Chapter Twenty Eight

511 16 0
                                    

Chapter Twenty Eight
************************

(Levy's POV)

Pagkalabas ko wala akong nadatnan na Adik. Kaya pala wala na akong narinig na sagot eh. Iniwan pala niya ako habang nagbibihis ako. Ano naman kaya gagawin nun? Tsk kainis akala ko pa naman hindi na siya aalis pa. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Para akong lalagnatin nito.

Umupo ako sa gilid ng pool at binabad ang paa ko. Dito na ako dumiretso kasi mamaya uwian na naman eh.

Kinapa ko ang bulsa ko tapos ay nilabas ang cellphone ni Adik na sabi niya akin na ito. Ehhh sinauli ko ayaw niya namang kunin eh. Akin na daw ito. Tuwing naoopen ko cellphone na ito para akong ewan. Naiinis na parang kililigin. Ehhh kasi naman yung wallpaper kaming dalawa. Promise ayaw ko magpapicture sa kanya kasi---- kasi ano dapat daw nakahalik ako sa pisngi niya pero mapilit siya.

"Wag kang kiligin, Levy. Di bagay sayo" bulong ko sa sarili ko. Tumango tanga naman ako tapos ay naisipan nalang na mag-open ng Facebook account ko.

"Pftt hahahaha!" Di ko magilan ang tawa ko dahil ang unang una talaga na bumungad sa akin ay ang ano yung cute na cute na Junior tapos--- ahahaha ang cute sana pero ang bastos naman ng picture.

Ito kasi ang caption 'Yung hindi mo mapigilan ang galit mo, sumabog ka na XD' with white fountain pa sa ulo niya. Pftt!

Buti nalang ako lang mag-isa dito baka pagkamalan akong baliw eh. Sa bawat scroll up and down ko sa news feed. Habang tumatagal unti unting bumabagsak ang luha ko.

'Bakit nangyare sa akin ito?' tanong ko sa sarili ko kasabay ng pagtayo ko at tumakbo na kahit nakapaa at pinipigilan na bumagsak pa ang luha ko.

Hinahanap ng puso ko si Adik ngunit ko makita kita. Saan ba siya nagpunta? Iniwan ba niya ulit ako dito? Kung kailan kailangan ko siya. Wala siya sa tabi ko.

"Here she come! The campus nerdy slut!" Panglalait ng mga nakakasalubong ko habang tumatakbo ako na nakayuko.

Gigil na gigil ako para sumapak pero tila ayaw sumunod ng paa ko. Gusto ko lang ay takbuhan ang problema. Hindi ko kasalanan ito diba?

"Diba siya yung nasa picture?"

"Omayghad hindi siya nababagay dito!"

"Nagtatrabaho pala siya sa bar eh. Baka naman pwede niya din gawin niya sa atin yung----"

Hindi ko na napakinggan ang sinasabi ng iba dahil may biglang humila sa akin. Pagkaangat ko ng tingin--- si Jacob lang pala.

"Umuwi na tayo" saad niya ngunit umiling iling ako.

"Hey nerdy slut!" Sabay kaming napatingin sa lalaking sumira sa dignidad ko bilang babae. Ano bang kasalanan ko sa kanya? Ano malaki ba?!

Kahit nanginginig ang tuhod ko nakakaya ko pa ring maglakad at lumapit kay Laxus.

"M-masaya ka na?" Natatawang sambit ko.

Ang kaninang nakangiti ay nawala nalang ito bigla. Pati ang mga barkada niya ay natahimik at tila gustong makinig sa sasabihin ko.

"Levy, tara na" hindi ko nalang pinansin ang tumawag sa akin mula sa likod. Basta ang alam ko lang ay sobra sobra na ang galit at hiya na nararamdaman ko.

"Ang saya diba? Ang saya ko paglaruan? Nasa palad mo lang ako oh. Kaya mo kong paglaruan" saad ko na ikanapatak ng luha ko.

"Pero tama na. Hindi ako isang lauran na walang nararamdaman. Palibhasa kasi hindi ikaw ang nasa posisyon ko yung---- y-yung walang pera. Walang pamilya. Total wala pala akong kalaban laban sayo, sige, luluhod nalang ako" dugtong ko.

"Levy, tama na. Uwi na kasi tayo" nag-aalalang bulong sa akin ni Jacob.

"Ok lang na ikalat mo sa buong campus, sa buong media o kaya naman pati na sa buong mundo, Laxus. Ako yung kinilalang Nerdy Slut, diba? I am really really a slut. Oo pwedeng pwede promise mula bukas ikalat mo pa. Ahaha hindi na kasi masakit eh kasi bukas wala naman din ako" huling lintaya ko at nginitian siya ng mapilit na ngiti.

Nakatitig lang si Laxus sa mukha ko na lumuluha. Siguro nasisiyahan siya sa nakikita niya.

"Tara na Jacob" utos ko sa kanya.

Ramdam ko na nakasunod lang si Jacob at sumalubong naman sa amin si Ghospel na natataranta. Pinahid ko na ang basang pisngi ko bago ako ngumiti ng pilit sa kanya.


"Wahhh wag kang ngumiti. Ginagago mo ba ako? Alam ko hindi ka ok! Huhuhu Levy wag ka sabing ngumiti eh!" Naiiyak din nitong wika tapos ay yumakap sa akin.

"Ok lang ako Ghospel may gusto lang akong makita ngayon" biglang lumabas sa bibig ko ang kanina ko pa hinahanap ng mata ko. Gusto ko siyang mayakap. Gusto ko siyang makausap. Hindi ko pala kayang mawala siya kahit segundo sa akin.

"---si Adik"




(Adik's POV)

Sinampal ko ng napakalas ang walang kwentang principal ng paaralan na ito. Wala man lang ginawa upang matigil ang pinaggagawa ng mga estudyante sa kapwa estudyante. Tsk kaya nga gusto kong ipalipat si Levy kasi alam ko ganito ang mangyayare. I hate f*cking bullies. Tsk!

"Parang awa mo na" nasiyahan ang sarili ko sa nakikita ko. Gustong gusto ko ang nagmamakaawang mukha ng principal. Ilang years ko na atang hindi nakapatay ng tulad niya eh.

Sh*t gusto ko paglaruan ang walang kwentang daliri niya. Dukutin ang mata niya tapos ay kunin ang dila niya. Kinuha ko ang ballpen sa lamesa niya at akmang isasaksak ay napatigil ako nang marinig ko sa isip ko ang boses ni Levy.

"Ikaw ba yan A-Adik?" Napapikit ako bago ko binaba ang kamay ko.

Paano kong malaman niya na isa akong mamamatay tayo? Katulad din ba ng ibang tao na kilala ako bilang assassin? Sobrang takot sa kapwa nilang pumapatay din?

"Boo!" Pananakot ko sa principal kaya ang resulta nahimatay ito. Tsk ang weak niya.

Napahawak ako sa mask ko. Kailangan din niya malaman na ganito ang buhay ko. Ito ang tunay na kulay ng Adik niya.

Hindi na ako magtataka kung iiwasan niya na ako. Kasalanan ko din iyon ngunit pinapangako ko. Hinding hindi ko siya iiwan dahil susundan ko siya kahit pa sa kamatayan pa yan.

"Boss, hinahanap ka niya" bungad agad sa akin ni King nang nakalabas ako mula sa office ng principal.

"Ihatid mo siya sa bahay" utos ko lamang at lumisan na sa paaralan na pinapangarap kong pasabugin.

**********

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon