Chapter Nine
****************
(Jacob's POV)
Alam naming susugod ang Blackstone Gang dahil sa natanggap naming death threat noon palang. Hindi lang namin inaasahan na ngayon pa talaga sila susugod kung kailan hindi ok ang kalagayan ng boss namin. Hindi naman malala ang kalagayan niya kundi sobrang lala! Nakuha niya ang mga sugat niya sa mga araw na wala siya dahil nga may mission siya na binigay ng ama niya.
Rinig ko ang mga malulutong na mura ni boss Zero habang nagpupumilit na bumangon. Hinayaan lang namin ito dahil baka malagay kami sa kabaong kung lalapit kami para pigilan siya.
"Son, please take a rest. Ano bang pinag-alala mo diyan? Trap lang iyon para ----" hindi natapos ang sasabihin ng ama niya dahil sa pagbiglang pagkasa ni boss sa baril niya.
Ngunit may tigasin sa ulo ang gago hindi nakinig sa ama niya. Tuwid naman itong nakatayo pero alam ko ininda lamang niya ito.
"I gotta go" walang expression nitong sagot at lumakad na palabas.
Yumuko naman ako ng nasa harap ko na siya. Tumagilid ako para bigyan siya ng daan. Bilib talaga ako sa kaangasan ng lalaking ito. Parang wala lang sa kaya yung mga sugat niya ah.
Tumingin muna ako sa ama niya na nag-aalala sa anak niya sabay yumuko ako bilang paggalang. Pagkatapos ay umalis na ako doon para sundan si boss.
Pagkarating namin sa parking lot ay doon na siya huminto sa paglalakad. Napataas naman ako ng dalawang kamay ng biglang humarap sa akin si boss at itinutok ang baril sa akin.
'Wahhh wag po boss bata pa ako para mamatay! Kakain pa ako ng saging!'
"Sumama kayo kung gusto niyo. Just don't do stupid, got it?" Sumagot naman kaming LAHAT. Oo lahat. Hindi lang kami ni King ang kanang kamay niya kundi pito kaming lahat.
Nabunutan naman ako ng tinik nang ibinaba na niya ang baril tapos ay tinalikuran na ako.
Mga ilang minuto lang ang lumapis ay nakarating na kami sa pinapasukan ni Levy. That Blackstone! Ang gago nila! Tsk they are too weak! Bakit? Paano ko nasabi iyon? They are using Levy para mapatumba ang boss namin.
"Huwag niyong hayaang makalabas sila sa paaralan na ito at lalong lalo na huwag niyong hayaang makahinga pa" utos ni boss Zero.
Kahit na wala yang expression nakakatakot talaga ang mga mata niya pati na din yung errr aura niya para kang pinapatay.
(Ghospel's POV)
Minulat ko ang mata ko ng marinig kong sumisigaw si Levy. Hindi niya ata ako napansin dahil nakatingin siya sa--- kay Paolo. Takte nga naman sila. Ang bobo magplano!
Well di talaga ako as in nasaktan sa balang tumama sa akin. Naka bullet proof kasi ako di ata halata eh. Acting kang yung ginagawa ko kanina. Bakit ako gising? Bakit kilala ko ang umatake sa school namin? Because Jacob told me about this. At dahil nais kong protektahan ang Levy ko, pumayag ako sa plano nila. Hindi ako isang gangster ah na tulad ng unggoy na iyon. Hmmm isipin nalang nating business lang ito.
"Levy" tawag ko sa kanya.
Alam ko na magugulat siya kaya napangisi ako. Ang cute niya talaga kahit sa anong anggulo.
"G-Ghospel? Buhay ka?!" Masaya nitong sambit at lumapit sa akin. Ngunit bago pa niya ako mayakap---
"Sleep well" bulong ko matapos ko siyang batukan. Chos lang. Pinatulog ko lang siya para makalimutan niya ang nangyare ngayon. Alam ko sa paraan na iyon magiging ok siya. Sinalo ko si Levy bago pa siya makahiga sa lupa.
Napatingin naman ako sa Paolo na sinasabi ni Levy kanina. Nakatayo lang siya at tila wala talagang balak na gawin. Napasinghap naman ako ng tinutok niya ang baril sa amin sabay kalabit sa gatelyo.
Narinig ko naman ang daing sa aking likod. Hindi pala sa amin iyon ang atensyon niya kundi sa likod namin. Teka bakit niya kami tinulungan?
"Tsk--- ask your friend kong naalala ba niya ako. Ang unang minahal niya noon" saad niya na parang nabasa niya ang tanong sa aking isipan. Niwagayway niya naman ang kamay niya habang naglakad na ito palayo sa amin.
Nanlaki naman ang mga mata ko. What?! Minahal ni Levy?! Ex?! Ang akala ko boyfriend niya si Frank?! Oo may boylet ang babaeng ito pero iwan ko sa lalaking iyon. Cool off daw muna sila kasi napapagod na siya sa relasyon nilang dalawa ni Levy. Wait di ba nabanggit ni Levy iyon? Teka wala namang nabanggit si Levy sa akin nun ah! Takte oo nga pala makalimutin pala ang babaeng ito. Panigurado matagal na iyon.
"Hoy! Bumalik ka dito! Tulungan mo naman ako dito kaysa magwalk out ka diyan!" Sigaw ko sa mokong iyon. Lumingon naman iyon sa akin at sinamaan man lang ako ng tingin.
"Humingi ka ng tulong sa Jacob mo!" Sigaw niya pabalik. Nagulat naman ako kung bakit niya nalaman. Woahh stalker ko ba siya?! Chos di ko Jacob yung unggoy na iyon!
Teka nga bakit may halong comedy kung POV ko?! Huhu bad naman nito.
"Wahhhhh madapa ka sana!" Sigaw ko naman. Umiiling lang ang ugok at nagpatuloy na sa paglalakad.
Akala ko maiiwan na kami dito eh. Dumating naman ang mga unggoy at ang bgo sa aking mata. Nyeta ang gwapo niya--- ayts kaya pang ang dami niyang pasa at bandage sa katawan.
Lumapit sa akin ang pogi tapos ay kinuha sa akin si Levy.
"Boss baka--" hindi na natapos ni Jacob ang dapat niyang sasabihin ng nagsimula na niya kaming talikuran. Nga pala kami nalang pala ang nandito. Nawala bigla ang mga estudyante dito sa field eh pati na rin ang mga Blackstone Gang na iyon. Wow magic right?
Tumayo naman ako na di inaalis ang tingin sa pogi na buhat buhat si Levy. Teka----- omo! Gusto niya ba si Levy?! Ang haba naman ng hair ng bestbud ko!
"Ok ka lang?" Tanong sa akin ni Jacob na ikinagulat ko.
"Huwag mo nga akong gulatin!" Sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sigaw ko tapos ay naluluha na ang mga mata niya.
Ang akala ko susuntukin niya ako pero hindi pala. Patakbo siyang lumapit kay King at nagiging bakla na. Ang clingy eh.
Napailing nalang ako tapos ay nakatingin sa gawi ni pogi. Siya ata ang kasalanan kung bakit ginamit ng Blackstone Gang si Levy pero salamat pa rin dahil nakikita ko na--- ang magandang ngiti ni Levy pagkasama niya ang lalaking iyon.
----------
Totoo kaya na mas sasaya si Levy sa piling ni Zero (Code name)
Comedy na action pag si Ghospel ang gusto niyo magkaPOV hahahaha!
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Teen FictionMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!