Chapter Forty Four
***********************(Levy's POV)
Nagising nalang ako na katabi ko si Adik. Naalala ko na lahat pero sa tingin ko hindi magandang balita yun para sa kanya. Babangon na sana ako pero naisip ko yung nangyare kahapon. Napasimangot ako at inis na umirap sa kanya kahit di naman siya nakatingin sa akin.
"Kainis siya"
"Pero gwapo niya kahit tulog"
"Demonyo naman paggising"
"Hays ang pogi"
"Paano siya nakatulog na parang wala lang sa kanya lahat?"
"Grrrr sarap kurutin"
"Ayaw niya akong kausapin edi wag!"
"Teka nga lang" napatakip ako sa bibig ko at kumakabog ang pusong napatingin ulit sa mukha niya. Napagtanto ko lahat ng nasasabi ko.
'Omoo baka narinig niya yun?!'
"Hello gising ka ba?"
Ilalapit ko na sana ang kamay ko ng bigla itong gumalaw. Sa gulat ko ay nahulog ako sa kama.
"Awawawww" daing ko habang hinimas ang balakang at ulo.
"Psst!" Tawag ko kay Adik nang makabangon ako.
Tulog mantika naman siguro siya, diba? Pinisil ko na ang ilong niya pero ayun tulog talaga. Aalis na sana ako pero curious ako sa tenga niya kaya hinawakan ko na. Napangiti ako saglit at napalunok agad. Hays ano ba itong pinaggagawa ko.
****
Pinapanood ko lang ang labas pasok ng mga kagangmates ni Adik. Hindi ko na sila tinatanong kasi halatang busy pa sila eh. Kumakain ako nang bumaba na si Adik. Tulad ng dati hindi ito ngumingiti.
Inirapan ko siya ng tumingin ito sa akin. 'Hmmp nagpapacute ba siya? >0< '
Kung oo edi siya na ang cute!
"Levy!" Tawag pansin ni Tofer. Oh nandito pala siya. Pero--- bakit mukhang magsasummer siya?
"Bat ganyan suot mo? Di pa naman summer" nagpogi sign naman ang gago at sinuot ang sunglasses niya. Aba ako ba'y pinagtripan nito?
"Anong mukha yan?" Natatawang saad ko.
"Magbebeach kasi ako. Bakit ba? Tas sasama ka sakin dahil akin muna araw mo. Woahh baka nakalimutan mo nagtatrabaho ka sakin Levy ko" ngiti ngiting saad nito at sapilitang kinuha ang kape ko. Abat---
"Can you stop calling her Levy ko. Di siya sayo, gago" biglang singit sa usapan namin ni Tofer.
O____O anyare? Wag niyang sabihin na nagseselos siya. Kapal ng mukha. Hindi nga niya ako kinakausap pero kung makasingit!
Grrrr gigil mo ako Adik!
"Boss ready na ang lahat" salita ni King at tumango naman si Adik. Inis ko siyang tinignan at mas binilisan pa ang pagkain. Ayoko makasabay siya.
"Yown! Bihis na kayong dalawa!" Excited na saad nito.
"Pinagsasabi mo? Magbebeach ba tayo? Ayoko may pasok pa ako--- sabi ko nga sasama ako. Ano ba kasing gagawin natin don?" Nakasimangot kong sabi. Paano ba naman hindi ako makapaglusot kasi itong adik sa harap ko binida ang calendar sa phone niya. Nyetaaa bakit ngayon ka pa sumulpot holiday?!
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Genç KurguMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!