Hindi mapakali si Pem subalit nahihirapan siyang kumbinsihin ang asawa. Gusto niyang susunod sa yapak ng asawa niya ang anak nito na si Harris. Baka hindi mapunta sa kanila ang lahat ng kayamanan ng mag-ama kung hindi niya ito gagawan ng paraan.
"Paano na ito?" Malungkot na saad ng asawa niya nang makaaalis ang anak niya na si Zero.
Napatingin naman siya sa anak niya na si Harris. Pinanlakihan niya naman ng mga mata na tila humihingi ng tulong.
"Dad, ako nalang po. Para sa business natin ito" sambit niya kahit na hindi bukal sa loob niya. Ngunit may naisip ata itong plano dahil bigla itong napangisi.
"Sigurado ka ba, anak?" Pag-aakto ni Pem. Napatingin naman sa kanila ang ama.
"Yes, mom. Alam ko nakakabuti yun sa business natin at sa pamilya natin" sagot nito.
"I thank God binigyan ako ng anak na tulad mo, Harris" masayang wika ng ama at yumakap pa sa anak niya kuno na si Harris.
Matapos ang pangyare ay oras na para matulog. Ngunit mga tao talagang hindi natutulog. Dahan dahang bumangon si Pem at tinitignan ang asawa niyang tulog na tulog. Nang masiguradong tulog talaga ito ay kinuha niya ang cellphone niya. Ilang saglit pa ay nagsalita siya.
"Nasaan siya?" Salit nito habang di pa rin inalis ang tingin sa asawa niya.
"Ano?--- mga walang hiya talaga. Sige sige basta siguraduhin mong malinis lahat at walang makikitang ebidensya" naiinis niyang saad dito sa kausap.
"Honey?" Nagulat siya nang marinig niyang magsalita ang asawa niya.
Nagsimula na siyang kabahan at maraming pumapasok sa isipan niya.
'Narinig ba niya?'
'Imposible'
'Nagtulog tulugan ba siya?'
'Paano kung narinig niya?'
"H-ha y-yes, honey?" Tanong nito. Bumangon din ang asawa niya at niyakap siya.
"Bakit gising ka pa? Di ka ba makatulog?" Huminga muna siya ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. Kailangan niyang magkunwari upang di siya pagkamalan ng asawa.
"Oo, honey eh. Hmmm bababa lang muna ako" paalam ni Pem at umalis sa kama. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa lakas ng kabog nito. Hindi pa rin nawala sa isipan niya baka narinig ito ng asawa. Pero sa nakikita niya parang hindi naman narinig.
(Adik's POV)
Nang makaalis ako sa bahay ay tumambay kaagad ako sa impyernong garden namin. Wala palang nakakaalam sa lugar na ito dahil wala namang nababalak na puntahan ito eh. Pero lubos ako humahanga sa mga naglakas loob na sundan ako hanggang dito. Nararamdaman ko ang presensiya nila at labing anim ang mga ito. Tsk ganun na ba talaga kahina ang pinadala nila para patayin ako? Labing anim? Mga mahihina din naman mga iyan kasi kung malakas ito dapat isa lang ang kayang ipadala nila. Napangisi naman ako dahil makapag-ehersisyo na naman ako. Umupo ako sa damuhan kasama ang mga alaga kong aso.
"Hey" bati ko sa kanila. Nagsilapit naman sa akin ang mga aso. Ang lalaki na ng mga aso ko. Medyo namamayat na. Well ok lang yun dahil mamaya mabubusog na ang mga Pitbull ko.
Bigla namang nagsilabasan ang mga tauhan ng kung sino. Hindi ako pwede manbintang dahil nga diba? Masama ang magbintang kung di mo ala ang katotohanan.
"Aishh tagal niyong lumabas. Alam niyo bang naiinip na ang mga alaga---" hindi pa man natatapos ang sasabihin ko nang may umatake sa akin kaya ang resulta dumadaing na ito nang umatake din ang dalawa kong aso sa kanya.
Napaling iling akong tumayo habang bitbit ang katana ko. Lage ko itong dala dala pagnandidito ako sa bahay namin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Arggg!" Sigaw ng isa sa kanila ng atakihin na naman ito ng isa ko pang aso. Bali labing anim laban sa anim na aso at sa akin.
"Two done, fourteen to go" sambit ko na may halong pagbabanta din sa kanila. Ngunit pinakita nila sa akin na hindi sila natatakot sa akin.
Nagsimula na silang umatake ulit. Ang unang umatake sa akin ay mano mano lamang kaya ang ginagawa ko lang ay sipain ang mukha nito na siyang ikinatigil ng iba. Siniyasan ko naman silang lumapit pa sa akin. Hindi na ako nagulat ng madiplisan ako ng bala sa balikat ko ngunit ang ikalawang bala ay tumama na talaga sa tuhod ko. Hinanap naman ng mga mata ko ang gumawa.
Medyo malayo siya sa akin at pinoprotekhan ito nga iba. Leader at nila yun. Hindi ko maiinag ko o makikita ang mukha nila dahil nakamask ito.
Patakbo akong lumapit sa kinaroroonan nito kahit na may tama ako sa tuhod. Iniinda ko lamang ito dahil di yun dahilan para hindi na ako lumaban.
"Iyan lang ba kaya mo, Zero?" Natatawang sigaw ng bumaril sa akin. Napangisi naman ako dahil sa klase ng boses niya. Hindi ko pa yun narinig pero pakiramdam ko kilala ko ang bumaril sa akin.
Hindi pa rin ako tumigil sa pag-sipa at pagbahid ng kanilang dugo sa aking katana. Hanggang sa biglang tumakbo palayo ang bumaril sa akin. Hinabol din naman ito ng mga aso ko. Tumigil naman ako dahil dalawa nalang kami ang nandidito.
"Gusto mo maglaro ng tagu-taguan, pre?" Tanong ko sa kanya at umupo ulit sa damuhan.
"Potang*na mo, Zero! Bakit hindi ka pa mamatay-matay?" Gigil na gigil nitong sigaw sa akin at pinutakan na naman ako. Mabilis ko itong nailagan. Buti nalang may silencer yun kundi maririnig iyon ng lahat.
"Bastos ng bibig mo. Ganyan ba ang turo ng Ina mo?" Pang-asar ko. Hindi mawala wala ang ngisi ko nang makita kong naaasar. Binato niya ang baril sa akin kaya natamaan ako sa ulo ko. Pikon pala. Hindi na din ako umilag kasi mas masakit naman yung sugat sa tuhod ko.
'Marami ng dugong nawawala sa akin' sa isipan ko.
"So ano? Maglaro na tayo" wika ko tapos ay itnaas ko ang kamay ko.
"Tumakbo ka na--- lima, apat----" pagpabitin ko dahil hindi man lang siya natinag.
Tumayo na lamang ako at dahan dahang lumapit sa kanya na ikinaatras niya.
"Isa!" Sigaw ko na ikinatakbo na niya. Tsk kailangan ko lang pala lumapit sa kanya eh.
Lumingon ako sa kasamahan niyang nakahandusay. Hays patay na pala. May itatanong sana ako eh. Napatingala nalang ako upang tignan ang mga bituin at napabuntong hininga.
Siguradong matatagalan akong makita siya muli. Maraming mangyayare nito bukas na bukas.