Chapter Thirty-three
Three years later...
-Mrs. Hanson's POv-
"How was it Madame, I bet it looks good at you. I'm sure Mr. Hanson will love to see his wife back after three long years, you looked different now."
Hindi mapigilan ni Alessana Montereal Hanson ang mapangiti habang nakatingin sa salamin.
It's been three years... three years of pain, anger... siguro tuwang tuwa na ang mga taong pumatay sa dating ako. But thanks to my husband, ginawa niya ang lahat mabuhay lang ako.
"I know, and I missed him so much. Tama na ang tatlong taong pagpapagaling at tama na din ang tatlong taong nagpanggap siya na wala siyang asawa." Nakangising sabi naman ni Alessana.
Paniguradong Bakit? Agad ang maitatanong nila Maria kapag nakita nilang buhay pa ang taong inakala nilang patay na.
"Zaldy, please ready everything, uuwi tayo sa pinas ngayon din."
I'm back bitches.Naka-ngising bulong ni Alessana sa utak niya.
"Okay Madame." Agad namang umalis si Zaldy sa silid ni Alessana.
Nakaligtas si Alessana, nung ini-announce na ng doctor na hindi na ako umabot, agad agad din akong ibinayahe ni Ark papunta sa ibang bansa. Umupa nalang si Ark ng ibang bangkay para magpanggap na si Alessana. Pero sa kasamaang palad, Hindi nakaligtas ang anak nila. At dahil doon napag-pasyahan ni Ark na magpanggap na walang asawa, nagpakasal si Alessana at Ark sa abroad, kasama ang magulang ni Ark, inoperahan si Alessana at pinalitan ng puso.
Kaya heto na ngayon siya, malakas at handa na siyang harapin ang mga taong trumaydor sa kanya.
Si Maria, well nalaman niya na si Maria pala ang nag-plano na ipapatay siya sa mismong araw ng kasal nila ni Ark sa beach. Kasabwat ni Maria si Jake at Collen. Bakit niya nagawa? Selos. May lihim na pagtingin pala ang itinuring kong kaibigan sa aking asawa, at ang hindi ko alam kapatid pala ni Collen si Maria, Paano nangyari? Anak sa labas si Maria nang nanay ni Collen. At hindi yun sinabi sakin ni Maria sa haba ng panahong magkasama kami.
Wala kaming alam na nag-aalaga na pala kami ng ahas sa pamamahay ng asawa ko noon. Kaya heto, nagluksa lang naman kami ni Ark ng tatalong taon, nawala ang anak naming dahil sa kasakiman at selos ni Collen at Maria, at si Jake he's a traitor. Ark is right, hindi siya dapat pagkatiwalaan. Dahil hanggang ngayon gusto parin niya akong makuha, but thanks to Timothy, nahuli na si Jake, or should I say... kusa siyang sumuko sa mga pulis noong nalaman niyang napatay pala niya ako.
Poor them right?
Sa ngayon, nabalitaan ko na nilalandi na ni Maria ang asaawa ko, si Collen, umuwe siya sa Finland... kasama ang Daddy niya, pero hindi yun excuse para hindi ko siya gantihan, after all... She's part of all this shit!
"Madame, everything is ready, sila Miss Gracia at Don Alexis po ay nasa baba na at hinihintay kayo Madame." Muling sabi ni Zaldy, kaya naman naagaw nito ang atensyon ni Alessana.
"Oh... I thought their not here... umuwi sila nang maagap?" tanong ni Alessana at nilingon na niya nag kanyang personal assistant.
"yes Madame, nalaman nila na ngayon tayo aalis." Kalmadong sabi ni Zaldy.
Miss Gracia Hanson at Don Alexis Hanson is Ark's parent's, alam nila ang lahat ng pinagdaanan ko at sinusuportahan na nila kami. Lalo na ng nalaman nilang namatay ang kanilang una sanang magiging apo dahil sa kabaliwan ng isang dating kaibigan.
"ija, are you sure na uuwi na kayo?" tanong ni Mommy Gracia.
"Yes Mommy, sure na ako, My husband needs me there, don't worry kayak o na naman po." sagot naman ni Alessana.
"just give us a call if hindi niyo na alam ang gagawin or kailangan ng back up. Pupunta kami dun." Sabi naman ni Don Alexis. Napatawa tuloy ang asawa niya at si Alessana.
"Don't worry dad, I'll do that. We have to go, gugulatin ko pa si Ark." Nakangiting sabi naman ni Alessana, hindi kasi alam ng asawa niya na ngayon siya uuwi. Ang alam nito ay sa susunod na buwan pa.
"Okay ija, ingat kayo. " sabi naman ni Mommy. Niyakap nalang niya ang mag-asawa.
"Thank you pos a lahat ng ginawa niyo mabuhay lang ako." Bulong niya sa dalawa.
"anu kaba ija, gagawin naming lahat dahil ikaw ang buhay ng anak namin... at nawala ang apo naming dahil sa ka-hayupan nila." Sagot naman ni Mommy.
-
It feels good to be back, Mrs.Hanson. Bulong ni Alessana sa isipan niya nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan nila sa Pinas.
"Welcome back madame." Sabi ni Zaldy sa kanya. Napangiti naman siya sa baklang kasama niya.
"Thank you Zaldy. Let's go to my husband now." Kalmadong sabi naman muli ni Alessana.
"Yes Madame, This way po." Zaldy leads the way papunta sa sasakyan nilang kotse papunta sa Hanson Corp.
"Yes Ma'am, may appointment po ba kayo?" Tanong nang babaeng nasa reception area kay Alessana. Agad na napataas ang kilay niya at ibinaba ng kaunti ang suot na sunglass niya.
"Wala akong appointment, Hindi naman na kailangan yun, I also own this, that, and your place." Mataray na sabi ni Alessana habang itinuro niya ng mga pwesto ng babae.
"Ah... Ma'am sorry pero ano pong pangalan nila?" tanong naman ng babae, halatang nawi-wirduhan siya kay Alessana.
"Alessana... Alessana Hanson." Dere-deretsong sabi naman ni Alessana na ikinagulat ng babaeng kausap.
"Alessana H-Hanson po Ma'am?" paguulit pa ng babae kay Alessana, nakaramdam naman ng inis si Alessana kasi hindi pa siya makapunta sa opisina ng asawa niya.
"Yes please, matagal pa ba yan? Tatawagan ko nalang siya at ipapatanggal ka sa trabaho pag di mo pa ako pinapunta sa opisina niya. And please... wag mo sabihing may bisita siya... nagkakaintindihan ba tayo?" Mataray na sabi ni Alessana sa babae, natakot naman ito sa inasta niya kay napa-tango na lang ito. Ngumiti naman ng ubod ng tamis si Alessana at naglakad na papunta sa elevator.
Agad na pinindot naman ni Zaldy ang top floor kung saan nandun ang opisina ni Ark.
*ting* hudyat na bubukas na ng pinto ng elevator.
Agad na nabungaran niya ang babaeng nakatalikod sa kanya, at tanging suot nalang nito ay ang kayang bra at panty. Napataas naman ang kilay ni Alessana dahil sa natanawan niya.
Ang asawa naman niya ay nananatiling naka-upo sa swivel chair nito at mukhang napirma lang siya sa mga papelis na nasa table niya, ni hindi man lang niya tinatapunan ng tingin ang babaeng nag-bebenta ng kaluluwa niya.
And that body? I also have like that. Ngising sabi ni Alessana sa kanyang isipan.
"Baby..." Agaw niya sa Atensyon ni Ark kaya naman napatayo ito ng Makita si Alessana.
"Alessana? What are you doing here akala ko sa isang buwan ka pa uuwi?" Agad na sabi ni Ark ng malapitan niya ang Asawa at lampasan lang ang babae.
"I missed you kaya umuwi na ako, besides... tapos na ang role ng mga ahas." Lumipat ang tingin ni Alessna sa babaeng natigilan nung binanggit niya ang salitang ahas.
Dahan dahan namang lumingon ang babae sa kanya at halos manlaglag ang eyeballs niya ng Makita si Alessana.
"Your Alive?" Di makapaniwalang tanong ng dalaga kay Alessana.
Ngumisi naman si Alessana at tinignan siya ng matalas.
"Aren't you happy to see me, Maria?"
-
Last 2 nalang nalang tapos epilogue na mga bes, huhuhuhu. ending naaaaaa! Gulat na Gulat ang mga traydor. hahahaha.
-Abi-
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
BeletrieNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...