Chapter 9

7.9K 181 20
                                    

Chapter 9

"H–Ha? Hindi naman. Pero anong ginagawa mo dito Jake?"

"Aayain lang sana kitang mag-kape... at isa pa gusto kong i-check kong okay ka na ba, actually dapat nung isang araw pa ako pupunta dito, kaso may inasikaso ako sa opisina. It's urgent and I don't have a choice kaya tinapos ko nalang."

Ang guwapo niya sa suot niyang plain white shirt at ripped jeans tapos converse na white ha? Labas na labas ang ganda nang katawan at kung pumorma akala mo teenager parin.

"Are you done checking me out Alessana?"

Pakiramdam ko pumunta lahat nang dugo ko sa mukha, nung muling umangat ang tingin ko sa kanyang mukha na ngayon ay may ngisi na, ngising—aso.

"Kapal naman ng mukha mo! Mag-kape kang mag-isa mo! Abala ka."

Nakasimangot kong sagot sa naka-ngising si Jake, pero bigla naman siyang lumungkot.

"Akala ko ba hindi ako abala? Ngayon abala na ako. Grabe ang sakit naman nun." Umarte pa siyang parang tinamaan sa dibdib dahil inilagay niya ang isang kamay sa dibdib at ang reaksyon niya ay para talagang nasasaktan siya, in short? Kaartihan. Best actor talaga!

"Mag-hintay ka dito! Mag-gagayak lang ako."

Hindi ko na siya tinignan pa, tinalikuran ko na siya at bumalik sa kwarto ko. Dumeretso ako sa drawer ng damit ko at nag-simula ng halukayin iyon at mag-hanap ng maisu-suot.

**

"ALESSANA! ANG TAGAL MO NAMAN MAG-BIHIS ANO PA BA ANG GINA—OH MY GOD!"

Napatingin ako kay Maria at nasa sahig na ngayon ang hawak hawak niyang chips. Isang oras na kasi ang lumipas at hanggang ngayon eto! Wala pa din akong maisuot.  At ng muli akong tumingin sa drawer ko ay napangiwi nalang din ako.

Gulo-gulo na naman ang mga damit kong iniayos na ni Maria. Kaya pala umuusok na ang ilong niya at ang sama na ng tingin niya sa'kin ngayon. Yari na!

"NAKAKAINIS KA NAMAN ALESSANA! Ang hirap kayang mag-ayos ng mga damit mo! Impisin mo iyan. Letse ka!"

Tapos nag-martsya na siya papalabas ng kwarto ko. Hay nako! Dinampot ko iyong white shirt at ripped jeans ko na nasa sahig at dumeretso na ako sa banyo para maligo nang mabilisan. Bahala na, nakakahiya naman kasi kay Maria kung mas guguluhin ko pa.

After ng mga isang oras pa ulit natapos na ako at nag-ayos na ako. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Jake na nag-lalaro sa phone niya at base sa tunog nung game niya ? Mobile legends iyon. Napataas tuloy ang isang kilay ko.

"Aba! Alam pala niya ang larong iyon sa edad niya ngayon ha? Tsk! " bulong ko sa sarili ko habang nakatingin lang kay Jake na nakakunot pa ang noo, mukhang sa kabisihan niya nga ay hindi niya feel na nandun na ako. Well sanay naman na akong ma-ignore.

Lumabas naman bigla sa kusina si Maria na may dala na namang bagong chips. Ang takaw talaga ng isang ito, tinalo pa ang nag-lilihing baboy.

"Hoy Jake! Nandito na ang prinsesa mo. Umalis na nga kayo! Nakaka-bwisit ang pag-mumukha niyang prinsesa mo!"

Aray! Kung makapag-palayas siya sakin kala mo siya nagbabayad ng renta ko. Pero sige na nga, di ko na papatulan haha, nagulo ko kasi iyong damitan ko na inayos naman niya, kaya naman sige lang, awayin niya lang ako. Alam ko namang hindi din naman niya ako matitiis.

Napangiti ako at nilingon ko na si Jake na ngayon ay nakatayo na at nakangiti na ng pagkalaki-laki. Wala na siyang hawak na cellphone, mukhang victory ang ngiti niya, panalo yata.

"Seems like we're going out as a couple huh." Malawak ang ngiti niya habang sinasabi iyon. Napa-angat tuloy ang isa kong kilay dahil doon.

Couple? Kelan pa kami naging couple?

"Let's go?"Muli ay tanong ni Jake.

Tumango nalang ako at nagpaalam na kami kay Maria na humirit pa ng 'pasalubon'.

Nasa kotse na kami at on the way na kami sa pinaka-malapit na mall.

Madali lang naman iyong naging byahe namin, at nu'ng makarating kami sa mall, agad na napansin ko ay ang pag-tingin samin nang mga tao or should I say, tingin sa kanya pala.

"Seems like ngayon lang sila nakakita nang couple na tulad natin."

Napatingin naman ako sa sinabi niya. Kanina pa ito couple ng couple ha!

"Ano bang couple na pinagsasasabi mo diyan Jake?"

Tumigil kami sa paglakad at hinarap niya ako sa kanya.

"Look, plain white shirt plus the ripped jeans and the converse shoes. Ginagaya mo ba iyong get up ko, Alessana?"

At halos manlaki ang butas nang ilong ko dahil sa sinabi niya. WHAT? Napatingin ako sa damit ko at sa damit niya...

Too late, too late dahil sa oo nga, pareho kami ng porma! Tanga ko naman, di ko agad napansin iyon. Bwisit!

"Hindi ko sinasadyang magkapareho tayo ng damit ulopong ka! Huwag ka ngang assuming diyan!" inis na sagot ko sa kanya.

Napangisi naman siya.

"Okay, If you say so... Let's go, gutom na ako." Sabi niya at walang pasabing naglakad na si ulopong na may malaking ngiti sa kanyang mukha! Nakakainis talaga.

Napa-irap na lang ako dahil sa inasta ng kumag na iyon, at sumunod nalang ako sa kanya.

Sa isang Coffee shop kami pumunta tulad ng napag-usapan. Pareho pala kaming mahilig sa kape, kaibahan lang, siya madaming pambili nang kape, timpla o hindi. Pero ako? Heto tamang sa bahay lang tapos nagtitimpla lang ako, madalas ko pang kape is 'yong tig-tatatlong piso na nasa stick. Wala eh, mahirap eh.

"Anyways, may trabaho ka ba ngayon?"

Halos maibuga ko na sa kanya iyong kape na nasa bibig ko ngayon. Hindi niya nga pala alam ang trabaho ko.

"Are you alright? Here..." Inabutan niya ako ng tissue na agad ko namang tinanggap at ipinunas sa bibig ko.

Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

"M–Mainit pa pala." Pag-dadahilan ko naman.

Sana ay huwag na niyang itanong ulit ang tungkol sa trabaho ko.

"So ayun nga, may trabaho kaba? Aalukin sana kita ng posisyon sa kompanya ko."

Halos manlaglag ang balikat ko. Di talaga nakiki-ayon sa akin ang panahon.

Sasabihin ko ba? Nako baka hindi niya magustuhan. Teka baka naman maunawaan niya.–pero teka! Anong klaseng posisyon naman iyon? Baka kalokohan lang.

"O–Oo meron akong trabaho... Kung sakali mang wala, maaari ko bang malaman kung ano namang posisyon ang iaalok mo sa'kin?"

"Secretary."casual na sagot niya.

Maganda ang trabahong iyon, pinangarap ko ang trabahong iyon. Pero hindi ko inaasahan na dadating pala ang pagkakataon na ito, na may taong mago-offer sakin ng ganong posisyon.

"Saan ka ba nagta-trabaho? Baka pwedeng sa kompanya ko nalang, mas maganda ang pasahod ko sa mga empleyado ko."

Patay! He's asking too much! What to do?

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon