Chapter Six

1.5K 48 1
                                    

Chapter Six
****************

(Levy's POV)

Tumigil ako sa pagkaladkad ng lalaking ito nang makarating kami dito sa gate. Marahas kong binitawan ang kamay at sinamaan kaagad siya ng tingin. Sino naman kaya ito? Ang formal magsuot. Tsk di ba siya naiinatan?

"Sino ka ba?" Tanong ko na siyang ikinatawa niya. Bwesit! Pangalawang bwesit!

"Ano ba!" Napasigaw nalang ako sa inis pero tawa pa rin siya ng tawa.




'Sapakin ko tapos iwan dito?' nahhh may tanong pa ako. Kailangan ko lang magtimpi.


"Ehem! Pftt--- a-ano ako pala si King, ang magiging personal guard mula ngayon, My Lady. Nandito ako para ihatid kita sa bahay niyo ng ligtas. Ikinagagalak kong pagsilbihan ka, My Lady" magalang na sabi ni King sabay nagbow pa.




Feeling ko tuloy ang yaman ko. Nyahahaha teka nga! Nagtataka pa rin ako eh!

"Bakit ko naman ng personal guard, huh?! Linawin mo nga sa akin! Sinong nagsabi na pagsilbihan mo ako?!" Pikon na pikon na talaga ako dito. Alam niyo ba?! Ngiting ngiti itong King na ito eh! Bwesit siya! Pareho sila ng adik!

"Ako dahil boyfriend mo ako" nagulat naman ako sa sagot niya pero nakabawi kaagad. Sinapak ko naman si King dahil nagawa pa niyang magbiro!






Takte siya! Sinabi niya din kay ma'am Tuz na girlfriend niya ako diba? Bakit ba ang daming naninira ng buhay ko?

Mas naiinis naman ako dahil mas lumaki ang ngiti ng King na ito! Bwesit!



"Kakainis alam niyo bang nakakasira kayo ng buhay?! Pati ba naman pag-aaral ko papakielaman niyo ha?! Bakit pinalipat niyo pa ako doon! Ano?!" Sigaw ko sa mukha niya kahit na medyo matangkad siy sa akin. Inirapan ko naman kaagad siya at binaling ang tingin sa ibang direksyon.




Nyeta break time na ba? Pinagtitinginan na kasi ako-- este kami dito. Takte sigurado ako na naman ang laman ng tsismis nito. Iniwas ko nalang ang tingin ko dun at inisip na hindi ako nag-eexist. Nakakahiya eh.





"Easy, My Lady. Ang totoo ay napag-utusan lang din ako ng your-oh-so-called adik" sabi niya. Halata sa kanya na nasisiyahan siyang asarin ako kaya mas inikot ko pa ang mata ko sa kanya. Yung adik nga ang pakana nito. Pero bakit? Bakit niya gustong mapalipat ako? Hays nyetang adik!



"Taray naman nito----" bulong niya pero rinig ko naman. Hmmp!

"My Lady, babalik ako dito mamaya para sunduin ka" as if nandito pa ako mamaya. Napangisi naman ako sa naisip ko. Gagawin ko itong tanga mamaya sa kakahintay sa akin!

"Sure" sarkatiskong sagot ko pero di mawala wala ang ngisi sa aking labi.





Gagawin kong tanga ang napag-utusan mo, ADIK!




(King's POV)

May mga tao talagang paasa. Kawawa ka kung umaasa ka tapos pinagmukha ka pang tanga diba? Spell mo ang naiinip.





K------I------N------G


Naiinip na ako sa kakahintay sa babaeng iyon. Hindi ko akalaing magagawa niya sa gwapong tulad. Hahaha sa totoo lang hindi lang si Levy ang mission ko. May hinahanap ako na dapat kong ligpitin. Pero hanggang ngayon--- wala namang kahinahinala dito.


Pumasok nalang ako sa kotse dahil dumudilim na ang kalangitan. Uulan pa ata. Sigurado akong wala na dun si Levy dahil mga ilang oras na din akong naghintay dito eh. Tsk lagot talaga sa akin yung babae na iyon.



'Mas lagot ka kay Boss! Kaya hanapin mo kung mahal mo ang buhay mo!'



Napangiwi naman ako. Oo nga naman mas lagot ako nito kung hindi ko siya hahanapin. Binuhay ko na ang makina at umalis na doon sa harap ng paaralan.

Habang nagdadrive ako ay tumitingin ako sa palagid baka sakaling makita siya. Pero naisip ko--- pfttt hahaha mahirap pala hanapin iyon! Para malaman niyo sobrang liit niya. Hanggang dibdib nga lang ang height nun. Akala ko nga matangkad iyon kasi una ko pala siyang nakita sa litrato ang tangkad niya tignan. Teka--- napansin ko din. Bakit pinoprotektahan ni Boss si Levy? Oo alam ko yung ibang rason ni Boss pero ang ibig kong malaman ay--- anong relasyon nilang dalawa? Ganun na ba kaimportante si Levy? Anong nakita ni Boss sa babaeng iyon?

Nagising nalang ako sa diwa ko ng tumunog ang cellphone ko. Kumunot naman ang noo ko dahil tumawag si Boss Zero. Ang nag-utos sa akin na protektahan ang pasaway na iyon. Hmm kahit ganun--- I like her attitude ah. Ops nakalimutan ko----

Akmang magsasalita ako ng marinig ko ang putok at alam ko baril iyon. Nasa gitna ba siya ng labanan?






"Uno, find her at Cadia Street. Now!" Sigaw nito sabay patay ng tawag. Umm sa tingin ko itinapon iyon ni Boss sa kalsada at sa tingin ko nagdadrive iyon ng devil motor niya. Grrrr katakot. Per sayang yung cellphone. Kabago bago itatapun lang?







Binilisan ko naman ang takbo ng sasakyan na halos lumipad na ito. Siguro natrack ni Dos yung cellphone ng babae.

Nakarating naman kaya't bumababa na ako at dala dala ang baril ko. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa maabutan ng ulan. Malas naman! Di bale na nga--- patuloy pa rin ako hanggang sa nakita ko na si Levy na tumatakbo at kasunod niya ang---- kalaban!

Takte di ako pwede bumaril dahil tumabi sa kanya yung lalake. Bwesit! Inis kong tinago ang baril ko at bumaling ulit ang tingin ko sa kanila. Nakapayong na silang dalawa na hawak hawak naman ng lalake.




Kailangan kong mapalayo si Levy!




Habang papalapit sa kanila ay rinig ko din ang usapan nila.


"Ako pala si Paolo" pagpapakilala nito.

"H-Hi umm ano ako pala si Le---" bago pa masabi ni Levy ang pangalan niya nakalapit na ako. Kahit delikado ay patakbo akong lumapit sa kanila sabay marahas na pinaharap ang lalake sa akin at sinapak.

"Argg!" Daing ng lalaki. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang tattoo sa gilid ng kamay nito. Hindi ko siya maliligpit ngayon dahil hindi pwede. Hindi dapat makita ni Levy ang gagawin ko sa bwesit na ito!


Alam kong nagulat si Levy ng makita ako pero mas nagulat siya sa ginawa ko.

Masama kong tinignan si Levy at hinawakan siya sa kamay.


"Sa susunod na makita kitang may kasamang iba--- mapapatay ko na" madiing sabi ko at hinigpitan ang pagkahawak sa kamay niya.

"K-King?" hindi ko na pinakinggan ang pasaway na babae at kinaladkad na siya palayo doon.




Baka makapatay pa ako...


--------

Yieee knight shining armor?

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon