Chapter Twenty Three
*************************(Levy's POV)
"And I-I officially..." Huling liriko ng kanta.
Naghiyawan naman ang costumer at ang iba ay pumalakpak. Napangiti ako bago ako tumayo upang magbow sa harap nila. Kumuha ako ng maraming hangin kasabay ng pagbaba ko sa stage. Magpapahinga na kasi ako.
'Bakit ko ba siya naisip?'
Hindi ko naman siguro siya miss, diba? O masyado lang akong in-denial?
"Pwede ka ba mahiram sandali?" Tanong ng sumalubong sa akin. Hindi pa man ako nakasagot ay bigla niya na akong hinila.
"Teka--- bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko pero sadyang malakas siya, nadala na nga niya ako sa isang table.
Kunot noo ko namang tinignan ang kanina pa nakatitig sa akin. Magsasalita sana ako nang itulak ako ng lalake yunh kinaladkad sa akin. Nyeta lang. Mga feeling close naman ang mga ito. Kung makatulak ah tapos sino ba itong titig na titig sa akin. Naging alerto naman ako ng hawakan niya ang hita ko kaya napatayo nalang ako.
"Ano ba ang gusto mo?! Takte ang manyak mo!" Sabay duro ko nito.
Nainis ako dahil tinawanan lang ako ng mga kasama niya. Bali tatlo sila na lalake at may isa silang kasamang babae. Tsk may babae naman pala eh bakit sinama pa ako sa trp nila?
"Huwag ka ng mag-inarte pa, miss. Babayaran naman kita eh" sagot niya.
Napahimalos nalang ako sa mukha at napapikit ng mariin. Nang makakuha ako ng lakas ay masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.
"Sino ka nga pala?" Tanong ko. Nagtawanan naman sila kaya naparoll eyes ako. Bwesit na kausap!
"Nevermind. Anong tingin niyo sa akin? Bayaran? Alam ko bar ito pero kahit kailan hindi ako naging bayaran!" Halos gusto ko nang suntukin ang kausap ko dahil tinawanan ulit ako. Nagulat nalang ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya napaupo ulit ako sa tabi niya. Napupumiglas ako ngunit hindi talaga maalis ang kamay niya.
"Miss, ikaw hindi bayaran? Eh ano tawag sa sout mo? Diba pang-pokpok?" Nakangisi nitong saad.
Galit na talaga ako kaya nasuntok ko na ang kamao ko na kanina pa gigil na gigil sapakin siya. Mga walanghiya! Oo hindi ako mapera. Hindi ako mayaman tulad nila pero ano?! Ganito nalang ba?! Babastusin ang mas mababa sa kanila? Bakit ko ba kinakausap ang mga anak pera?!
"Sh*t so ano?! Tamaan ka ba?!" Tahimik ko lang siya pinakinggan habang yung mga kasama niya tumayo na dahil sa gulat.
"Hindi mo ba kami kilala, miss?" Rinig ko mula sa kasamahan niya.
Natawa nalang ako ng pagak na ikinakunot noo nila. Sila lang ba ang may kayang tumawa? Sila lang ba ang kayang insultuhin ako? No way! Ako ata ang hindi nila kilala eh.
"Bakit artista ba kayo? Kayo din ba ang nag-eexist na fictional character sa wattpad?" Saad ko.
"What are you talking about, bitch?" Inirapan ko lang ang babaeng umepal sa speech ko.
"Do you know wattpad?" Pag-eenglish ko sa kanila. Hindi naman sila sumagot kaya tumawa ako ng malakas na alam ko rinig ng kalapit sa table nila.
"Everyone knows wattpad except animals" sigaw ko sa kanila. Nakita ko naman na inis na inis na sila sa akin.
"Ginagalit mo ba ako, babae?!" Napaatras nalang ako ng sigawan ako ng kaharap ko. Ayy meron pa pala siya dito?
"So galit ka na niyan?" Maarte kong sambit. "Hoy lalaking hindi kainteres-teresado. Huwag ako. Tsk nga bwesit" dugtong ko.
Binalingan ko na naman ulit ng tingin ang kasama niya pati na ang tumawag sa akin ng bitch. Tsk may clown pala silang kasama eh. Yun nalang sana ang pinagtripan nila. Umalis nalang ako dun na siyang pagdating ni Tofer. Ngumiti ako sa kanya sabay hila sa kanya. Baka kasi siya naman ang mapaaway. Bwesit naman ang mga magbabarkada na iyon.
"Binastos ka ba nila, Levy ko? Im sorry talaga. Sorry di kita naprotektahan" nag-alalang wika ni Tofer.
Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko naman na yumakap din ito sa akin. Kahit sa yakap lang nagiging ok na din ako. Pakiramdam ko ligtas na talaga ako.
"Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid kita" humiwalay na ako sa pagkayakap niya at umuling lamang.
"Mamaya na. On duty ko pa kaya. Huwag ka ng mag-alala diyan, kayang kayang ko naman sila eh" confident kong sagot.
Tumango naman siya. Lumingon lingon naman ako sa paligid nang medyo nagkagulo sa--- sa table kung saan nandun yung mga bumastos sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng walang kahirap hirap na pinatumba ni King yung kausap ko kanina. Naalala niyo? Yung nagsabi na babayaran niya ako? Yun ang knockout. Sinundan ko lang tingin ang barkada nito habang tinutulungan na tumayo ang kasama nila.
"Like hell?" Medyo naiinis kong bulong. Takte kasi eh. Napansin ko lang ag pangyayare. Hinintay lang pala ni King na matapos akong bastusin?! Body gurad ko daw siya diba kaya siguradong nasa malapit lang siya pero bwesit na Kingkong hindi man lang ako tinulungan?
'Kakasabi mo lang na kayang kaya mo sila, Levy' sa sarili ko.
Napabuntong hininga nalang ako at napangiti. Pero salamat na din kay King. Siya ang sumapak sa gagong yun. Ha! Bagay sa kanya yun!
"Yow! Guys! Guys! Pasensiya sa nangyare. I hope hindi nakakasira yun sa bar ko? May reason naman eh. So---- tuloy pa ba ang kasiyahan?!" Sigaw niya na ikinasaya ng mga costumer. Ang lakas talaga ang appeal ni Tofer pagdating sa ganitong bagay.
"Sino gusto ng joke?!" Sigaw niya. Sumagot naman ang costumer. Pftt baka magiging comedy bar na dito ah.
"Wag na pala wala akong baon eh" mahinhin nitong saad.
Nyeta! Kinuha ko ang plastic bottle sa isang costumer sabay bato sa kanya.
"Uy sino yung bumato? Alam mo ba masakit? Ang sakit kaya umasa na babatuhin ka din ng pagmamahal niya pero hindi eh--- hindi mali ang akala mo. Binato lang naman niya ang salitang--- hindi kita gusto" hugot niyo.
Natahimik naman ako habang yung ina na 'Ouchh sakit' tapos 'One more, pre!'. Napafacepalm nalang ako. Nako baka di na matapos tapos ang hugot niya. Ok nalang din ito para naman di masira ang image ng business niya nang dahil sa akin.
"Kakantahan ko nalang kayo, guys!" Patay na. Kunin niyo ang mic si Tofer!
********
Hahaha!
![](https://img.wattpad.com/cover/124006734-288-k134098.jpg)
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Teen FictionMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!