Chapter Thirty Two

474 22 1
                                    

Chapter Thirty Two
***********************

(Levy's POV)

Nakatulala lang ako habang hinihintay ang pagdating ng train. Kailangan ko sumakay ng train upang mas mabilis makarating sa mall. Si Ga--- Ga--- Adik nalang. Lanyaa nakakabulol. Hindi pa rin mawala wala sa isipan ko ang pangalan niya at kasalanan niya iyon. Nang dahil sa kanya napuyat ako. T_____________T nyeta mas di ako nakakatulog ng maayos dahil nasa sala siya at doon natutulog. Antok na antok pa nga ako pero gumising na agad ako. Kailangan ko pa kaya pumasok. Malas nga eh kasi pagdating ko sa school. Dinumog ako ng nga estudyante doon. Akala mo noon walang ginawa sa akin. Di naman ako galit sa kanila dahil wala naman silang alam talaga sa pangyayare but di pa rin mawala wala ang balitang patay na ang tatlong babae na nagbully sa akin. Yung ikaapat na kaibigan nila missing daw. Naalala ko yung nakita ko noong humarang sa kotse namin--- saan kaya iniligpit ang bangkay niya?

Napabalik ako sa ulirat ko nang dumating na ang hinihintay ko. Pumasok na ako doon at napalinga linga ako.


 Pumasok na ako doon at napalinga linga ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Si Laxus yun diba?" Bulong ko. Napasinghap ako ng napatingin siya sa akin na tila narinig niya ako.

Inalis niya ang nakakabit na headset sa tenga at dahan dahan lumapit sa akin. Sunod sunod ang lunok ko ngunit di ko magawang umiwas kahit gusto ko man umiwas. Sana pala kasama ko si Adik eh. Natatakot na ako kay Laxus.

"Levy" walang emosyon nitong saad.

Napaangat ng kunti ang tingin ko sa kanya at nagkatitigan kami sa mata. Mabait naman ang mukha niya pero bakit ang sama sama ng ugali niya? Si Adik diba ba? Hindi ko pa masyadong kilala si Adik eh. Teka napansin ko wala ang mga tropa niya. Ibig sabihin ba siya lang mag-isa?

"Sorry" bulong niya na malinaw na malinaw! Narinig ko ito!

Para akong nabingin sa narinig ko. Binigyan ko lang siya na nag-sorry-ka-look wow! Di ko inakala na magsosorry siya. Akala ko joke lang post nito sa Facebook timeline niya.

"Huwag mo ko tignan ng ganyan" bulong niya ulit at lumapit pa ito sa akin.

"Alam ko mahirap paniwalaan. Sorry sa mga nagawa ko at alam ko sobra ang ginawa ko----" salita nito. "Yung umiyak ka" dugtong niya.

Napaiwas nalang ako ng tingin at hinayaan siyang magsalita. Wala akong mahanap sa dila ko--- I mean wala akong masabi. Madali lang naman ako magpatawad eh, hindi ko na kailangan ang pagpaliwanag niya. At saka nahihiya ako sa hitsura ko! Nakita niya akong umiyak-- errr ang panget ko pa naman umiyak.

"Parang--- gusto ko patahanin ka" saad nito na sumabay sa malakas na busena ng train kaya hindi ko narinig ang sinabi niya.

"May sinasabi ka?" Tanong ko habang inaayos ang eye glasses ko.

Nakita ko naman ang saglit na pagtitig niya sa akin at mabilis na umiling. Kahit nagtataka ay tumango lang ako at kinawayan siya na tila nagpapaalam. Dito kasi ang distinasyon ko.

"Teka--- samahan na kita!" Sigaw nito nang makalayo ko. Nakuha niya naman ang atensyon ng lahat dahil sa sigaw niya. Akala mo naman nasa bundok ako para sumigaw siya.

"Bakit?"

"Wala lang"

"Wala lang naman pala eh. Huwag ka ng sumama"

"Samahan na kita. No is a yes for me"

Wala na akong naisagot dahil sa ngiti niya. Napahawak ako sa bibig ko at inaalala ang ngiti niya. Bakit siya ngumiti? Baliw na ba iyon? O feeling close siya? Nakapagtataka.

"Ano ba ang nangyayare sa iyo? Eh noon kulang nalang maubos yung dugo ko nang dahil sa mga natatanggap kong pasa pagbinabato mo ko ng bola. Nyeta ka nga eh" mahabang lintaya ko pero wala man lang siyang sinagot.

'Hays kung tahimik lang naman ng makakasama ko pwede wag nalang?' sa isip ko.

Napailing iling nalang ako sa mga naiisip ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko kung paano kaya dumating si Adik? Mag-aaway ba sila? May bugbugan ba? Tapos papagitna ako tapos--- wow nag-assume naman ako. Malabong mangyare iyon. Busy ngayon si Adik eh. Umm busy ata--- >____< tinakasan ko pala siya kanina.

"Levy" rinig ko mula kay Laxus at siyang pagtaas ng mga balahibo ko. Hays! At bakit ba kasi ang lalim ng boses niya? Katakot tuloy! Napatigil ako sa paglilibot at paghahanap ng bibilhin kung materials para sa magaganap na Valentine's Day. Iyon kasi ang binigay sa akin na task ng Professor namin dahil ilang days na akong hindi pumapasok.

"Nang makita kitang umiyak nun--- ano sh*t" saad nito at napamura pa. Anong problema nito sa akin? Minumura ako oh. Lanyaa!

"Iba na nga-- ano magpapakilala ulit ako sayo. Ako pala si Laxus Cortisone at ikaw si---" sabay lahad sa kamay niya.

Hindi naman ako nagdadalawang isip na tinanggap iyon. Malinis naman siguro ang kamay niya ahaha joke kang yung intensyon niya syempre. Sincere naman siya eh. Kaya ok na sa akin yun.

"Levy Vermilion, Laxus" sagot ko habang nakangiti.

"Alam ko ang bilis ng pangyayare but--- friends? Don't worry hindi na kita sasaktan pa ayokong makitang umiiyak ka" sambit ni Laxus. Ewan pero ako lang ba?

'May ibig sabihin ba ang sinasabi niya?'

Lumipas ang oras at natapos na din. Nakausap ko na ng matino si Laxus pero hindi ko siya matitigan sa mga mata dahil naiilang ako sa titig nito. Parang black hole lang. Err! Papauwi na pala ako pero di ko na rin natatanggap ang mga text ni Adik. Kani-kanina lang ang dami niyang text sa akin.

"Aray ko!" Daing ko dahil nabunggo ko ang pader. Hays ang tanga tanga ko! Ayan kasi cellphone ng cellphone.

"Mas masakit pa diyan ang nakita ko ngayon, Levy" saad ng pader. Ano naman itong naiisip ko? Pader magsasalita? Teka bakit magkaboses sila ni Adik? Imposibleng magsasalita ang isang---- O_____________O

Napaangat ang tingin ko at bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Adik. Shoot! Si Adik pala ang mistulang pader! Napansin ko din ang may bahid na dugo ang noo nito. Kunot noo ko itong tinitigan at akma sanang hawakan pero winaksi niya ang kamay ko.

"Adik----?" Ang tanging nasabi ko.

Nagtataka ako sa mga kinikilos niya. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na kinaladkad. Halos madapa ako dahil sa pagkaladkad niya pero hindi ako umaangal. Hanggang sa nakarating kami sa kung saan nakapark ang motor niya. Walang sabi sabi na pinasuot niya sa akin ang mask niya. Wala akong nagawa kundi ang tahimik lang na yumakap sa bewang niya habang nilalandas namin ang daan.

'Hindi niya ako kinakausap'

'Hindi kaya---- galit siya?'

******

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon