Chapter Fifteen
Warning: SPG! Inuulit ko, SPG PO. Read at your own risk po. Thank you!
-
Its been two days, bilis ano? Hanggang ngayon di pa ako nakakabalik sa mansyon nila Ark, ewan ko kung bakit mula nung yakap incident, hindi na niya ako ulit kinausap.
Pero dinoble naman niya ang sahod ko, pinadadala niya lamang iyon sa bahay ko kay kuya Joe yung driver niya at iyon ang itatanong ko sa kanya pag nag-kita na kami ulit. Hindi pa kasi niya ako pinababalik doon, sabi niya mag-leave na daw muna ako. Ang gulo nga dahil wala naman siyang sinabing dahilan.
Sa ngayon, heto at nag-liligpit ako nang mga kalat ko dito sa bahay namin. Oo alam kong bago ito, pero inip na inip na kasi ako, nakakabwisit kasi ang lalaking iyon. Siguro nasa mansiyon nila ang Collen na iyon kaya naman hindi niya ako mapapunta doon. Nakakabwisit talaga ang mukha niya.
"Hoy Alessana, anong problema mo at may pag-dadabog ka diyan? Kung may galit ka wag kang mag-linis diyan. Kawawa naman yung unan o konti nalang parang mabubutas na."
Napatingin tuloy ako sa unan na hawak ko at oo nga malapit ng mabutas dahil sa inis iyon. Bakit ba ako maiinis kong nasa mansiyon man niya ang babaeng iyon. Psh!
"H–Ha? Ah wala, nanggigigil lang ako sa lambot kaya ganon."
Lame excuse? I know! Pero wala akong ibang maisip na reason eh.
"Asus! Baka kamo may namimiss ka... Ikaw ah?"
Napatingin ako agad kay Maria. Naitaas ko pa ang isa kong kilay, dahil may maliit na ngisi sa mukha ni Maria.
"Sino naman ang mami-miss ko aber?"
Mas ngumisi naman ang loka.
"Edi yung bisita mo na nasa labas ngayon."
Bisita?
"S–Sinong bisita?" Tanong ko kay Maria na parang baliw dahil sa ngiti niya ngayon.
"Aba! Alam mo naman na di ko ugaling sabihin kung sino ang bisita mo diba? Labasin mo nalang para makilala mo. Ang clue... Gwapo siya, hot, at mayaman."
Abat! Bigla daw ba naman akong talikuran. Ang husay niya talaga.
I took a deep breath bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Take note, wala pa akong ayos ah. Naka malaking T-shirt ako, nakapusod ang gulo-gulo kong buhok, naka-short na maiksi, tapos wala manlang kahit konting make-up, pawis na pawis pa ako. Spell hot? That's me. Charot!
Halos lumuwa yung eyeballs ko sa lalaking bisita ko daw, goodness! Bakit siya nandito?
"Seems like you're busy... Can I talk to you for a minute?"
He said, god! Lolokohin ko ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ko siya na-miss. Parang mas lalong gumanda ang katawan niya. In fairness.
"Of course." Walang ka-gatol-gatol kong sagot. Aba! Malay niyo papabalikin na niya ako sa mansiyon diba? O edi makakasama ko na naman siya madalas.
Oo na mahal ko pa. Natatakot lang akong aminin sa sarili ko. Baka kasi hindi naman siya willing na saluhin ako eh.
"Upo ka muna Ark... Do want something to drink... W–Water, juice, coffee, tea, or me?"
"What?" Sabi niya with matching ngisi pa.
At halos masapak ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Ano ba naman yung sinabi ko? Baka isipin niya gusto ko siya.
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
Ficción GeneralNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...