Chapter Twelve
*******************(Levy's POV)
"Pogi pogi naman ng manliligaw mo, Levy! Bakit di mo sinabi na pupunta pala siya dito. Hays di tuloy ako nakapagpaganda oh" mahabang lintaya ni tita Pia at habang ako naman nandito nakasimangot.
Inilapag naman ni tita ang malamig na inumin pagkatapos ay umupo na sa kabilang sofa. Bale kaharap namin si adik pero nasa single sofa kami ni tita Pia.
'Di ko naman alam na dadating yang adik' gusto ko sanang sabihin yan pero mas pinili kung itikom ang bibig ko.
"Di na kailangan na magpaganda ka po tita dahil maganda ka naman lage" sagot ni adik na nagpapasinghap kay tita Pia at biglang napakilig.
Takte di naman ako yung niligawan ng adik na ito ah! Di ako yung pinakilig errr bakit ko ba iniisip ito? Gusto ko ba maligawan? Ni Adik? Yaks wag nalang! Di ko kayang intidihin ang mood niya.
"Gusto ko na siya para sayo, Levy! Bagay na bagay kayo! Bilis! Doon ka tabi ka sa kanya bilis!" Excited naman masyado ni tita Pia. Kung makatulak-hampas sa balikat ko ah. Hmmp! Wala na akong nagawa kundi umupo sa tabi ni adik. Ayaw ko kayang mahampas ulit ang bigat kaya ng kamay ni tita! Woy di ko gustong makatabi siya ah! Maniwala kayo!
Nang makaupo ako sa tabi ni adik inis ko siyang tinignan. Nakakairita kasi yung titig niya eh. Sa tensyon na pagtitigan namin ay yung nanonood naman sa amin mukhang inataki ng mga ipis. Kung makatili kasi wagas! Parang hindi matanda ah. Iniwas ko na lamang ang titig kay adik at umusog ng kunti palayo sa kanya.
"Saan pala kayo nagkakilala ng Levy ko, pogi?" Tanong ni tita. Tahimik lang ako dito habang pinapanood ang daliri ng paa ko. Out of place kasi ako. Duh! Di ako ang tinatanong!
"Ah matagal na yun tita pero di kami magkilala nun we're just met for a little reason" sa sagot ni adik bigla naman akong natigilan at dahan dahang tumingin sa kanya.
'Matagal na?' teka anong ibig sabihin nun? 'We're just met for a little reason?' teka naman! Naguguluhan ako! Hindi ko maalala na nagkita kami noon. Wala akong maalala! Arggg kailan ba iyon? I swear wala akong amnesia! Promise may nakakalimutan lang talaga akong bagay bagay.
"Oh so you mean?----- destiny kayo?!" Kinikilig na naman ang tita niyo.
Pero---- totoo ba? Destiny? Matatawag ba destiny yun? Wahh saan ko ba nakita ang mukha ng adik na ito? 1990 chos nagjoke pa ako, sige tawa kayo. Hindi ba ako niloloko ng lalaking ito? Hays ang dami kong itatanong sa kanya.
"Yes, I think we're destined to each other because we met not once but twice" pagsang-ayon nito. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinila kaya ang resulta nakaakbay na siya sa akin.
Ang bilis naman nila magkasundo. Sa sobrang close ng dalawa ay nakalimutan nilang nandito ako. Nagkukuwentuhan sila ni tita Pia pero hindi naman nagpapakilala ang adik. Siguro wala talaga yang pangalan.
Adik nalang kaya ang itatawag ko? Total wala namang balak na magpakilala ang lalaking ito. Feeling ko tulad lang ng dati? Nagkita lang kami pero hindi magkakilala. But ngayon, siya lang ang nakakilala sa akin.
"H-huh" Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Yay di pala niya nakalimutan na may nag-eexist pa sa tabi niya...
Nagsimula ng kumabog ang puso ko nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. Seriously?! Adik ba ito sa halik?! Walang kahiya hiya! Tinampal ko nalang ang bibig niya at inilayo ang mukha niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil di ko maintindihan ang sarili ko. Yung puso ko nababaliw na.
"May naalala ka ba?" Tanong niya. Nagtaka naman ako.
Anong ibig sabihin niya? Yun bang nakaraan? Umiling lamang ako bilang sagot. Wala talaga akong maalala eh.
Muntik na akong napatayo sa gulat nang maramdaman kong may nag-vibrate sa pwet ko. Ang cellphone! Takte parang alam ko na ang tumawag.
"So--- may naalala ka na?" Napangisi nitong tanong.
Hindi ko naman alam na yun pala ang tinatanong niya. Hmmp!
"Tita, aalis na ako. Tinawagan na ako ng leader eh" pagsasalita ko kasabay nang pagtayo ko. Kinuha ko na ang cellphone ko at tama nga ako. Ang leader ang tumawag. Leader sa volleyball.
"Ganun ba. Sige hijo, hatid mo ang Levy namin ah?" Napatingin naman ako sa adik na ngayon ay tumango tango. Napasimangot ako.
Hindi naman kailangan yun eh. Duh! Kaya ko magcommute. Hindi sa pabebe ako pero kaya ko naman talaga mag-isa eh.
Kita ko sa mukha ni tita Pia na tuwang tuwa sa amin. Kinikilig na winagayway niya ang kamay niya kahit na nandito pa kami ni adik sa harap ng bahay ko. Mukha siyang timang. Ngumiti na lamang ako ng pilit at pinaandar na ni afik ang kotse niya. Nakikita ko pa rin yung kinikilig sa amin. Hahays.
Napatingin ako kay adik na ngayon at seryosong nagdadrive. Walang pinagbago---- siguro ang pangalan nito ay Lesser. Bagay kasi sa kanyang mukha eh. Expressionless? Curious talaga ko sa kanya. Ang dami niyang sekreto sa akin ah. Di ko naman kayang itanong yun kasi di naman nagsasalita eh. Alam ko aasarin lang ako niyan.
"A-ano, adik yung cellphone mo pala. Bukas ko na isauli. Naiwan ko kasi sa bahay eh. W-wag kang mag-alala wala akong ginawa sa cellphone mo" pagsisinungaling ko. Errr ilang beses ko ba pinapakielaman ang cellphone niya?
Tumango lamang siya at di man lang ako binalingan ng tingin. Pinalobo ko ang pisngi ko at inirapan siya. Bwesit! Naiinis ako! Bakit feeling ko--- gusto ko magpapansin? Dahil ba may itatanong ako sa kanya? O dahil sa miss ko siya? Ok! I admit it, miss ko siya. Nakakamiss ang presence niya. Ilang araw din yun eh.
Gusto ko sana siya tanungin tungkol sa nakaraan eh pero siguro kailangan ko muna maalala yung dati. Hays bakit ba kasi nakakalimutan ko yung mahahalagang bagay?
"Sana hindi ako pinaglaruan ng tadhana" bulong niya at dahil dun ay napatingin sa kanya. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko ang pagbabago ng mga mga mata niya. Tama ba yung nakikita ko? Malungkot ba ang nakikita ko sa mga mata niya?
************************************
Ikaw naniniwala ka ba sa Destiny?
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Genç KurguMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!