Chapter Sixteen
OFFICIAL na nga kami ni Ark, pero kailangan daw muna namin ilihim iyon dahil nalaman kong may problema pa pala siyang inaayos. Kaya pala hindi niya muna ako pinababalik sa mansiyon.
Sikat na model din kasi itong si Ark at kung tanda niyo pa si Collen, hanggang ngayon ay na-lilink parin silang dalawa which is sabi sakin ni Ark noong gabing may nangyari samin, huwag ko na daw pagseselosan dahil hindi naman daw niya gusto si Collen.
Three days na kaming hindi nagkikita nang boyfriend ko, dapat bang huwag na akong mag-alala pa? It was three fvcking days, at ito pa ang malala. Ang sabi nang mokong na yun tuwing magkikita daw kami dapat handa ako.
Manyak! Siya yun.
"Hoy Cinderella, ano na naman isinisimangot mo diyan? Miss mo na si papabols mo ano? Sinasabi ko na nga ba, bibigay ka din sa galanteng iyon eh." Pang-aasar ng matakaw na si Maria. Good news, may Television na kami, ibinili ako ni Ark, yung flatscreen na sobrang laki. Kaya heto nag-momovie marathon kami ni Maria dahil bukod sa Pa-TV ni Ark may wifi na din at CatV itong sinama tapos may mga ibang appliances pa para daw mapadali ang gawa namin dito sa bahay.
Galante nga. Ang laki laki ng ginastos niya, at nadadaan niya talaga sa yaman niya dahil ultimo itong bahay na tinutuluyan ko ay binili na niya. Opo! Tama po! Pag-mamay-ari ko na po, kaya wala na akong upa araw araw, halos wala na nga sana akong gagastusin dahil plano din niyang bayaran ang bills ko, ang monthly stock ko ng pagkain, pero dahil nahihiya na ako, inaway ko siya para naman pumayag siyang ako nalang ang gumastos sa bills at iba pa. Pero ang cellphone ko? Hindi niya pina-awat. Ibinili niya pa din ako, dinamay na din niya si Maria dahil nakakasama ko daw ito dito sa bahay.
"Hind ko siya miss no! Busy lang yun sa trabaho. Pero pag di na yun busy, nako makikita mo nalang nasa kusina na yun nag-luluto ng pang-handa sa fiesta."
Agad na napa-irap naman ang mata ni Maria, porke may sarili na siyang kwarto. Bakit ba kasi ang galante ni Ark? Dun kasi sa kwarto ko, pinarenovate niya, pinalawak niya, pinalitan niya ang kama para daw mag-kasiya kami. May sariling damitan siya at mga gamit sa kwarto ko.
At oo miss na miss ko na si Ark, hinihithit ko na nga lang yung pabango niya pag miss na miss ko na siya eh. Di narin ako makapunta sa kanila dahil sa ayaw niya parin akong papuntahin muna doon.
Nanuod nalang kami ni Maria mag-hapon. Kasi sa gabi, mag-isa na naman ako. Si Maria may trabaho pa sa Bar ni Leo. Ayaw niyang umalis dun kasi di naman naka-tapos si Maria eh, kaya wala siyang mahahanap na ibang work.
"Pero advice lang girl, huwag mo masiyadong ibibigay lahat ha? Ayukong baka biglang may mag-bago sa huli tapos masaktan ka naman ng bongga."
Napatingin naman ako sa kanya. What is she telling about?
Pero dahil ayuko namang mag-isip ng kung ano, ngumiti nalang ako sa kanya at tumango.
Nanuod nalang kami ulit. Ang palabas kasi ngayon ay yung my ex and why's ni Liza at Enrique.
"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then WHY?!"
Nagulat naman ako sa biglaang pag-sigaw ni Maria sa tabi ko at nung tignan ko siya, umiiyak ang lola niyo. Anong katangahan na naman ang naisip nito at ginagaya niya si Liza?
"Ano girl, puwede na ba akong pumalit kay Liza. Huhuhu." Sabi niya sabay subo ng chips na kinakain niya ngayon.
Napa-irap naman ako sa kanya at tumawa. Pano ba naman kalat yung eye liner niya, tapos yung sipon niya nalabas na, may amos pa siya ng chips sa gilid ng bibig niya. Seriously? Pano ko naging kaibigan ang buang na ito? Maka-sermon siya na ang kalat ko eh samantalang siya nga ang amos din kumain eh.
Sumeryoso naman ang mukha niya at seryoso akong tinitigan. Nawala tuloy yung ngiti ko kanina.
"Are you insulting my charm? HOW DARE YOU?!" Singhal niya sa akin at bigla ba namang mag-walk out.
Napanga-nga na lang ako dahil sa inakto niya. Kinulang na ba talaga ng turnilyo sa utak ang kaibigan ko? Bakit ang drama drama niya? Argh.
-
Merry Christmas po sa inyong lahat. :)
Happy birthday papa G. HAPPY NEW YEAR GUYS! Kamusta ang new year niyo? :)P.S yung Merry christmas ko na bati is nung 25 ko pa talaga naka-type pero dahil sa ka-busy-han hindi ko pala siya na-post, so ngayong new year nalang. Pinisan ko na, btw SALAAAAAMAT sa inyo dahil naging part kayo ng 2017 ko, nawa ay manatili kayo sa pag-support sa story kong ito sa taong 2018. Hoooooray!
-Abi-
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...