Chapter 2
It's been two days, hindi ko akalain na makikita ko ulit ang gagong iyon at masasabi kong malaki talaga ang pinagbago niya.
"Ate girl, nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Maria dahil sa sinabi niya.
'Masiyadong naukopa ni Ark ang utak ko, peste!'
"H-Ha? Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" Tanong ko kay Maria, dahilan para kumunot ang noo nito sa akin.
"Hindi ka na naman nakikinig. Sabi ko si Mr. Ark Clyde Hanson pala ang partner ni Leo sa negosyo. Diba kasing edad mo lang ang lalaki na 'yon? Hindi ko inaasahan na may ganito pala siyang negosyo."
Nabanggit na naman ang pangalan ng gagong iyon. Iniiwasan ko na nga ang mapag-usapan siya tapos, halos lahat ng nakakasama ko naman siya ang bukang bibig. Naka-leave kasi ako ng two days sa Bar ni Leo, dahil sa may Reunion kami ng mga college classmates ko mamayang gabi.
"Tapos alam mo ba? Mukhang type ni Mika iyong lalaking iyon dahil gustong gusto niyang magpa-table doon kagabi, kaso hindi nangyari 'yon dahil hindi naman nag-tagal ang binata na 'yon sa Bar. Gusto ko tuloy siyang pagtawanan."
Ang saya-saya naman ng kwento ni Maria. Hindi kapani-paniwala. Hindi naman ugali ni Ark na tumanggi sa babae. Himala na iyon kung totoong tumanggi siya. Tsk! Ang landi landi kaya noong lalaking iyon noong college pa lang kami. Psh! Hindi nga pala alam nitong si Maria kung sino ang Ex-boyfriend ko. Ano kayang magiging reaksyon niya kung malalaman niyang ang gagong iyon ang walang pusong nanloko sa akin matapos niya akong gamitin sa katangahan niya. Tsk!
'Oy! Wag kayong ano!' Ginamit lang kasi ako ni Ark dahil sa gusto niya lang palang pag-selosin noon si Cristina. Ang malandi niyang tunay na girlfriend noong mga panahon na iyon na hindi ko naman alam. Reserba yata ang tawag sa akin. 'Virgin pa po ako ha, hmp!'
"At isa pa! Pansin ko lang Bakit kapag si pogi na ang usapan, natatahimik ka na? Ikaw ah! Type mo din ba si Mr. Hanson?" Mapanuksong sabi ni Maria, may kasama pa itong sundot sundot sa tagiliran ko. Mabuti nalang wala akong kiliti doon, nasa tagong parti ang kiliti ko.
"Ano ka ba Maria! Wag kang magbiro ng ganyan, hindi nakakatawa. Ang labong magustuhan ko 'yon, wala akong oras sa love life diba? Sa utang siguro pwede pa." Suway ko sa kanya. Tumigil naman siya sa panunundot sa tagiliran ko at uminom nalang siya sa kape niya.
"Oo nga pala! Handa ka na ba sa party niyo mamaya? Mamaya na iyon diba?" Tanong na naman ulit ni Maria.
'Ay! Oo nga pala', kaya nga pala ako dumayo sa bahay niya ay dahil sa wala pa akong damit na isusuot para sa party na iyon.
Magaling si Maria when it comes to fashion na hindi ko naman hilig kaya, siya ang palagi kong natatakbuhan sa ganitong problema. Hindi ko nga lang alam kung paano niya iyon natutunan, diba napapag-aralan iyon? Tapos lahat ng mga damit niya napapansin ko din na karamihan ay branded, pero hindi na ako nagtatanong dahil sabi ko nga, wala din naman akong pakialam.
"Ah oo nga pala Maria, wala pa kasi akong masusuot para sa party na iyon. Papatulong sana ako ulit sayo eh, kung okay lang?" Medyo humina na ang boses ko sa huling salita na binitiwan ko, kahit naman mag-kaibigan kami ay nahihiya pa din ako sa kanya, lalo pa at puro tulong nalang siya sa 'kin, wala naman akong maibilik na kapalit kung hindi iyong makausap niya pag bored siya.
Narinig kong tumawa ng mahina si Maria, kaya naman napatingin ako sa kanya, napayuko kasi ako noong nagsasabi ako sa kanya kanina.
"Iyon lang ba? Walang problema, tamang tama may dress akong kabibili lang, iyon nalang muna ang gamitin mo. Isususot ko sana iyon sa pagbo-boy hunting ko sa linggo pero ipapagamit ko na muna sa iyo para makabingwit ka naman ng papa kahit paano." Tapos ay pang-asar na tumawa siya. Pakiramdam ko naman ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa aking mukha, talagang gusto na niya akong magka-boyfriend, ilang beses na niya akong inaasar na maghanap na daw ako ng mapapangasawa, dapat ay mayaman para mabayaran ko na lahat ng utang ko, pero ilang ulit na din akong tumanggi sa suggestion niya.
