Chapter Sixteen

753 28 0
                                    

Chapter Sixteen
**********************








(Levy's POV)

Umalis ako upang makapag-usap kami ng masinsinsinan ni Paolo. Nagkaliwanagan naman kami. Balik na kami sa dati sa walang ilangan at wala ng katanungan. Hindi sa kalimutan na namin ang nakaraan naming dalawa. Hindi dahil hiwalay kami dapat kalimutan na? Nope I don't believe that. Our past--- the sweetness? The pain? The heartbreak? Will cheerish it and today? Gagawa kami ng panibagong alaala. Ngunit ano bakit kailangan ko makita at marinig ang lahat na ito--- ito yung madadatnan ko? Bakit? Totoo ba lahat ng ito? Hindi ito trip ng Adik na iya diba? Hindi niya trip na saktan si Jennice. Pero narinig ko mula sa kanya--- 'mahal niya si Adik' and I don't know wala akong naintindihan sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


"See you guys!" Mga pagpapaalam ng mga kateam mates ko.

Hapon na pala hindi ko namalayan yun ah. Hays nakalimutan ko kung ano anong pinaggagawa ko nung nasa gitna ako ng laro.

"Bye Levy! Pahinga ka pag-uwi mo baka kasi may sakit ka kaya ang tahimik mo eh, sige. Bye ulit!" Sabi nito at patakbong umalis. Winagayway ko na lamang ang aking kamay at pagkatapos tumingin kay Adik na nakapamulsa sa tabi ko.

Hindi na ako magtaka kung maraming babae nito. Sa lakas ba naman ng appeal niya sigurado talagang habulin siya. Kaya siguro nagkagusto sa kanya si Jennice eh pero bakit? Bakit nagkunware pa siya na mahal niya si Ghospel? Oo alam ko bi yun ngunit alam ko din kung gaano kaseryoso sa kanya yung kaibigan ko.

Nagulat ako nang tumingin siya sa akin at dahan dahang pinantay ang mukha sa akin. Akala ko hahalikan niya ako pero hindi pala. Pinagdikit niya ang noo namin. Nyeta anong nangyayare sa akin? Para akong nawawalan ng lakas. Ganito ba yung nararamdaman ng ibang babae sa kanya? Para kang matutunaw? Parang gusto mong kumapit sa kanya?


'Ganito ba?'

Napayuko nalang ako dahil ramdam ko na umiinit ang mga mata ko. Takte huwag niyong sabihin na naiiyak ako?

"May dinadamdam ka ba? Hindi ka naman mainit. Masakit ba ulo mo?" Tanong nito.

Tama na--- baka matulad ako ng ibang babae. Trip niya lang ako diba? Trip niya lang ako. Siguro kaya niya ginagawa ito kasi may nagawa akong masama sa kanya. Posible yun diba? Kaya habang maaga pa hindi ko bibigyan ng malisya ang ginagawa niya sa akin. Tandaan niyo trip niya lang ito.

"Wala pagod lang ako" sagot ko na lamang at tinalikuran na siya.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Takte kasi 'Anong nangyayare sa akin?!' bakit napakadefensive ko?!

"Ouch. Deadma" inikotan ko lang ng mata itong isang Kingkong.

 Deadma" inikotan ko lang ng mata itong isang Kingkong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagbuksan niya ako at di na ako nag-inarte pa. Sumakay na ako tapos ay sumiksik sa kabilang bintana dahil pumasok na din si Adik. Ewan ko talaga! Wala akong ganang makipag-away sa lalaking ito.

"Magmaniho ka na, King" tumango naman bilang sagot si Kingkong at binuhay na nga ang kotse.

"Bilisan mo, yung mas mabilis pa sa oras" tugon nito.

'Nagmamadali lang?'


Ang tahimik. Iyan lang ang masasabi ko. Walang nagsasalita sa amin at walang balak na magsalita sa amin. Lahat ng nakasakay nito may kanya kanyang mundo eh. Si Adik kasi napikit lamang at si Kingkong may kinakausap aa Bluetooth headset niya. Sa tingin ko isang business iyon eh.

Napabuntong hininga nalang ako at pinasaya nalang ang sarili sa madadaanan namin. Napatingin naman ako kay King nang itigil niya ang sasakyan at kasabay naman ang pagdating ng dalawang nakamotor.


"Ihatid mo na si Levy, mag-ingat kayo. Wag bilisan ang pagmaneho mo, King" utos ni Adik at bumaba na ng sasakyan.

"Yes, boss makakaasa ka sa akin!" Sagot ni King.

Nagtaka ako at di maiwasang kumunot ang noo ko. Sinundan ko lang siya hanggang sa lumapit siya sa isang nakamotor. Ang akala ko lalake pero hindi--- babae siya at kung hindi ako nagkakamali iyon ang babaeng nakita ko kasama sa table ni Adik.

Ewan pero bigla akong bumaba. Ewan ko--- bakit ba... Bakit ako nagkaganito?

"Adik" tawag pansin ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na nagpakabog sa puso ko.

'Anong sasabihin ko?' nagtataka na talaga ako sa sarili ko.

"S-saan ka pupunta?" Nauutal kong tanong. "A-at s-sino siya?" Ewan ko kung bakit naitanong ko din iyon. Utos iyon ng utak ko! Takte may mali na talaga sa akin.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Kingkong at isa pang unggoy. Si Jacob alam niyo na kung sino iyon.


"May mali ba sa tanong ko?" Pagtatanong ko.

Walang sumagot sa kanila subalit dahan dahang humakbang papalapit sa akin si Adik. Hindi ako gumalaw sa kinatayuan ko. Ewan ba! Ewan talaga parang may gusto akong mangyare.

Napasinghap ako ng hawakan niya ang pisngi ko kaya napaangat ang tingin ko. Muli natitigan ko ulit ang mukha niya.



"Sasabihin ko din sayo ito pero hindi ko alam kung kailan ako makakabalik and Im sorry for what I've done to your best friend's girlfriend. May rason naman ako kung bakit ko ginawa ko at sana hintayin mong malaman yun. Yeah that's it, Levy. Don't be jealous, she's just a friend, ikaw lang yung gusto ko" mahabang lintaya nito at hinalikan ako sa noo na nagpapikit sa akin.

Sa haba ng sinabi niya bigla akong natakot sa di ko alam ang dahilan. Anong hindi niya alam kung kailan siya makakabalik? Ano bang gagawin niya? Ordinary na gangster lang naman siya diba? Diba iyon lang. Gusto niya ako diba? Kaya babalik siya?

"Siya pala si Brian, kapatid yan ni Jacob" pagpakilala niya sa babae. Natingin naman ako sa babae na nakangising kumakaway sa akin.

"Hello! Ang cute mo pala magselos" natatawa nitong sambit.

"H-hindi! Mali ang iniisip mo--- h-hindi ako nagseselos" mabilis na sagot ko. Napakagat na lamang ako sa labi ko dahil halatang defensive eh.

"Hahaha ok sabi mo eh" naiiling pa ito at nakipag-apiran pa sa kapatid niyang unggoy.

"Aigoo. Sige aalis na kami--- asawa kong selosa" hindi na ako nakapagreak dahil mabilis na hinalikan niya ako.

Napanganga nalang ako dahil napakahokage ang Adik! Takte hindi lang pala ito gangster! Isa pala itong magnanakaw eh. Ang galing sa nakawan ng halik!

"T-teka..." Bulong ko.

Gamit ang mga mata ko nakita ko silang papalayo. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko maglalaho sa buhay ko si Adik. Bakit? Natatakot ba ako?

Am I starting to like him?

********

Saan kaya siya pupunta?

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon