Chapter Twenty-One
"Alessana, heto ang sariwang bangus, kaka-deliver lamang sakin ni Anton ito, dito kana bumili sakin ilang kilo ba?" Pang-aalok sakin ni Manang Tasiya. Nandito kasi ako ngayon sa palengke ng San Franiego.
"Ah sige Manang Tasiya, kalahating kilo lang ho."
Agad na tumango ang Ginang sakin at inasikaso na niya ang kalahating bangus na binibili ko. Habang nililinis pa niya ang bangus ay nagpa-lingon-lingon naman ako at naghahanap pa ako ng ibang maaring bilihing rekado para sa lulutuin kong sinigang na bangus.
Wala kasi si Maria, ito na ang ika-apat na buwan namin sa San Franiego, at hanggang ngayon ay hindi ko parin talaga maalala si Ark at Jake na halos araw araw kong pinapa-kwento kay Maria.
Sa pagtingin sa paligid ay nakakita naman ako ng kang-kong na sariwa , kalapit lang naman ng tindahan ni Manang Tasiya yung pinuntahan kong tindahan ng gulay kaya ayos lang iyon.
"Mag-kano po sa Kangkong?" Tanong ko sa tindera na ngayon ay nakatalikod sakin at nag-aayos ng iba niyang panindang gulay. Humarap naman siya nung nag-tanong ako.
Gulat. Iyon ang nakita kong reaksiyon niya ng harapin niya ako. Titig na titig ito sa akin at parang di makapaniwala na nasa harapan niya ako.
"A–Alessana?! Ikaw ba iyan?" Iyan ang sabi niya ng makabawi siya sa pagkagulat. Napakunot tuloy ang noo ko.
"Kilala mo ako? Hindi ko pa naman sinasabi sa'yo ang pangalan ko ah." Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"A–Ayos ka lang ba? Ako ito si Jepaii, hindi mo ba ako nakikilala?" Nagtataka na may halong pag-aalala na tanong niya sakin. Ngayon ay malapit na siya sakin.
"Jepaii?!" Sino ang babaeng ito? Alam kaya niya ang kwento nila Ark?
"Oo, ako ito, iyong kapit-bahay niyo sa Maynila, yung nakatira sa katapat ng bahay mo. Kamusta ka na? Nako nandito ka lang pala! Alam mo bang halos araw-araw nasa bahay mo ang fiance mo, araw araw niya akong tinatanong kung tumawag ka daw ba, o umuwi manlang. Tapos minsan pa nga ay nakita kong naiyak siya habang naka-masid sa labas ng bahay mo. Diyos ko po! Nandito ka lang pala? Umalis na kasi ako doon kela inay dahil gusto ng tiyahin kong dito muna ako sa kanya taga benta nitong mga gulay niya. Ang laki ng ipinayat mo pero bumagay naman sa'yo."
Pinaikot ikot pa niya ako para tignan ang kabuuan ko. Pero ano daw? Fiance? Ikakasal na ba dapat ako? Akala ko may boyfriend lang ako.
"Fiance? A–Anong pangalan ng lalaking iyon?" Tanong ko kay Jepaii na ngayon ay nabura na ang ngiti na kanina pa nasa kanyang mukha.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina ako yung di mo kilala tapos ngayon yung mismong forever mo na? Haller!! Si papa Ark po, dahil si Jake ay kaibigan mo lamang diba? Nai-kwento ni Maria sakin iyon noon eh... Teka! Nasan si Maria magkasama kayo? Anong ginagawa niyo dito sa San Franiego?"
Ngayon ko lang na-realize na ang daldal pala niya. Para siyang parrot hays! Pero nabanggit niya ang pangalang Ark bilang Fiance ko? Talaga ba??
"Hoy!" Napa-talon naman ako ng mahina nung gulatin ako ni Jepaii.
"Ano ba iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa kitang tinatanong, asan si 'Maria? Di ba magkasama kayo?" Nagpalinga linga siya sa paligid, siguro ay hinahanap niya si Maria.
"Wala siya, di ko siya kasama ngayon. Nasa trabaho pa iyon ngayon."
"Ahh, dito ko lang pala kayo matatagpuan. Nako! Itatawag ko ito kay nanay para maibalita n'ya ito kay Ark." Muling sabi ni Jepaii at agad na kinuha niya ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
Genel KurguNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...