Chapter Fourteen
********************(Levy's POV)
Hindi ko alam na nakalimutan ko pala ang first love ko, si Paolo. I feel sorry for him kasi ng dahil sa akin nasaktan ko siya. May dahilan naman ako kaya ako nakipaghiwalay eh. Ayoko lang na ako ang maging dahilan ng pagsira ng buhay niya. Naluluha kong binanggit ang pangalan ni Paolo at napangiti naman siya dun.
Natigilan ako nang hawakan ako ni Adik at biglang isiniksik ang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang tibok ng puso ko na tila nagrambulan.
"Mabuti pa siya naalala mo" bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko at pagkuway inalis na niya ang pagkayakap sa akin. Oo nga, tama siya. Alam ko ang nararamdaman niya. Bakit ko ba kasi nakalimutan ko ang unang pagkikita namin ni Adik? Parang pinipiga ang puso ko. Nasaktan ko si Adik.
"Paolo" rinig ko mula kay Adik na ngayon ay nakapamulsang nakipagtitigan kay Paolo.
"Zero" saad naman ni Paolo. Nakita ko ang pagngisi ni Adik matapos mabanggit ni Paolo ang 'Zero'. Teka Zero ba pangalan ni Adik?
Nagtaka naman ako dahil tila magkakilala ang dalawa? Look! Kilala nila ang isa't isa. Imposible din eh. Ngayon lang ata sila nagkita eh.
Nataranta naman ako ng itinaas ni Adik ang kamao niya. Habang si Paolo naman nanatiling nakatayo at ngumisi na din. Takte ano bang meron sa ngisi ha?! May shield ba?! Para di ka matamaan ng suntok?! Akmang pipigilan ko sana si Adik nang itinapik lang pala niya ito sa balikat ni Paolo. Nagtaka naman kaming dalawa ni Paolo.
"Why bother, if you're just going to regret it later?" Sambit ni Adik na para bang iniinsulto ang kausap niya.
Kumunot ang noo ko. Nagbago kasi bigla ang tono ng pananalita ni Adik. Ewan ko.
Napangisi naman si Paolo kasabay ng pag-waksi sa kamay ni Adik na nakahawak sa balikat niya.
"Fortune teller ka ba?" Maangas na sagot ni Paolo. "Hindi mo alam ang nakaraan naming dalawa kaya wag kang magsalita na para bang wala na akong pag-asa pa sa kanya. Kung manghuhula ka lang naman siguraduhin mong tama ka at mali ako" mahabang lintaya ni Paolo.
Umeksena na ako at pumagitna sa kanilang dalawa. Mahirap na pigilan ang dalawang ito kung magsusuntukan, diba? At saka ayoko ng gulo! Takte! Late na nga ako sa practice namin paepal naman ang dalawa.
"Tumigil na nga kayo" pagpipigil ko ngunit ang dalawa ay sadyang malakas talaga kaya naalis ako sa gitna nila.
Nagkasukatan sila ng titig na para bang nag-uusap din sila gamit ang kanilang mga mata. Kulang nalang may lumabas na kuryente sa mga nakakamatay na mata nila eh.
"I don't care if you're her past, all that matter is that I'm her present and will be her future" walang pag-aalinlangan na sagot ni Adik. Napatingin naman ako sa kanya.
"So mas mabuti pang wag ka ng umeksena pa, Paolo" nang sabihin niya iyon ay hinawakan niya bigla ang kamay ko at pinalipit sa kanya. Nagulat nalang ako ng takpan niya ang bibig ko sabay sabing-----
"Once I said she's mine. Don't you dare touch her"
Hirap ako makapagconcentrate sa paglalaro dahil sa may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa akin. Paglilingunin ko naman sila wahhh tumatayo ang lahat ng balahibo ko. Lalo na yung tingin sa akin ni Adik. Takte parang yung pwet ko ang tinitignan!
Matapos pala ang pangyayare kanina ay sumama sa akin ang dalawang unggoy. Ayun sila sa bench nag-enjoy pa talaga. Parang nanonood ng sine si Paolo kasi may hawak talaga siyang popcorn. Errr mga baliw talaga ang dalawa. Promise ang baliw nila. Kanina diba? Kulang nalang magbugnutan?
"Musta na pala kayo ng boyfriend mo, Levy?" Pagtatanong sa akin ng ka-playmate ko.
"Ok lang naman kami hmm I think ok naman kami" sambit ko.
Pinapakiramdam ko ang sarili ko and I don't know kung bakit? Bakit di na ako nalulungkot pagnaalala ko si Frank.
"Ayy! Kayo pa pala?" Kumunot naman ang noo ko. "Akala ko kasi wala ng kayo kasi naman oh--- may dalawang pogi na nagchecheer sayo! Hindi mo ba talaga boyfriend ang isa diyan?" Dugtong nito habang nakaturo sa dalawang lalake na nakatingin sa gawi ko.
Tumaas naman kaagad ang balahibo ko. Yaks? Pogi? Cheer? Eh hindi nga yun ginagawa ng dalawa eh!
"Ah-ha-ha mga unggoy ko yun ate. Hindi pwede magmahalan ang isang unggoy at tao" sarkatiskong sagot ko. Natawa naman ito sa sagot ko at hinayaan siyang kiligin.
Tumayo ako mula sa pagkaupo sa sahig at pinagpagpag ang pwetan ko. Umayos na at kinalimutan ko muna ang dalawang unggoy at ang sinabi sa akin ni ate kanina. Takte talaga! Tumagal ang pagpractice hanggang sa lunch time na. Napagdesisyonan ng leader na mamayang 2 pm ulit kami magpapractice.
Naglakad na ako palapit sa bench kung saan ang dalawa. Nyeta talaga ang Adik di talaga binitawan ang bag ko oh. Dapat kasi sa locker ko yun ilalagay peri ang lolo niyo kasi sbrang maarte baka daw may magnakaw. Sinalubong ako ni Paolo na may dalang tubig. Inabot niya naman sa akin yun. Errr nakakailang pero nauuhaw na ako eh! Hays!
"Thanks!" Ngumiti naman siya sa akin. Sa nakanguso ako.
Ehh kasi naman parang wala lang sa kanya ang ginawa ko noon eh. Iniwan ko lang siya at sinaktan.
Napatingin naman ako sa Adik ng bigla niyang binato sa akin ang jacket. 'As in sa mukha ko pa talaga! Ang bastos! Umiinum ako dito oh!' gusto ko siyang sakalin!
Kunot noo ko naman tinignan ang jacket na binigay niya. Anong gagawin ko sa jacket?
"Try mo ilapag sa sahig tas higaan mo" nang-iinis ba ang baliw na ito?! "Takpan mo ang pwet mo kasi hindi kagandahan" walang ekspresyon yan guys pero-- pero! Argggg!
"Mama mo! May pwet ako at takte maganda ang pwet ko!" Naiinis kong sagot sa kanya.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Paolo kaya binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. Natahimik naman siya at umiwas ng tingin sa akin.
Nilagay ko nalang ang jacket sa bewang ko at pinulupot na lamang. Baka kasi mas magalit si Adik. Wait di naman yun galit eh! Wala yang ekspresyon siguro nga pati emosyon!
"Happy?" Tanong ko kay Adik na nakatingin sa hita ko. Mabuti din pala na tatakpan ko kasi may manyak dito.
*******
Cute manyak XD
![](https://img.wattpad.com/cover/124006734-288-k134098.jpg)
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Teen FictionMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!