Chapter 6
Kumabog nang mabilis ang dibdib niya dahil sa sinabi ng binatang kaharap niya.
'Ako ba ang tinutukoy niya?'
Hindi na niya nagawang makasagot sa sinabi ni Jake, napansin na kasi niya na malapit na sila sa kaniyang tinutuluyan.
"Ah Jake, paki-tigil nalang diyan sa kanto, diyan na kasi ang daan papasok sa bahay na tinitirhan ko at hindi kakasiya itong sasakyan mo doon."
"Okay, ihahatid pa din kita sa loob."
"H-Ha? Ah ano–delikado na kasi sa looban, isa pa, baka may magnakaw lang ng kung anong parte nang kotse mo. Kaya ko na naman dahil malapit lang 'yong tinutuluyan ko diyan kaya madali na akong makakauwi. Salamat sa paghatid Jake."
Bumaba na ako ng sasakyan ng maihinto na niya ang sasakyan. Hindi ko na inintay pang makasagot siya dahil baka mag-pumilit na naman ito.
Isa pa, hindi nababagay sa lugar na ito ang itsura niya. At baka mapagtripan pa siya ng mga lalaking sunog baga dito. Iskwater ang lugar na ito kung tawagin, dahil sa magulo at dikit dikit na bahay at sa porma palang ni Jake ay nahihiya na ako dahil di naman bagay iyon dito.
Pero mukhang makulit talaga siya dahil nakita kong bumaba sya ng sasakyan at nakangiting lumapit sa akin.
"Ihahatid pa din kita sa looban, hindi ko ugali ang hindi manlang ihatid ang babae hanggang sa bahay niya. That's rude for me, woman."
Napasimangot ako.
"Ang kulit mo naman Jake, malapit na nga lang ang bahay namin, hindi mo na ako kailangan ihatid." Pagtataray ko sa kanya. Napa-ngiti naman ito sakin.
"At isa pa, diba may bali ang kaliwa mong paa? Kaya mabuti pa ay ihatid talaga kita. Huwag ka ng makipag-talo dahil matatalo ka lang. Let's go." Seryosong sabi na naman niya, napabuntong hininga nalamang ako.
May magagawa pa ba ako kung hawak na niya ang braso ko. Napa-tango nalang ako dahil mukhang tama din naman siya eh. Mukhang talo na naman ako.
Inalalayan niya akong makalakad hanggang sa apartment na inuupahan ko.
"Gusto mo bang mag-kape or juice muna?"
'Tama ba iyong tanong ko kay Jake?' Hindi kasi ako sanay na may bisita akong lalaki sa bahay na ito.
"Maybe sa susunod na pag-punta ko nalang, you need to take a rest. Iyong kaliwa mong paa, lagyan mo ng yelo ha?" Seryoso at nag-aalalang sabi ni Jake.
"O-Oo sige, salamat ulit Jake ha? Hayaan mo at gagamitan ko ng Downy ang panyo mo kahit na mahal iyon sa tindahan at sa susunod na mag-kita tayo ay ibibigay ko ito sa iyo agad."
Napangiti na naman ang mokong. Ang guwapo niya parin talaga.
"Silly! Kahit nga sana wag mo ng labahan, kaso mukhang kahit mapunit yung panyo ko sa pag-aagawan natin ay di ka parin papayag na hindi iyon labhan."
Napa-nguso naman ako.
"Grabe ka! Sige na masiyado ng late. Para makapahinga ka na din. Salamat ulit Jake, ingat ka sa biyahe." Ngumiti siya ng ubod ng tamis kay Jake.
"Ikaw talaga. Osige pero tanggapin mo ito."
Kinuha ni Jake mula sa wallet niya ang isang calling card at inabot iyon sa'kin na hindi ko naman tinganggihan.
"Keep in touch Alessana, mas madali kong makukuha ang panyo ko kung tatawagan o ite-text mo ako sa number na iyan." Naka-ngiting sabi ni Jake na nakapagpa'tawa ng mahina sa'kin. Loko talaga 'to, akala niya hindi ko pa alam iyong galawang ganyan, psh! Hokage. Hahaha.
"Oo nga naman. Sige gagawin ko iyan, alis kana at nalalim na ang gabi Jake." Sabi ko dito.
Tumango naman si Jake bilang sagot at tinalikuran na ako nito at lumakad na papaalis.
"Salamat Jake... For saving me again." Bulong ko habang pinagmamasdan ang likod ng binata na papalayo ng papalayo na sa akin ngayon.
Naka-ngiti ako ng humarap ako gate ng bahay ko at papasok na sana ako sa loob kaso lang may masamang hangin ata ang napadpad sa lugar na ito.
"Nag-enjoy ka ba na kasama ang gagong iyon?"
Kinilabutan ako dahil sa lamig ng boses na iyon sa likod ko. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko at pinang-lakihan ako ng mata dahil sa nakakatakot na awra na aking naramdaman sa bandang likuran ko.
Walang pasabing hinawakan ako ng lalaki sa balikat ko at pwersahan ako nitong pinaharap sa kanya. Pwersahan, pero hindi naman ako nasaktan sa ginawa niyang iyon.
"Answer me. Mas nag-enjoy ka bang kasama ang gagong iyon kesa sa'kin?"
Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, at ang boses neto ay tinalo pa iyong tindang yelo ni Ate Jepaii sa kantuhan namin dahil sa sobrang lamig. Napalunok ako at napa-kurap ng dalawang beses, bago ako nakapag-salita.
"A-Ark..."
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
قصص عامةNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...