Chapter Seven

1.4K 40 2
                                    

Chapter Seven
*****************

(Levy's POV)

Pinaghirapan ko ang tumakas tapos--- mahahanap lang naman pala. Nag-effort pa naman ako, yung pag-akyat ko sa pader ng likod ng paaralan, yung pagtago ko sa halaman kasama ang mga gigil na gigil na langgam sa paanan ko. Tapos nyeta! Paano niya ako nahanap?! Ang layo ko na kaya sa school pero ang dali niya akong nahanap. Stalker ba ito?

Speaking of stalker, guys. Ito siya mukhang galit sa akin. Pake ko kung magalit siya? Kaya nga ako tumakas para pagmukha siyang tanga doon eh tapos ano?! Dapat ba ako makonsensya?

'Syempre sobra na ang ugali mo, Levy!'

Pati ba naman sarili ko? Galit na sa akin wahh oo na ang sama ko.

"Uy" habang kinalabit ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Busy siya sa paglalaro ng Mobile Legend. Nyeta saksak niya sa baga ang cellphone niya!

"Naiinis na ako Kingkong! Kasi kanina pa tayo dito tapos arggg hindi mo ba talaga ako papansinin?!" Sigaw ko. Dahan dahan naman niyang binaba ang cellphone niya at tumingin sa akin ng---- T________T ok galit nga siya.

Nandito pala kami sa-- ewan basta malapit kami sa bangin at nakaupo ako sa harap ng kotse at siya naman at nakasandal. Napabuntong hininga nalang ako para mabawasan yung inis ko. Tumila na pala ang ulan para malaman niyo. Tumingala ako upang makita ang butuin.

Naisip ko naman ang pangyayare kanina. Bakit niya kaya yun ginawa? Dahil ba utos din ni Adik na wag akong hayaang may kasamang ibang lalake? Paano niya din ako nahanap? Ang daming weirdo sa paligid ko ah. Ano bang tinatago nila.

Gangster lang sila diba?

Teka--- kung si King ay napag-utusan lang siguro---

Omo! Mayaman si Adik?!

'weee di halata'

Napatingin ako bigla sa likuran dahil may motor na kakarating lang. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nandito si Adik. Napalunok bigla ako ng laway at naputulan nalang ng buntot. Ang sama ng tingin niya sa akin parang nasusunog ako. Wahh!

Kahit na poker face yan pero yung aura naman niya sobrang nakakanindig balahibo.

"H-hi?" Nauutal kong bati kay Adik at sa--- bago din sa mata ko ang kasama niya. Siya lang ang naiibanh buhok sa kanilang tatlo. Kulay gray kasi eh.

"Ok ka lang ba?" Napanganga naman ako sa tanong ng adik na ito. Well di pala siya galit?

Teka pake ko ba kung galit siya?!

Kasalanan niya kaya tumakas ako!

"Ok ka naman pala" sambit niya habang sinusuri ako. Tumango tango naman ako at tumingin sa mga mata niya.

"Hindi ka g-galit?" Pahina ng pahina ang boses ko.

Ang akala ko bumait siya--- hindi pala. Yung akala mo ok na pero hindi pala. Relate niyo ba ako?!

"Kung tatakas ka man ULIT Levy siguraduhin mong hindi kita makikita kasi kung makita kita, wala ka ng kawala sa akin" mabibigat na salita nito. Kahit expressionless ang nakikita ko katakot naman ang aura niya.

"Nagkaintindihan ba tayo?" Dugtong nito. Ngumiti naman ako ng peke sabay-----

---- sipa sa tuhod...

Takte siya! Muntik na akong mapa-oo dahil sa takot! Nya nya nya di niya ako mapapasunod! Oo kanina natakot ako pero hindi na ngayon. Naiinis ako sa kanya!

"Papa ba kita?!" Sigaw ko na nagpasinghap sa dalawang unggoy.

"Kawala ka diyan! Anong pinagsasabi mo ha?! Tatakas ako ng milyong beses at wala ka ng magagawa dun! Bwesit kang adik! Ano yung nalaman kong ipapalipat mo ako ha?! Ang lakas naman ng loob mong gawin iyon! Ilang araw lang naman tayo nagkakilala. Kung maasta ka arggg!" Inis kong sigaw sa kanya. Itinaas niya naman ang kamay niya at nilagay sa mukha niya. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

"Daming tumatalsik na props" halos matumba naman ako sa kinatayuan ko nang marinig ko iyon. Iniinis ba ako ng lalaking ito?!

"Pftt" pigil tawa ng dalawang unggoy. Binaling ko ang tingin sa kanila at sinamaan sila. Mga unggoy nga kasi kumakumain sila ng saging at hindi man lang nag-imbita. Mabilaukan sana sila.

"Kung magsasalita ka lang man, Levy. With action lang walang props ok?" Wahhhhh sumabog na talaga ako! Akmang sasapakin ko siya nang sinalo niya ang kamay ko at hinalikan niya na naman ako. Bigla namang namula ang pisngi ko at itinulak siya.

Wala talagang kahiya hiya ang adik na ito.

Iniwas ko ang tingin ko at hindi na magawang magsalita pa. Nahihiya ako wahhh at ngayon pa talaga ako nahiya nuh? Takte ka Levy!

"As expected amazona ka nga Levy" sabi niya na parang kilala na nga niya ako. Mas nagtataka na ako. Sino ba talaga ito? Nagkita na ba kami ng adik na ito? How? Kailan?

Sinundan ko siya ng tingin dahil nag-walk out na naman siya. Gusto ko talaga malaman ang pangalan niya at tanungin siya kung bakit kilala niya ako. Napahawak naman ako sa labi ko. Hindi ito ang first time kiss ko pero bakit ngayon pa ako nahiya? Ah siguro may nakakita? Ewan!

"Yow!" Nagulantang ako ng may nagsalita sa gilid ko. Pagkatingin ko--- yung kasama ni Adik kani-kanina lang.

"Sorry kung ganun makipag-usap si Boss. Mabait naman yun eh. Haha Jacob Medley pala, Friends? Total kaibigan ka ni Boss eh. Hahaha feeling close ko ba?" Sabi niya.

Wahhh mabuti pa ito ang bait sa akin. Hindi tulad ni Kingkong at ni Adik ang sasarap itapon sa Mars. At ano?! Nyeta di ko magiging kaibigan ang isang adik! Period!

"Ah hehe Levy, Ashy Levina Vermillion. Ok lang kaya ko naman ang ugali ng boss niyo" sabay shake hands namin. Nawala naman ang inis at hiya ko. Napangiti nalang ako dahil nay nakausap na akong matino dito.

"Saging?" Tanong niya sabay taas ng saging. Napangiwi nalang ako. Bakit mali yung expectation ko?!

Ngumiti nalang ako at kinuha ang saging. Wehehe galing sa kanya eh. Ang landi wahahaha shhh. Napatingin naman ako sa Adik na binato ang balat ng saging sa akin. Ow marunong pala siya kumain? Wow di ko in-expect na may unggoy palang pogi.





"Akin na yang saging at saka wag ka diyan. Dito ka sa akin" utos nito. Takte kong makautos siya akala mo nagseselos na boyfriend! 'Selos?' saan ko napulot yun wahhhh I mean--- ah basta may saging pa naman dun kay Kingkong eh! Inirapan ko lang siya. Hmmp n-naiinis ako sa kanya.

------

Galit kaya si Adik pero nagpipigil lang?

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon