun ang pintuan.
"Oh here he is..."
Dahil sa na-curious ako, dahan dahan akong lumingon sa likuran ko, may pa slowmo effect ako besh.
At halos mawala ako sa ulirat sa taong nakita kong nasa pintuan at cool na nakatingin lang sa amin. What the fvck is he doing here?! Hindi ko maiwasang panlakihan ng mata ang unggoy na nasa harap ko ngayon.
---
Edited, ilang chapter's nalang guys. Tapos okay na haha. Tulad sa mga naunang chapters na na-edit ko na, if you see some errors here or in the previous chapters na na-edit ko na, please let me know by leaving a comment on that effin' part so that I can edit it agad-agad. :)
Thank you! :)
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...