"Ano ka ba naman Maria, alam mo namang hindi ako naghahanap ng love life dahil kusa naman iyong dadating. Pero salamat sa dress, sigurado ka bang ipapagamit mo iyon sakin?" Nakakahiya man pero kasi wala talaga akong maayos na maisusuot, pero syempre nakakahiya parin dahil ako pa ang unang gagamit ng binili niyang dress.
Wala na kasi akong pera dahil nag-bayad ako ng kuryente, tubig pati upa sa apartment tapos ibinili ko naman ng konting stocks iyong natirang pera ko para may makain naman ako, kaya iyong utang ko kay Jumbo ay wala parin akong pambigay, buti nalang talaga tinupad ni Leo ang pangako niya, at may tip pa ako. Pero 10,000 lang iyon, may 40,000 pa akong dapat ipunin, pero tulad ngayon 2 days akong naka-leave kaya wala akong kita sa bar niya ng dalawang araw. May apat na araw pa naman na palugit si Jumbo sa akin, kaya ko pa iyong gawan ng paraan.
"Ano ka ba naman, kaibigan kita at hindi kita pababayaan. Tutulungan kita basta pag nakahanap ka ng papa, wag mo akong kakalimutan ah?" Napatawa naman ako sa sinabi niya at mas lalo akong napatawa ng pati siya ay tumawa na.
***
Nandito na ako sa labas ng hotel kung saan gaganapin ang party. Inayusan ako ni Maria at ang ganda ng kanyang dress pero sobrang daring nga lang. Hindi ko nga alam kung pang-party nga ba ang style ng damit na ito, pati heels ay pinahiram na din niya ako. Kulay mint green tapos fitted ang dress ko tapos tube siya at ang iksi, kitang kita tuloy ang kapayatan ko sa damit na ito, pero ang masasabi ko lang... Napakagaling talaga ni Maria na mag-ayos, may future talaga siya sa mga ganitong bagay at minsan ginagawa niya din naman itong raket.
Naglalakad na ako papasok sa Hotel, confident na confident pa ako pero napatigil ako ng harangin ako ng isang guwardiya.
"Ma'am? May event po ba kayong dadaluhan? Hihingin ko lang po sana ang invitation niyo."
'Obviously meron!' Pero syempre hindi ko na iyon sinabi pa sa guard na kaharap ko, dahil nakakahiya naman. Respeto ko nalang.
Agad naman na binuksan ko ang pouch na dala-dala ko at hinanap ko ang invitation na sinasabi ni manong, ang alam ko ay nadala ko iyon kanina kela Maria. Pero halos manlaki ang mata ko dahil sa wala akong makapa na invitation doon.
Lumakad ako papalapit sa table ni manong, sumunod din naman ito sa'kin at walang ano-ano ay itinaktak ko doon ang laman ng dala-dala kong pouch, pero walang invitation na lumabas mula doon, kahit nga yata baliktarin ko pa ang pouch na iyon ay hindi iyon lalabas.
'Patay!' Napatingin ako kay manong at ngumiti ng ubod ng tamis.
"Ah–Manong, naiwan ko po kasi iyong invitation ko, pero Reunion Party po sa 25th floor sana ang dadaluhan ko." Nahihiyang sabi ko sa guard."Nako Ma'am, hindi po ba nasabi sa inyo na kailangan niyong dalahin ang invitation niyo para makapasok?" Sagot niya, napapakamot pa sa kaniyang batok.
'Hala!' Pano iyan? Saktong pera nalang ang meron ako dito pamasahe pauwi, di ko na kasi dinala iyong iba kong pera dahil di ko naman iyon magagamit dito sa party na ito. Isa pa, may pinaglalaanan pa ako noon.
"Eh hindi niyo po ba ako pwedeng mapapasok? Hindi ko naman po kasi akalain na kailangan pala iyon, nagmamadali po kasi ako kanina."
Pagbabakasakali ko sa guard na kaharap ko.
"Nako Ma'am, hindi ko po kayo pwedeng papasukin dahil paniguradong mawawalan po ako ng trabaho kapag pinagbigyan ko kayo."
Malungkot kong inayos iyong mga gamit kong itinaktak sa table niya at tumayo ng maayos. Malungkot ko din na tinignan si Manong.
'Wala na!' Wala na talagang pag-asa, sayang naman ang pag-aayos ko. 'Hay nako!' Ayuko naman na mawalan si manong ng trabaho dahil lang sakin.
"She's with me."
Halos hilingin ko sa may kapal na sana, bumuka na ang sahig na kinatatayuan ko at lamunin ako nito. Hindi kasi ako pwedeng magkamali sa lalaking umakbay sa akin, kahit na hindi ko pa ito nililingon. Amoy palang niya ay alam ko na kung sino ang lalaking pangahas na inakbayan ako.
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...