Chapter Thirty-Four

5.8K 129 8
                                    

Chapter Thirty four

Hindi makapaniwala si Maria sa kanyang nakikita.

Paano'ng nangyari na buhay pa siya? Tanong ni Maria sa kanyang isipan habang titig na titig sa babaeng kaharap niya.

"Hindi mo ba ako na-miss Maria? O baka naman nalibang ka sa kakalandi sa asawa ko?" May diin sa bawat salitang binibitawan ni Alessana. At nakakaramdam nang takot si Maria dahil buhay pa pala ang babaeng pinatay niya dahil sa lalaking gusto niya.

Oo simula pa lamang noong nag-aaral sila, gusto na niya si Ark, pero hindi siya nito pinapansin kahit pa magpapansin siya. Kaya naman kinausap niya si Collen na pilitin ang Daddy nila na maging fiancé ni Collen si Ark, pinalano nila ni Collen ang lahat, kaya nakipag-hiwalay si Ark noon kay Alessana ng walang dahilan is dahil ginipit ng tatay ni Collen ang mga magulang ni Ark, kaya din niya pinili na magpanggap na mahirap para mapalapit siya kay Alessana dahil nalaman niya na namatay na pala ang mga magulang nito at sariling sikap na lamang si Alessana, pumasok siya bilang Dancer sa Bar ni Leo, sa mahabang panahon,. Pinagpatuloy nila ni Collen ang plano nila, hindi naman talaga si Collen ang babaeng kasama ni Ark noong mga panahon na lasing na lasing ito, si Maria yun, dahil sa kalasingan ni Ark hindi na niya namalayan yun.

Lahat nasa plano. Mula dun sa pagpapa-rape kay Alessana, pinsan nila Collen ang lalaking nang-rape kay Alessana, ang tanging wala lang sa plano nila ay yung mapatama ang ulo ni Alessana sa bato at mawalan ng malay. Pero yung planong susunduin ni Jake si Alessana at magpapanggap na napadaan lang ito ay kasama sa plano nilang magkapatid. Maria, Collen, and Jake are childhood friends, kaya naman magkakakilala sila at dahil nga may lihim na pagtingin si Jake kay Alessana... Sumali si Jake sa plano ni Collen at Maria.

Hanggang sa napagdesisyonan ni Maria na dalhin sa malayong lugar si Alessana, sinadya niyang hindi sabihin kay Jepaii ang lahat dahil alam niyang baka sabihin niya kay Ark ang lahat. Nagtagumpay sila sa planong ilayo si Ark kay Alessana, pero mukhang tadhana na ang gumawa nang paraan para pagtagpuin muli si Ark at Alessana.

Noong nalaman yun ni Maria hindi niya alam kong ano ba ang dapat na gawin, akala niya mabubuking na sila sa plano nila. Lahat ay handa niyang gawin para sa lalaking matagal na niyang mahal, pero hindi niya makuha-kuha dahil isa lamang siyang haman na nerd noon, puro libro at mga notes lang niya ang kaharap niya.

Noong reunion party, gustuhin man niyang pumunta noon pero hindi pwede dahil baka mag-taka na si Alessana, hindi kasi alam ni Alessana na schoolmates pala sila noon pa.

Pero hindi din niya inaasahan na pupunta pa noon si Ark sa party na yun, ang buong akala niya ay hindi na ito pupunta noon dahil sa umiiwas ito kay Alessana pero nagkamali siya. Kaya napagdesisyunan niyang patayin nalamang si Alessana, Pero nang muling bumalik ang ala-ala ni Alessana, at noong tinawagan siya ni Ark na Okay na daw si Alessana, agad agad siyang nag-resign sa trabaho niya at pumunta siya sa Maynila. At nung gabing nasa bahay na sila ni Ark narinig ako ni Joe na may kausap, alam kong nandun siya. Kaya naman nung natutulog siya, sinamatala ko na yun, pinatay ko siya. Iyon ang unang beses na nakapatay ako, sinadya kong ilagay ang bangkay ni Joe sa may kwarto nila para malaman nilang may pumatay dito. Nasa tagong parte ako ng bahay habang pinagmamasdan ko sila Alessana at Ark na pagmasdan ang walang buhay na katawan ni Ark, limang beses kong sinaksak si Joe sa kanyang dibdib na agad niyang ikinamatay.

