Chapter 7
"Stop calling my name, That is not my question here Alessana." Seryoso pa ding sabi niya.
"A–Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Nauutal kong singhal sa kanya.
Pero hindi niya pinakawalan ang kamay ko. Kaya napangiwi ako, mukhang hindi tumalab iyong singhal ko, medyo mahigpit na din ang pagkakahawak niya sa akin dahil ramdam ko na ang sakit.
"You'll going to answer me Alessana or l'm going to rip that damn dress you're wearing, right here! Right now!" Mababa at walang pinagbago ang tono ng boses niya na nagdala lalo ng kilabot sa aking buong katawan!
"ANO BA KASING PROBLEMA MO? WALA NAMAN AKONG DAPAT NA IPALIWANAG SA IYO! Let me remind you Mister, wala na tayong relasyon mga five years ago na ang nakakalipas, hindi ka ba na-inform?" Hindi man ako tumakbo pero hiningal po ako sa speech ko na iyon.
'Tengene kasing lalaking ito!'
"Oo nga pala! Wala na nga pala tayong relasyon–But let me also remind you too woman, you're still mine! You'll be mine no matter what happened."
Tapos binitiwan na niya ako at walang pasabing iniwan ako doon na naka-tulala at naka-nganga!
'Anong sabi niya?'
Agad na lumingon ako noong natauhan ako para sana hanapin ang gago, kaso wala na! May sa bampira ata ang sira ulong iyon at nawala agad! Sabagay doon naman siya magaling eh, ang mang-iwan ng biglaan. Iyong tipong walang pasabi kahit manlang paramdam. Hiyang-hiya na nga ang bula sa kanya, bulaan kasi siya!
"Akala naman niya matatakot ako? Kapal ng mukha niya ha, kulugo siya!" Usok ilong na imik ko kahit pa mag-isa na lang ako dito.
Nag-martsya akong papasok sa loob ng bahay ko, hawak-hawak ang aking kamay na hinawakan niya. May bali pa ko sa paa pero heto nagka-injury na naman yata ako dahil sa hawak niya.
Lesson learned, umiwas kay Ark. Ark is no good, kaya niyang saktan ang magandang katulad ko lalo na kapag galit.
Kinabukasan...
"Ang sakit ng paa ko!HUTAAAA!"
Hindi ako makabangon dahil sa tuwing susubukan kong ikibo ang kaliwang paa ko ay talo pa nito ang pinuputol dahil sa sakit.
Nakalimutan ko kasing padaanan ng yelo ito kagabi dahil pagdating ko dito ay nag-alis lang ako ng make up, nagpalit lang din ako ng pantulog dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagod mag-isip kay Ark! Nyetang iyon.
"Patay! Mamayang gabi pa naman ay papasok na ako ulit sa Bar ni Leo. Paano ako sasayaw ng may bali ang kaliwang paa at ni mailakad nga ay hindi ko magawa, sayaw pa kaya."
Para na akong baliw dahil kinakausap ang sarili, habang nakatingin ako sa paa kong hindi ko mai-galaw dahil sobrang sakit kapag sinusubukan kong i-galaw. Nauubos ang lakas ko dahil sa sakit. Nakakabwisit! Kasalanan ito ng lalaking iyon, kung hindi niya ako sinundan sa comfort room edi sana wala akong bali sa paa ngayon.
Nanlulumong pinagmasdan ko ang aking silid. Magulong damit na nagkalat sa sahig, mga balat ng sitsiriya na aking madalas kainin, ang mga papel na nagkalat mula sa lamesa hanggang sa sahig, may mga make up din na nasa lapag, cabinet na akala mo ay pinag-nakawan ng mga alahas dahil sa gulo-gulo ito at di mawari kung malilinis pa ito dahil sa may mga nakahalong halatang gamit na, magulo din ang bukod tangi niyang maliit na kama, sa side table naman nito ay nakapatong ang cellphone niyang di keypad, na may tatak na Samsung, dahil wala naman siyang pambili ng magarang cellphone.
"Ang dami kong lilinisin." Hindi ko maiwasang sabihin iyon ng malakas. Buset!
Maski sino ay parang maiinis kung makikita nila ang kalat ng aking maliit na silid, ngayon ay namomroblema tuloy ako kung paano ko ito ngayon lilinisin sa dami nito, partida na may bali pa ang ako sa paa. Nakakaramdam na din ako ng gutom.
Hindi ko tuloy alam paano sisimulan ang maghapon ko. Napahiga nalang ulit ako sa aking magulong kama at napatitig sa kisame na may mga sapot na ng gagambang nakikitira sa aking silid. Pati yata gagamba ay naawa na sa akin kaya sinamahan na niya ako dito sa munti kong kaharian.
"Paano na ako nito?" Tanong ko na parang lutang na lutang dahil sa dami ng aking iniisip na gawain.
*Pay back is a bad bitch and baby i'm a savage...*
Napabalikwas nalang ako ng biglang tumunog ang ringtone ng aking di keypad na cellphone. Mumurahin nga ito dahil sa mga bentahan ng china phone ko lang naman ito nabili, pero pwede naman itong lagayan ng memory card at isa pa matagal naman itong malowbat kaya naman mahal ko ang cellphone na ito.
"ARAY! T*ngina! Ang sakit ng paa ko!! WHOOOOOOOOOO!"
Nawala tuloy sa isip ko na may bali nga pala ako sa paa, dahil bigla ko itong nai-galaw, dahil sa gulat sa cellphone kong nag-iingay at huli na ng maalala kong may pilay nga pala ako.
Tuloy ay hawak hawak ko ngayon ang bali kong paa, habang nakatingala sa kisame na at pinipigilan ang aking luhang papatak na dulot ng antak at kirot ng aking paa. Tangina! Para akong pinapatay sa sakit!
Masamang tinignan ko naman ang cellphone kong ubod ng ingay. Dahan-dahan ko itong inabot mula sa side table, at tinignan ang caller, dahilan para magulat ako.
Maria Calling...
Anak ng! Si Maria lang pala. Sinagot ko ito dahil baka mamaya ay importante pala ang sasabihin niya.
"Hello Maria."
"Hello Alessana. Kamusta ang party?"
Agad na nanlaki ang butas ng aking ilong dahil sa tanong niya sa kabilang linya, dahil sa naalala ko na naman ang mga nakaka-buwisit na nangyari sa akin sa party na iyon.
"Huwag na huwag mo na nga iyang ipaalala pa sa akin Maria."
Wala sa loob na sabi ko. At halos mairita na ako dahil sa bigla ba namang humalakhak ng pagkalakas-lakas sa kabilang linya ang kaibigan kong may sapak.
"HAHAHAHAHA IKAW HA! HINDI MO NABANGGIT SAKIN NA KA-BATCH MO PALA SI MR.HANSON! Kung hindi pa kayo nakita ni Ate Jepaii sa labas ng bahay mo kagabi ay hindi ko malalaman na mag-kasama kayo!"
Yung lang pala—Wait... W-What? Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
HOLLY MOTHER OF COW!
-
This Chapter is Dedicated to LunaticAllyLeny
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
Narrativa generaleNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...