Chapter Thirteen
"Collen, what the f*ck are you doing here?" Casual na tanong ni Ark. Nandito na kami sa sala. Umalis na kasi 'yong tatlong magkakapatid dahil may pasok sila. Kaya heto kaming tatlo magkaka-harap. Naghanda na ako ng maiinom na para saming tatlo.
Ramdam ko 'yong titig ni Collen sakin, parang papatayin ata ko nito eh.
Pasalamat siya at siya pala yung brazillian model na nali-link ngayon kay Ark, nai-chika nga pala sakin ni Maria 'yon. Hindi ko 'yon alam dahil di naman ako updated sa mga nangyayari sa bansa ngayon eh, si Maria lang talaga ang matiyaga sa mga ganyan.
"I missed you na kasi babe, and who is she ba? Bakit siya hubad, bakit siya mag-bababa ng boxers mo, bakit nasa kwarto kayo? Kung gusto mong magpa-init you can call me." Maarteng tanong naman ni Collen kay Ark na ngayon ay katabi niya, ipinulopot pa niya 'yong galamay niya sa braso nito.
Arte! Mas maganda pa kaya ako sa kanya. Psh!
Guess what? kaya ang taray ng tingin sakin ni Collen dahil suot suot ko ang T-shirt ni Ark, hindi ko kasi makita yung dress ko dahil hinagis lang basta ng mokong na ito kung saan. Inggit yan! Gusto ko tuloy siyang ngisian kaso, tinatamad ako eh.
"She's a special..." Pasimpleng tumingin sakin si Ark tapos muli siyang tumingin sa babaeng katabi niya.
A–Anong tingin niya sakin? Special child! Gago talaga 'to!
"Friend... That's all Collen, wala kang dapat ipag-alala."
Agad kong napaiwas ng tingin sa kanila dahil biglang hinawakan ni Ark sa mukha si Collen.
T*ngina! Friend lang ako? Eh ano pala 'yong ginawa namin kanina?! Muntik na kaming mag'chukchakan tapos friend lang? Ano 'to? Friends with benifits? Nakaka-gago talaga!
"N–Naalala kong may gagawin pa pala ako. Uuna na ako Ark, babalik nalang ako bukas."
Tumingin sila sakin dahil sa biglaan kong pag-tayo. Agad na tumayo din naman si Collen at naka-taas ang kilay na nakatingin sakin.
"Why? May agenda pa ba kayo ni Ark? Hindi mo na kailangang bumalik bukas. You may leave now at wag ka ng babalik forever, like duh! Ark is mine, so back off bitch!" Tapos inirapan ako.
Sasapakin ko 'to nang isa eh!
Nanlalaki ang butas ng ilong kong tinignan si Ark na nakangisi na ngayon. Tapos tumingin ako kay Collen na ngayon ay naka-ngisi na din.
Pag-umpogin ko kaya 'tong dalawang 'to?!
"Wala namang forever so expect me here tomorrow, wether you like it or not! At isa pa, wag mo akong mataray-tarayan diyan ha! Baka di ako makapag-timpi at sapakin nalang kita diyan bigla! Mag-sama kayo niyang malantod mong fling! Pakyu both!"
At iniwan ko silang dalawa na gulat na gulat. Nakakagulat ba? Hah! Pasalamat 'yang Collen na 'yan mabait pa ako. Pero kung nataon na may topak ako, di ako mag-dadalawang isip na sapakin 'yong makinis niyang mukha!
Mga peste sila!
"Oh Alessana, ang agap mo ata ngayon ah? Tanghali palang? Diba hanggang mamaya pa 'yong duty mo sa trabaho mo kela Ark? Bat ang agap mo ngayon girl?" Bungad sakin ni Maria na ngayon ay nag-luluto dito sa kusina. Lumapit siya sakin na kunot na kunot ang noo, nakatingin siya sa damit na suot ko.
"At kaninong damit 'yang suot mo Alessana? diba 'yong Dress na maroon ang ipinasuot ko sa'yo? Bakit parang pang-lalake na 'yang damit mo? Nako nako! Don't tell me may kumama sa'yo Alessana! Sinasabi ko na–"
"Maria, please wag muna ngayon. Pasok na muna ako sa kwarto." Pagpuputol ko sa mahaba na naman niyang speech. Pakiramdam ko ay hinang hina ako kaya naman di ko na kakayanin pa kung papakinggan ko pa ang mahabang speech ng kaibigan ko.
Nakayukong pumasok ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga ako sa kama ko.
'yong kanina... 'yong muntik na naman may mangyari sa amin ni Ark. Bakit ko ba siya hinahayaan na gawin 'yon?
Napahawak ako sa aking dibdib dahil biglang hindi naging normal 'yon nung muling isipin ko yung nangyari kanina samin ni Ark.
'yong halik, haplos, 'yong titig. Kakaiba ang dulot nun sa sistema ko. Masarap at parang hinahanap-hanap 'yon ng katawan ko.
Napa-iling nalang ako sa aking mga naiisip.
"Mali ang iniisip mo Alessana! Huwag kang papadala diyan sa iniisip mo. Ginago ka noon nang ulaga'ng iyon."
Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang nakikipag-titigan ako sa kisami kong ngayon ay malinis na. Mukhang nahiya ang mga sapot ng gagamba kay Maria. Hindi ko ito napapansin sa nag-daang araw dahil sa puro trabaho ang nasa isip ko.
Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa mahinang pag-yugyog sakin.
"Alessana, gumising kana diyan para makapag-dinner kana. Di kana naka-kain ng lunch dahil tulog ka. Papasok na ako ngayon sa Bar at ikaw? kumain kana doon, nakahanda na. Bumangon ka na diyan." Sabi ni Maria na ngayon ay naka-ayos na.
Napangiti nalang ako kay Maria. Tapos umalis na din siya agad. Ibinilin niya lang sakin na mag-lock daw ako ng pintuan dahil madaling araw pa ang uwi niya. Parang di ko alam 'yon eh minsan na kaming naging magka-trabaho niyan. Minsan kasi di ako nakakapag-lock ng pinto dahil limot ko kaya halos araw-araw pag nandito ako palagi niyang sinasabi ang tungkol doon.
After kumain ng dinner nag-pasya akong matulog nalang ulit. Wala din naman akong ibang gagawin eh. Pinilit kong wag ng isipin 'yong mga nangyari sa kwarto ni Ark, tulad ng sabi niya, wala lamang 'yon. At isa na lang naman akong kaibigan.
-
Edited.
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...