Nagtataka na talaga ako kay Jennice kasi kanina pa siya wala sa sarili. Kung makasagot sa tanong ko ang layo sa tanong ko eh. Hindi ko naman tinatanong sa kanya kung nag-eenjoy ba siya pero masaya naman ako kasi nalaman ko na masaya siya.
"Narealize ko na" sambit niya kasabay ang paghinto niya. Napatingala naman ako upang makita ko ang mukha niya.
"Ang ano?" Tanong ko na ikinatingin niya. Nagsimula naman na kumabog ang puso ko nang ngumiti siya sa akin. Ganito din nararamdaman ko noon eh. Hindi talaga nagbago.
"Naalala ko pa noon--- noong niligawan ako ng isang bisexual na nangangalang Ghospel. Alam mo ba kung anong ginawa niya? Minahal niya ako. Naalala ko-- kung paano siya mag-effort para lang sa 'Oo' ko" sabi ni Jennice. Napangiti naman din ako.
"That's why I feel this sh*t feelings!" Huminga naman ito ng malalim bago siya umiwas ng tingin.
"Narealize ko nalang lahat na ang gago ko kasi pinagmukha kitang tanga. Siguro nga dapat tigilan na natin ito" Habang di pa rin siya tumitingin sa akin.
"W-what do you mean? Jennice huwag ka naman magbiro ha-ha-ha" pilit kong tawa ngunit yung luha ko naman ay hindi nakisama. "Nakikipaghiwalay ka ba sa akin? No please huwag mo gawin sa akin yun" pagmamakaawa ko at hinapit ang bewang niya bago ko siya niyakap ng mahigpit.
"I hate you, Ghospel! Hindi mo dapat ako minahal kasi ang mahal mo ang babaeng tinatawag mong mahal--- kahit kailan hindi ka minahal!" Tumawa naman ito ng pagak at pinahid ang mabasang pisngi niya. "Haha bakit ko pa ngayon narealize? Kaya ko palang umiyak ng dahil sayo" dugtong nito.
Hindi ko kinaya ang lahat ng narinig ko kaya mas bumuhos pa ang mga luha mula sa aking mga mata. Ito ang kinatatakot ko. Ayokong marinig yun--- 'please panaginip nalang ito'.
Nagsimula na siyang kumalas sa yakap ko kaya mas hinigpitan ko pa. Ayokong bumitaw.
"Ghospel, alam ko ang kapal ng mukha ko para sabihin ko ito pero---"
"No! Huwag mo ituloy, mahal! Please huwag. Hindi mo kailangan na mahalin mo din ako-- hayaan mo nalang ako mahalin ka Jennice. I love you!" Narinig ko naman itong napahugulgol at unti unti ko naman naramdaman ang paghaplos niya sa buhok ko.
"Kahit na maging tanga ako sa harap ng maraming tao huwag ka lang mawala sa akin please?" Malambing kong tanong nito at pilit na ngumiti sa kanya.
Napaiyak lamang ako lalo ng hinalikan niya ako sa noo sabay sabing----
"Hindi kita mahal pero mahalaga ka sa akin Ghospel kaya gagawin ko ito dahil ayaw kong mas masaktan ka pa" ngayon ko lang ulit marinig ang ganitong boses niya. Ito yung boses na gustong gusto ko ulit marinig sa kanya. Ito ang dahilan kaya tumibok ang puso ko sa kanya--- sa kanya lamang.
Naalala ko din lahat. Mula noon nangarap akong makasama siya hanggang sa pagtanda ko pero hanggang pangarap lang pala lahat. Sa panaginip ko lang pala. Ang sakit---- ang kaninang masaya sa huli masaktan lang pala. Ganito ba talaga ang pagmamahal? O dahil sa labis ako nagmahal kaya ako nasasaktan?
"I set you free, Ghospel" bulong nito ngunit ang mas ikinadurog ng puso ito.
After a few months narinig ko na mula sa kanya. Ito yung kauna unahan at ito na din siguro ag kahuli huliang maririnig ko yun mula sa kanya. Masaya ako pero hindi ko kaya ang sakit. Mas nangingibabaw ang sobrang sakit.
'Happy 5th monthsary, Ghospel. Goodbye' mga katagang paulit ulit ako pinapatay.
"Happy 5th monthsary, m-mahal" I said between my sob.
Kung kailan 5th monthsary na namin. Kung kailan dapat maging masaya ako. Bakit baliktad? Bakit hindi ganun ang nangyare? Ang sakit sakit! Ang araw na naging kami ay siyang araw din na maghihiwalay kami! Gusto ko itanong sa kanya kung bakit iniwan niya ako. Ganun na ba talaga ako madaling iwan? Palitan? May kulang nga siguro sa akin. Sino ba yung gusto niya?
Tumayo nalang at pinahid ang luha sa aking pisngi. Kahit ba hindi ko gusto na maghiwalay kami, papayag na din ba ako? Pagpaniloko ka dapat ba papayag ka na maghiwalay kayo? Gusto ko itanong iyon. Ganito ba ang love?
"Ghospel?" Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa akin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Paolo..." Napailing naman ito habang hinawakan ang skateboard niya. Kumunot naman ang noo ko ng may dugo sa kamay niya.
"Anong nangyare sayo? Mukha kang model na naligaw" tanong niya habang sinusuri talaga ako. Duhh inaasar lang ako niyan!
"Ikaw anong nangyare sayo? Bakit may dugo yang kamay mo?" Tanong ko habang sinusundan siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa gilid ng kalsada.
May itinuro naman siya kaya napatingin ako doon. Nakita ko ang magbarkada ata na nakahandusay yung iba. May iba namimilit. Hala ano namang kalabastugan ang ginawa nito? Kahit ba naman dito? Akala ko sa school lang siya ganito.
"Kapatid mo ba si bugbog Berna?" Naamaze kong tanong sa kanya.
"Mama mo kapatid si Berna! Sa gwapo kong ito?" Bumaling ulit ang tingin ko sa kanya at hindi mapagilan ang mapoker face dahil nagpogi sigh talaga ito.
"Ang hangin pre" sumimangot naman ito tapos biglang nilabas ang dila niya.
'Anyare dun?' may kinapa kasi siya sa bulsa niya habang nakalabas pa rin ang dila nito. Ang saya niya nang makuha niya ang cellphone niya.
Babaliwain ko sana siya ng marinig ko ang pangalan ni Jacob. Si Jacob ba ang tinatawagan niya? Mabilis sa alas kwatro na lumapit ako sa kanya para sana kunin ang cellphone niya pero bigla niya itong nilayo.
"Oh bakit ka nagswimming diyan?" Masama ko siyang pinukolan ng tingin. Walang hiya talaga di man lang ako tinulungan!
"Anong ginagawa mo ha?! Alam mo bang heartbroken ako?!" Tinakpan niya naman ang cellphone niya sabay sabing----
"HINDI! Kaya tinanong kita kanina kung anong nangyare sayo pero ikaw naman yung sumagot ng isa pang tanong! So ano?! Kasalanan ko pa?!" Sigaw pala niya.
Napanguso nalang ako at hinayaan siyang kausapin si Jacob. Di na ako makaangal kasi paglalapit ako kamay ang bubungad sa akin. Lanya!
"Pumunta ka na dito ng walang bakit bakit, bye!" Bastos talaga nito. Nagtaka naman ako.
'Bakit niya pinapunta yun dito?'
"Ghospel kung ako sayo palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan niyo ni jebice" Sambit niya habang lumapit sa akin at pinat ako sa balikat.
"Jennice" pagtatama ko.
Ngumiti naman siya at binigyan ulit ako ng mga advice. Tama naman siya eh. Pero mahihirapan ako kasi ako lang yung hindi matanggap ang paghihiwalay namin.