Chapter Thirty Seven

428 21 1
                                    

Chapter Thirty Seven
*************************


(Levy's POV)

Napakamot na lamang ako sa ulo ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin habang suot na yung uniporme ng pinapasukan ko. Wala namang pinagbago eh. Siguradong makikilala pa rin ako.

"Levy, papasok ka pa ba o papasukan kita?" Rinig ko mula sa labas ng banyo ni Adik.

Kunot noo ko itong tinahak ang pinto-an at nang mahawakan ko ang door knob nito ay siyang luminaw sa akin yung sinabi niya. Nyeta >_____< ang bastos niya! Porket gusto ko din siya, gaganyanin na niya ako?

"Papasok ako syempre" saad ko matapos ko mabuksan ang pinto. Direstong tingin ang bumungad sa akin at tila kinukunan ako ng litrato gamit ang kanyang mga mata. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil nakakailang na.

"What are you thinking? Well-- Pasukan kita sa banyo ang ibig kong sabihin" hinakawan niya ang pisngi ko. "pero pwede din gawin yung iniisip mo" sabay kindat niya.

=>3<= di na ako sumagot pa at kumaripas na ako ng takbo. Mabilis ako na bumaba sa hagdan. Kamuntikan akong madapa mabuti na lamang nahawakan kaagad ako ni King.

"S-salamat" nahihiyang sambit ko. Nahihiya ako sa nangyare eh nagmumukha akong lampa.


"Hinahanap ng pulisya si Levy" rinig ko mula kay Tofer. Nandito pa pala ito?

"You know yung kahapon"

"Ok! Ako na bahala sa isyu na iyan!"

"Hindi ba natin tatakutin ang kapit bahay niya?"

"No need" pagsasalita ni Adik.

Lahat ay tumango maliban sa akin. Ano naman kaya ang ginawa nito? Iba ang pakiramy ko eh. Imposible namang hahayaan niyang kumanta yung nakakita diba?






Papasok pa lang ako sa paaralan ay bumangad kaagad sa akin ang mga nagkagulong estudyante at guro sa labas ng gate. Nakita ko din ang mga pulis na kausap ang ibang estudyante dito.

"Ms! Sandali lang" napatigil ako nang tawagin ako ng isang pulis. Pagkaharap ko at mabilis ako napalunok. Ano kaya ang isasagot ko dito?

"Hmm sige pwede ka ng umalis" saad nito habang nakatingin sa isang litrato. Nagtataka man ay tumango lang ako at umalis na. Marami ding nagsitinginan sa akin at nagbubulungan ang mga ito kaya mas mabinilisan ko ang paglalakad ko.

Nakatingin lahat kaming mga estudyante sa stage at pinapakinggan ang anunsyo ng head teacher ng school. Ang unang naka-line straight naging magulo mula ng lumabas ang isang lalake na naka-formal suit. At dahil maliit nga ako syempre nasa harap ako nakatayo at ako naman yung kawawa dahil nagtutulakan ang mga babae sa likuran. Tilian at hiyawan ang maririnig mo.

"Good morning students! I'm Mr. Harris Vergara - Mckenzie..." Pagsisimula nito.


Sa di ko alam ang dinahilan biglang nagtama ang tingin namin. Kahit saglit lang iyon bigla ako nakaramdam ng pagkakaba. So weird. Hindi ko maexplain kung bakit. Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko napansin ang ibang speech nito ngunit may isang anunsyo ang narinig ko. Napatingin naman ako sa paligid. Ako lang ba? Ako lang ba ang paranoid dito? Bakit kasi kinakailangan ng temporary principal kuno ang magpakilala sa kanya individually?!


"Levy" napatingin naman ako sa humawak sa braso ko.

"Paolo...?" Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin niya ako na parang may tinatakbuhan.

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon