Chapter Fifteenth

775 26 0
                                    

Chapter Fifteenth
*********************



(Levy's POV)

Dumating pala dito si Kingkong at may dala na siyang isang box. Nagtaka naman ako dahil may binigay siya sa akin eh. Nang buksan ko iyon halos tumulo ang laway ko. Takte ang sarap!

"Ikaw ang nagluto nito?" Namamanghang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo sa tabi ko.

Sa tingin ko nga isa siyang butler slash chief din ni Adik eh. Ang sarap kasi ng niluto niya. Ehem kahit di ko pa yun natikman alam ko masarap yun.

Nabalik lamang ako sa reyalidad ng may maramdaman akong kakaibang presenya na bumabalot kay Adik. Anong nangyare sa kanya. Binabaliwala ko nalang at nakangiti kong kinuha ang kutsara. Nagugutom ako dahil sa amoy. Huehue!




"Levy!" Nyeta nahulog tuloy yung siomai! Oo may siomai! Huhuhu nahulog yung isa.

Masama kong tinignan ang tumawag sa akin. Kasama niya pala ang girlfriend niya.

"Anong mukha yan?" Natatawang tanong sa akin ni Ghospel.


"Mukha ng mama mo! Arggg nahulog tuloy ang siomai ng dahil sayo. Hays oh? Anong kailangan mo?" Medyo naiinis kong tanong sa kanya.


Inis kong tinuture ang pagkain ko. Hays ganito talaga ako pagmay natatapon sa pagkain ko.



"Kakainin mo ba yan o ipapakain ko sayo yan?" Saad ni Adik. Inis ko naman siyang binalingan ng tingin at binelatan.


Oo na ako na yung masama. Eh bakit ba! Inis naman talaga ako sa kanya kasi ang manyak manyak niya. At talagang hindi siya marunong mahiya o mailang ah. Parang wala lang sa kanya yung pinagsasabi niya kanina nung nagkasagutan sila ni Paolo. Tumabi talaga sa akin ,eh pwede naman tabi sila ni Paolo. For more detail guys nasa ilalim kami ng malaking puno at dito kami kumakain. Meron kasi ditong lamesa na ginawa upang dito tumambay o kumain.


"Oh anong tingin tingin mo diyan, Paolo?" Nakasimangot na talaga ako. Ehh kasi naman halata sa kanya na pinipigilan ang tumawa eh!


"Nothing" simple nitong sagot.



"Hmmp! Ano pala yung kailangan mo, Ghospel?" Pagbalik tanong ko. Ngumiti naman siya at umakbay sa girlfriend. Yay kinikilig si girl pero sa iba tumitingin. Nakapagtataka nga eh. Err.


"Balak sana naming imbitahin ka na kumain pero parang masaya ka naman dito" makahulugan nitong sagot.

Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Takte talaga siya. Akmang magsasalita ako ng naunahan ako ni Adik.

"Girlfriend mo?" Tanong ni Adik kaya napatingin ako sa kanya at doon kay Jennice.


'Bakit---- nagkatitigan sila?'








(King's POV)

Nakikinig lamang ako sa mga usapan nila. Kasabay naman dun ang patingin tingin ko sa paligid at pag-obserba ni Paolo. Ang alam ko ay boyfriend ni Levy noon. Kailangan ko bantayan ang galaw ng lalaking ito para siguradong walang balak na gawin ito kay Levy. I don't care kung may past sila, ginagawa ko lang ang mission ko.

"Can we talk, Levy?" Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Levy bago ito tumayo.

Balak ko sana silang sundan ng apakan niya ang paa ko at nilakihan pa talaga ako ng mga mata ng kuwago. Tsk sadistang babae! Sana pala di ko siya pinakain eh!

Sa ngayon namin kaming apat. Walang pinagbago si boss wala siyang paki sa dalawang naglalampungan sa harap namin. I salute him! Sa ilang taon ba namang nakatali siya sa malupit niyang ama? Nakaya niya iyon.

Dumaan ang ilang minuto pero hindi pa bumalik ang dalawa kaya nakaramdam na ako ng pag-alala. Nang tignan ko si Boss nakakatakot ang presenya niya kahit na wala yang ekspresyon. Sh*t!

"CR lang ako" pagpapaalam ni Ghospel sa amin. Tanging si Jennice lang ang tumango sa amin at may kakaibang ngiti nang umalis ang boyfriend niya.


'Something gonna happen' sa kaloob looban ko ay napangisi ako.


Una, susulyap siya at mapapangiti...


Pangalawa, kukunin ang atensyon mo...


Pangatlo, kakausapin ka...


"Z-Zero, pwede ba kita maka---" naputol ang sasabihin niya ng siningitan na siya ni boss.

"What is it?" Tanong nito.



Pang-apat, hihingi siya ng privacy...

"Hindi mo siya mapapaalis dito dahil ako lang ang susundin niya" walang kaganang gana na sabi ni boss.



Napangisi ako ng palihim dahil sa nakita ko sa makapal na pagmumukha ni Jennice. Halatang napahiya eh. Ganyan ang mga mukha ng mga malalandi. Bakit ko ba nasabing malandi siya? Hintayin niyo ang susunod na mangyayare.

Well, alam na alam namin ang gustong sabihin ng babaeng ito. Sa mga mata palang niya alam namin ni boss na nagkagusto sa kanya si Jennice. I think nakita ko na noon si Jennie? Hmmm saan ba iyon? Wait parang siya nga iyon! Sa CR ng bar. Tsk! May boyfriend na pala siya pero kung makahalik siya NOON kay boss--- tsk!



"I like--- no I love you, Zero!" Sigaw ni Jennice na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

'Nice buti nilakasan mong babae ka'



"I loved to HATE you, Jennice. Hinding hindi kita magugustuhan dahil ang tanga mo. Ghospel don't deserve a b*tch like you. Hiding a feelings for me while you keep playing in love to Ghospel? Nahhh you're just trying to kill him" diretsong sagot nito at kinuha ang Tupperware na binigay ko kay Levy. Kinain niya naman yung natira dun bago tumingin ulit kay Jennice na ngayon ay ---- hmm di ko na maexplain kawawa kasi eh.


"Iiyak ka na? Mamaya na pagnandito na ang mahal na mahal mong boyfriend" may diin ang pagkabigkas niya nito.


Nanlaki naman ang mga mata niya at nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Halata ding kinakabahan siya at luminga linga pa talaga. Siniguradong wala si Ghospel ah. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko. Baka kasi tuluyan siyang maiyak eh. Sa kabila non naawa ako kay Ghospel. Niloloko lang pala siya nito.


Nabaling ang tingin ko sa gilid ng puno at doon ko nakita si Levy na nakatulala.


'Kanina pa ba siya?'


"Oh, I forgot" rinig ko mula kay boss. "Huwag na huwag mo sasaktan ang kaibigan ni Levy" pagbabanta nito kahit na imposible na mangyare iyon.


Nasa kay Levy pa rin ako nakatingin at ramdam ko naman ang kakaibang kabog sa puso ko. Kinakahaban ako na ewan ko ba kung bakit.


"Anong meron dito? Anyare?" Sumulpot naman bigla si Paolo na mas lalong nagpapakabog sa puso ko. Dahan dahan akong lumingon kay boss. Tila nag-uusap sila ni Levy sa mata sa mata.

"Wala---- wala Paolo" sagot ni Levy na di pa rin inalis ang tingin kay boss.




************

Narinig niya kaya lahat? Ano kayang naramdaman ni Levy?

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon