Chapter 5
"Alessana?"
Agad kong tinignan ang lalaking tumawag sa'kin at si Jake lang pala ito o mas kilala bilang Jake Louis Peterson, Ang manliligaw ko noon na binasted ko, dahil mas pinili ko si Ark, pero di naman pala talaga ako ang mahal, nakaka'gago lang diba?
"Alessana ikaw nga. What happened to you? Why are you crying?" Nag-aalalang lumapit siya sa'kin at inalalayan niya ako.
"I'm sorry, kailangan mo pa akong makita sa gantong sitwasyon Jake." Sabi ko sa kanya at agad na iniwas ang tingin ko, alam ko kasing kalat na ang make up ko dahil sa pag-iyak at isa pa, pangit ako kapag umiiyak. kaya naman nagulat ako ng hawakan niya ako sa aking baba at iniharap niya ako sa kanya.
Mas lalong lumaki ang katawan niya, at bagay sa kanya ang suit na suot niya. Gwapo si JL. Tulad ni Ark, sikat din ito sa school namin noon. Matangkad, mayaman, mabait, sweet, guwapo. Wala ka na ngang hihilingin pa eh. Pero si Ark, ang mahal ko noon kaya naman binasted ko siya.
"Ano ka ba Alessana, wala iyon. Halika, ihahatid na kita."
Pero bago niya ako alalayan ay kinuha muna niya ang kanyang panyo sa bulsa at ipinunas iyon sa mukha ko. Kulay puti pa naman ang panyong iyon kaya kitang-kita ang mantsa ng make up ko doon.
"Stop crying, hindi bagay sa iyo ang umiiyak Alessana." Naka-ngiting sabi niya.
Pagkatapos niyang pahidan ang luha ko ay ibabalik na sana niya sa bulsa niya ang panyo, pero pinigilan ko siya dahil nakakahiya naman, nadumihan ang panyo niya dahil sa make up ko.
"Lalabhan ko na muna ito Jake, ibabalik ko na lamang ito kapag nagkita na tayo ulit." Sabi ko sa kanya, tapos kinuha ko 'yong panyo sa kamay niya.
Napangiti naman si Jake dahil sa sinabi ko... Siguro.
"Alright, you can give it back to me next time na magkita tayo, but for now i'll send you home."
"Nako! Ayos lang ako Jake, huwag mo na akong ihatid, may masasakyan pa naman ako pauwi eh."
Napasimangot naman siya dahil sa sagot ko. Ay nako! Delikado na kasi sa lugar namin pag ganitong late na eh, baka mapag-diskitahan pa ang kanyang guwapong mukha at paniguradong pati na din ang guwapo niyang sasakyan.
"Ihahatid na nga kita Alessana. Gabi na din at hindi na ligtas na mag-commute ka pa. Nakakalimutan mo yata na babae ka at maganda pa." Pangungulit ni Jake sa'kin at talagang nag-itsurang gwapong ulol pa siya sa akin.
"Hala sige na. Ihatid mo na ako, pero ayos lang bang paki-alalayan mo na din ako dahil may bali yata ako sa kaliwa kong paa, medyo masakit kasi kapag inilalakad ko." Walang hiya-hiya kong sabi sa kaniya. Masakit kasi talaga.
Naka-ngiti naman siyang tumango at agad akong inalalayan.
Samantala, kitang-kita naman ni Ark ang eksena ni Jake at ni Alessana mula sa kinatatayuan niyang banyo na pang-babae , nasa pintuan kasi siya at papalabas na sana siya noon sa banyo dahil plano niyang sundan si Alessana kaso nakita naman niya ito na kausap na si Jake, ang dati niyang karibal at mukhang hanggang ngayon ay magiging karibal niya pa din.
"What is that fvcking guy doing here?!" Bulong na tanong niya sa sarili.
Pakiramdam niya ay nakulo na ang dugo niya sa galit dahil sa nakikita niya. Naikuyom nalang niya ang kanyang mga kamay para pigilan ang galit na nararamdaman niya at siguro pati narin selos. Halata namang nilalandi lang ng lalaking iyon ang pag-aari niya. Pinupunasan ni Jake ang mukha ni Alessana sa eksenang nakikita niya, at hindi na talaga siya natutuwa doon.
Pinipigil niya lamang ang kanyang sarili na huwag sugudin ang lalaki, dahil ayaw niyang dagdagan pa ang galit sa kanya ni Alessana, kahit na gustong-gusto na niyang lapitan ang dalawa dahil sa matinding selos na nararamdan niya lalo na nung alalayan na ni Jake si Alessana sa paglalakad.
Namura nalang ni Ark ang kanyang sarili dahil sa dapat ay siya ang umaalalay kay Alessana, pero may lalaking ulol naman ang umagaw ng posisyon niya. Pero napagisip-isip din niya na may kasalanan din kasi siya.
"That freakin' nerd! I will definitely get back to him kapag wala si Alessana sa paligid." Gigil na bulong ni Ark habang pinagma-masdan ang dalawa na papalayo na sa kanya.
Panay naman ang sulyap ni Alessana sa kanyang katabi na si Jake, habang nag-mamaneho ito. Seryoso ang mukha ng binata pero alam niyang panay ang sulyap ni Alessana sa kanya.
"May gusto ka ba'ng itanong Alessana?I can feel your stares, you can ask me if you have some questions in your mind." Tanong ni Jake kay Alessana.
At nanlaki naman ang butas ng ilong ng ko dahil sa kahihiyan dahil nabisto niya na tinitignan ko siya habang nagmamaneho, kaya naman agad akong tumingin sa unahan, gosh! Nakakahiya baka isipin niya na nagnanakaw pa ako ng tingin.
"H–ha? Ah, ehem... wala naman! Nakaka-panibago lang kasi ang tagal na nating hindi nagkita. Huling balita ko sa mga ka-batch natin ay tumungo ka na sa Singapore matapos nating grumaduate, hindi ko inaasahan na magkikita tayong muli sa reunion na ito."
"Yes pumunta nga ako sa Singapore, pero bumalik na ako dito last month pa. Kanino mo pala nabalitaan ang bagay na iyon? Kay Lerica ba? Hindi ko na nga nagawang mag-paalam sa iyo noon dahil noong pumunta ako sa bahay niyo ay hindi ko na kayo inabutan. Lumipat na daw kayo sabi ni Aleng Maring na kapit-bahay niyo."
Eh! Ang tagal na pala niya dito. Kaya din pala naka-attend ito sa naturang event
Eh si Ark kaya? Ugh! Bakit ba naiisip ko pa ang isang iyon, siya kaya ang dahilan ng pilay ko sa paa ngayon.
"Oo kay Lerica nga. Are you going to stay here for good?"
Ewan ko pero 'yan ang lumabas na tanong sa bibig ko.
"Maybe yes, lalo na at nakakita na ako ng isang magandang dahilan para mag-stay na lang dito." Nakangiting sagot ni Jake.
Napatingin naman si Alessana sa Binata.
"Pwede ko bang malaman ang one good reason mo?" Mahinang tanong ni Alessana, pero ang totoo ay may kutob siyang alam na niya ito.
"Because...we already meet again."
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...