Chapter fourteen

8.1K 169 3
                                    

Chapter Fourteen

Kinaumagahan, maagap akong umalis. Nagising ako katabi ko na si Maria. Pero hindi na ako nag-abala pang gisingin siya kasi alam kong puyat siya.

Maagap akong pumasok sa trabaho ko kela Ark dahil iniiwasan ko nga siya dahil sa pangyayari kahapon. Saktong dating ko naman mga tulog pa yung mga amo ko pati ang hari. Kaya naman ginawa ko na agad ang mga dapat kong gawin.

"Alessana..."

Nasa washing area kasi ako ngayon at halos mapa-talon ako dahil sa gulat.

"Diyoskopo! Alcara, anong ginagawa mo dito? Huwag ka namang nanggugulat."

Sabi ko sa kanya, sakto pa naman na naglalagay ako ng sabon sa washing machine at dahil nga sa gulat ko, ayun nataktak lang naman lahat ng sabon na inilalagay ko.

Seryoso lang na nakatingin sakin si Alcara, nakakatakot naman ang isang ito. Hindi ba uso sa kanya ang salitang smile?

"Can you also wash this? I need this tomorrow morning." Sabay abot niya sakit ng dalawang T-shirt, blue and white ang kulay nito.  Agad naman akong tumango sa kanya at kinuha ito. Pagkatapos walang pasabing umalis siya ng silid na iyon. Napailing nalang tuloy ako at inilagay ko na ang asul na damit sa mga de-color tapos yung puti naman ay dun sa mga puti din para hindi ito mahawaan kung sakali man.

"Alessana, can we talk?"

Napa-lingon akong muli sa aking likuran at nakakita ako ng haring maganda ang katawan na nakatayo sa aking likuran. May seryoso pa siyang mukha habang nakatingin sa akin.

"Ano naman ang pag-uusapan natin. Sir." May diin sa dulong sabi ko sa lalaking nasa aking harapan na ngayon.

"About what happened yesterday. Alessana, Collen is just my friend too so sana wag mong isipin yung mga sinabi niya yesterday."

Friend? Yung ganon? May pa-babe babe pa? Niloloko ba ako netong ulaga na ito? Pakiramdam ko namamaga na naman ang litid sa ulo ko dahil sa init ng dugo ko na nadaloy doon?

"Hindi na dapat natin pag-usapan iyon! Maglalaba na ako. Makakaalis kana, nakahanda na yung almusal sa lamesa. Kumain na kayo."

Akmang tatalikuran ko na sana siya dahil maglalaba pa ako, kaso inilakhakbang niya ako para yakapin.

"A–Ano bang ginagawa mo Ark, baka may makakita satin dito. L–Let me go Ark! Ano ba?!"

Hindi niya ako pinakinggan. Pakiramdam ko nga mas lalong humigpit yung yakap niya sakin.

"Oy Ark, ano ba? H–hindi na ako makahinga!" Sinubukan kong pumalag pero useless lang din naman dahil sa ang lakas lakas kaya niya.

"Five minutes Alessana... just five minutes please. Let me hug you for five fvcking minutes."

Kalma yung boses niya. Ano bang meron? Free huh day ba ngayon?

"A–ano bang nangyayari sa iyo Ark?"

Hindi siya sumagot at nanatili siyang naka-yakap sa akin. Hinayaan ko nalang siya, wala din naman akong magagawa eh.

Makalipas ang limang minuto, bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sakin at walang pasabing umalis na siya doon.  Pakiramdam ko inisahan niya lang ako dun ah!

Sira ulo ata ang isang yun, kahapon pa siya nagti-take advantage sakin ah.

Pinagbibigyan mo naman kasi kaya umaabuso na.

Bulong ng maliit na boses sa aking utak. Napa-iling ako dahil doon, nababaliw na din ata ako. Nahawa na yata ako ng ulopong. Napangiti ako dahil sa ideyang iyon. Muli kong ipinagpatuloy ang aking pag-lalaba.

Maagap akong natapos sa mga gawain ko, kaya maagap din akong sumibat papaalis sa bahay nila Ark. Feeling ko kasi palagi ko siyang kasama dahil naiwan ang mabango niyang amoy sakin.

Pero bago ako umalis bilin sakin ni Alorica na huwag na daw muna ako bumalik, sabi daw iyon ng kuya nila kaya naman pumayag ako. Wala naman akong choice eh.

-

Very short update? I know right, hihihi babawi nalang ako sa next UD. Please do comment sa mga silent readers ko diyan, papasko niyo na pooooo! Ahihihi labyuall! :)

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon