Chapter Forty Three

353 15 0
                                    

Chapter Forty Three
***********************
Dedicated to ThePhantomWalker
*******


(Jacob's POV)

Nagkawala ako ng malalim na buntong hininga matapos ko masaksihan ang pagsapak ni Boss sa mukha ni King. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa nakakatakot na mukha ni Zero. Halatang ginalit siya. Gago kasing King eh hays!

Limang minuto na ang lumipas mula ng makauwi si Boss dito sa bahay at sumalubong nga sa amin ang galit na galit na mukha niya. Lahat kami hindi makaawat sa kanya dahil iba si Zero kung magalit eh. Walang kai-kaibigan ganyang Boss ang meron kami. Hindi namin alam ang nangyare sa kanila ni Levy pero I'm sure hindi sila ok. Mabilis kasi na pumasok si Levy sa kwarto nila, di man lang kami binati o hinintay si Boss.

"King, may sasabihin ka?" Salita ni Zero. Humapa na ba ang galit niya? Weee?

"B-boss--- f*ck tigil muna Boss" pagpapakalma niya nito. Napaupo naman sa sofa si Zero habang si King naman ay nakaupo sa sahig hawak hawak ang mukha nito na puno ng pasa.

"Bat sa mukha ko pa? You're so--- One of the hell Boss! Argghh my face" bulong at daing nito.

"Tsk. may reklamo ka?" Mabilis naman itong napailing kaya sadyang napatawa niya ang kapatid ko na si Bria. Taas kilay ko naman tinitigan ang kapatid ko.

'siguro gusto niya--- sabi ko nga wala siyang gusto kay King' heck na f*ck you tayo!

"Speak"

"Next week---" mabilis na sagot ni King dahil sa pagkasa ng baril ni Zero. Sinabi niya ang balita na galing sa ama ni Boss.

"Pinapakausapan ako ng ama mo na dumalo sa gaganaping party sa kaarawan ng iyong ina" isang 'tsk' lamang ang lumabas sa labi ni Zero. Malaki talaga ang galit niya sa bago niyang ina.

"Iyon lang ba? Kung ganun aakyat na ako sa taas para kausapin si Levy" akmang tatayo ito nang nagsalita pa si King.

"Sigurado akong hindi ka maniniwala sa aking sasabihin Boss----"

Sh*t! O_______O totoo ba yung naririnig ko? Si Mr. Cummins ang daddy ni Boss ay aalis na sa pwesto?! Hell ang bilis naman. Imposible na ganun kabilis bumaba sa position yun. Mas masamang damo yun eh tapos di pwede yun dahil siguradong magkakagulo. Alam naman natin na di lang ang pamilyang Cummins ang may nais makuha ang position na yun.




(Adik's POV)

"Anong plano ng tandang yun?" Naibulong ko sa sarili ko. Imposible kasing bumaba yun sa pwesto. Well kung ano man yun kailangan ko manalo sa laro niya.

"Sige aakyat na ako sa taas" saad ko. Sabay sabay naman silang tumango at pumunta sa dating pwesto nila at nagsimula na ding mag-ingay.

"Teka Boss!" Kunot noo naman akong lumungin sa gawi ng tumawag sa akin.

"Ano?" Napakamot naman siya sa batok niya at nakipagsenyasan sa ibang kasama.




Napabuntong hininga nalang ako at pumanhik paitaas. Malapit na sana ako sa pinto kung saan nandoon si Levy nang may naalala ako. Mahirap pala suyuun ang babaeng iyon.

'Magbabago ka ba para sakin?'

Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang huling sinabi niya sa akin. I almost forgot na hirap pala akong pakisamahan. Alam niyo na may sayad ako sa utak. Nang dahil sa sinabi niya na noon na di ko kailangan magbago pero everything change pala. Pati ang bibitawan niyang salita.

Bumaba nalang ako ulit at nagsilapitan naman ang mga gunggong sa akin.

'Ano bang mga naiisip nila? Sakit nila sa ulo' may gagawin pa sana ako eh!

"Boss wala ka bang kailangan sa amin?" Lakas loob na tanong nito.

"Meron. Kailangan ko pala sapakin ang pagmumukha niyo" pananakot ko sa kanila na nagpatras nito. Napatampal ako sa noo ko at gigil na tumingin sa kanila at tinapunan ng tingin.

"Aalis ako--- oh anong mukha yan?! F*ck may binabalak kayo?!" Bigla kasing nagkasingihan ang mga gago at sabay sabay pa talagang tumingin sa itaas.

Sh*t paano ako aalis dito? Mukha palang nila hindi na makapagkatiwalaan.

"Hehehe wala Boss"

"Ingat ka Boss ah"

"Shoo shoo labas na bilisss!"

"Kung ano man ang itim na balak niyo wag niyo ng--- f*ck sh*t Boss niyo ako abat---" isang malakas na kalabog ang pumakawala matapos ako pagsarhan ng mga alagad ko. Bakit ba sila sinali sa grupo ko?! Hays!

"Bye bye Boss! Wag muna bumalik ah!"

"F*ck you!"




Napasabunot ako sa buhok ko matapos ang ilang oras na pagbili ng pangregalo para kay Levy. P*ta sabi na eh kulang nalang isang mall ang bilhin ko. Wala akong matinong mabili at parang di niya magugustuhan ang mga nabili ko na ngaon ay nakatambak sa backseat.

Nagkotse na ako baka sakaling mangyare nga ito. And yes, nangyare na pala.

Hanggang sa makarating ako sa bahay ko di ko maiwasang di kumabog ang puso ko. Naisip ko kasi na paano kung hindi niya magustuhan ito? Paano kung kulang pa ito? Hays balik nalang kaya ako sa mall. Bilhin ko nalang lahat ang binibenta dun.

Napatingin ako sa biglang kumatok sa bintana.

"Boss---- wahhhhh gago este multo!" Sigaw ni Jacob mula sa gilid ng bintana.

"Ayy ikaw pala yan Boss bakit exhausted ka diyan?" Binuksan ko ang pinto at hinarap si Jacob. Pagkatapos ay tinuro ang back seat.

Lumapit nama ito kung saan ang backseat at maya maya ay napatawa. Tsk ---_____--- anong nakakatawa sa regalo ko?

"Pfft really--- iba ka kung sumuyo ah"

"Shut up, Ghospel"

Napatigil naman ito sa pagtawa at napahawak sa batok niya.

"Boss naman. Walang ganyanan" I chuckle. Stupid idiot. Ako pa yung inasar.

"Mabuti pa Boss doon na tayo sa HQ para sa operation: Chasing Ashy Levina Vermilion's Heart. Handa na nga ang plano, Mr. Lover Boy" saad nito.

Natigilan ako saglit at hindi pinahalata na nagulat ako. Kahit mongoloid ito marunong naman mag-isip. Kaso sa sariling love life, bobo pa sa bobo.

"Thank you" tanging nasabi ko at di tumingin sa kanya. