Epilogue
MINSAN akala natin tapos na, na yun nalang yung kwento. Pero minsan mas maganda parin talaga na sumabay tayo sa agos ng tadhana.
I met Ark when I was in college, hindi kami nagkasundo sa lahat ng bagay. Who would have thought na siya pala ang makakasama ko habang buhay?
Mag-kaibang mundo man kami ng ginagalawan, pero hindi iyon naging hadlang sa pag-mamahalan namin. Sinong mag aakala na isang Ark ang makakasalo ko sa hirap at ginhawa.
"Mommy, what are you thinking?" Tanong sakin ng 4 years old kong anak, napatingin at napangiti nalang ako dahil kamukhang kamukha siya ni Ark.
Ark Lloyd Hanson, iyan ang pangalan ng anak namin, maaaring kamukha ni Ark ito pero sakin naman niya namana ang ugali. Matalinong bata din ito.
"I'm thinking about dad, miss ko na siya. Tagal niyang umuwi. Mukhang na-traffic na naman sila nang ate mo." Hindi ko mapigilan na hindi halikan sa pisnge ang bunso ko. Ang taba kasi ng pisnge niya at namumula-mula pa.
"or maybe, ate is so makulit at pumunta na naman sila sa Mall to buy girly stuff!" Naka-ngusong sabi naman ng bunso ko. Ang cute niya kapag ganon ang reaksiyon niya, hahaha si Ark talaga ganyang ganyan kapag naiinis noon.
"Hayaan mo na, ate is not a baby now. Soon ikaw naman ang mag-aaya kay Daddy mo sa mall to buy a man stuffs. Pag big boy kana baby, wag kang playboy okay? Kahit big boy kana papaluin pa rin kita." Pang-aasar ko sa kanya.
lloyd is a handsome boy lalo na pag lumaki ito, xerox copy siya ni Ark, si Allesa Marie naman ang xerox copy ko pero kaugali siya ni Ark, 8 years old na ito ngayon, para nga'ng nag-switch.
"But I don't want to be big, gusto ko baby ako forever so that you can carry me like this forever, like boss baby Mommy, he is so cool." Sabi pa niya. Napapatawa nalang ako, gusto'ng gusto niya yung palabas na, Boss baby. Actually bumili pa siya ng cd nun at nagpasadya pa talaga kami ng suit na tulad na tulad ng kay boss baby, halos kami nalang ang manawa sa paulit-ulit na panunuod niya noon, pero ayos lang, as long as he is enjoying. Spoiled kasi ang dalawa naming anak kay Ark, pero when it comes to me? Hindi. Ayukong masanay sila na palaging meron, gusto ko maging indipendent pa din sila at matutong magpahalaga sa mga bagay.
"Mommy, later let's watch Boss baby ha?" Napa-tawa nalang ako ng malakas dahil... Ito na naman, boss baby na naman daw ang panuorin namin. I have no choice, tumango nalang ako kasi baka mag-tampo pa ang batang sutil na karga-karga ko. Nandito kami sa kwarto namin ni Ark, madalas dito siya natutulog dahil gusto daw niya manuod kasama kami. Si Allesa kasi, may sariling kwarto at TV naman sa kwarto kaya di na siya natambay sa kwarto namin, besides, malaki na daw siya. Kaya hayaan na lang.
"okay baby..." Sabi ko naman.
Nasa kalagitnaan kami ng pagbabasa ni Lloyd ngayon, di ko na karga, gusto daw niya mag-read eh. Tumunog yung phone na nasa side table namin ni Ark, agad na kinuha ko yun at tinignan ang message.
From: ArkClyde Guwapong hubby.
Wife, bumili na kami ng meryenda ni Allesa, baka may gusto kayo ni Lloyd? Pauwi na kami.Oh, siya po ang nagpangalan sa phone ko ah? Wala akong kinalaman diyan. Pero feeling ko nananaba na ako dahil araw araw may dala naman silang meryenda pag uuwi eh. Nireplayan ko nalang siya.
To:ArkClyde Guwapong hubby.
Wala, umuwi na kayo ni Allesa, gusto na manuod ni Lloyd ng boss baby niya.Hahahaha alam kong pag nabasa niya ito ngunguso ito dahil sa alam ko na sawa na siya sa boss baby na movie, pero wala siyang magagawa... Anak niya ang may gusto eh.
"We're here...." Rinig ko na ang boses ni Allesa sa baba, ang lakas ng boses niya kasi nasa kwarto parin kami eh.
"Mommy andito na sila Daddy, tara na sa baba." Aga na nagpakarga sakin si Lloyd, kaya naman kinarga ko na siya dahil excited siyang makita ang Ate at Daddy niya. Nakakatuwa na sobrang perfect na ng pamilyang meron ako.
Nung makababa kami agad na nakita namin sila Ark na nasa kitchen at naghahanda ng makakain.
"hon, anong binili niyo? Cake na naman? Nakakataba, at nakakasira ng teeth yan eh!" Pagbubunganga ko sa kanya.
"Ano ka ba hon? Magtotoothbrush namab eh, This is what Allesa wants, yaan mo na kumain na tayo." Tapos kinuha niya sakin si Lloyd na tuwang tuwa tapos kiniss niya ako sa noo.
Pinagmsdan ko ang pamilya ko, si Allesa na masayang nakamasid sa kapatid niya at Daddy niya, si Ark na masayang masaya na karga ang bibo'ng bibo naming bunso na si Lloyd, ano pa bang hihilingin ko? Nasa akin na ang lahat, isang masayang pamilya, na hindi ko inakalang magkakaroon ako.
Nangyari itong lahat ng dumating si Ark sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit meron akong masayang pamilya ngayon, at siyempre ang pag-mamahalan naming dalawa.
At ito ang kwento namin ni Ark, ang lalaking minsan nang nakasakit sakin, pero muling bumalik. Ang lalaking minsan ko ng naging hate, pero muli ko paring minahal. At wala akong pinagsisisihan.
***Wakas***
BINABASA MO ANG
Ex-Lover's Property
General FictionNormal na sa buhay ang problema, ang mag-hirap, ang masaktan. Pero paano kung isang araw, bumalik ang taong matagal mo ng gustong kalimutan? Paano kung sa pagbabalik niya, siya din palang tulay para makaalis ka sa madumi at magulong mundo na iyong p...