Ngayon, akala ko nagtagumpay na kami ni Collen at Jake sa plano. Nagawa na nga'ng sumuko ni Jake sa mga pulis at si Collen naman umuwi sa Finland, dahil doon na niya balak magtrabaho. Akala naming kasi tapos na, akala naming nag tagumpay na kami sa plano naming.

Pero hindi pa pala.

"It seems that you're surprised, aren't you?" Nakangising tanong sakin ni Alessana na ngayon ay nakahawak na sa braso ni Ark, na dapat Ako ang may hawak dun dahil akin lang si Ark!

"Buhay ka pa pala, akala ko matagal na kitang napatay... tignan mo nga naman, may sa pusa ka pala Alessana." Matapang na sagot naman ni Maria.

Agad na napangisi si Alessana dahil sa inasta ni Maria sa kanya.

"Well yeah, sad to say... may sa pusa nga ako. And you know what I can smell traitor... at... kilala ko kung sino yun, gusto mo siyang makilala?"

"What are you talking about?" Tanong naman ni Maria, patay malisya kunyare para hindi mabuking ang ka-traydoran niya.

"Oh! Hindi mo alam? Na trinaydor mo ang sarili mong kaibigan para lang makuha ang lalaking matagal mo nang gusto, right? Pero hindi ka nagtagumpay, kasi tanga ka!" Nataas na ang boses ni Alessana at hindi niya mapigilan ang galit na namumutawi sa kanyang puso.

"PINAGKATIWALAAN KITANG AHAS KA! BUT YOU BITCH!!!! TRAYDOR KA!! ZALDY! CALL THE POLICE NOW!!!" Sigaw na utos ni Alessana kay Zaldy na agad agad naman nitong ginawa.

Pero natigilan silang lahat dahil sa ginawa ni Maria..

"SIGE! SUBUKAN NIYONG KUMIBO, HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PASABUGIN YANG MGA BUNGO NIYO!!!" Agad na sigaw din naman nang nang natatarantang si Maria, hindi na niya alam ang gagawin niya and this is the only way she have.

"Maria... put the gun down!" utos naman ni Ark kay Maria.

"No! papatayin ko kayong lahat, kung hindi ka rin naman magiging akin, then I will kill you... Ang mahalin lang ako Ark ang gusto ko pero hindi mo magawa, ang tagal kong plinano nang lahat para mapasa-akin ka, pero itong Alessana na ito, ginulo niya lahat. Bakit kasi bumalik ka pa Alessana, diba iniwan ka na ni Ark, pero bakit pinatawad mo pa siya at bumalik ka pa sa kanya?! Bakit?"

"Ark is mine from the very start Maria, ikaw ang panggulo---"

"SHUT THE FUCK UP ALESSANA! Baka hindi ko matantya at makalabit ko ang gatilyo nitong baril na hawak ko! Pasensiyahan tayo pag namatay si Ark pareho tayong maiiwang luhaan."

Pero hindi nila alam, hindi alam ni Maria na may mga pulis na pala sa likuran niya at isang maling hakbang lang maaari na siyang mawala sa mundo. Kampante na si Alessana na wala ng mangyayari sa kanilang masama, ito narin ang huling problema nila sa mga taong gusto silang sirain ni Ark.

Agad na sinenyasan na ni Ark ang mga pulis na tauhan niya na barilin na si Maria, natatakot siya na baka nga kalabitin ni Maria ang baril na hawak nito at mapahamak na namang muli si Alessana. Hindi na niya alam ang gagawin kung sakaling mag-agaw buhay na naman ang kanyang asawa.

-

Hello, last one nalang tapos epilogue na yung kasunod na Update. hihihihi Salamat sa support niyo, hihi comment naman kayo guys oh, and baka may free time kayo, try niyo din pong basahin yung bago kung sinusulat ngayon, "Own by a rockstar" ang title. sana po support din natin yung mga characters sa kwentong yun, Salamat guys! :)

-Abi-

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon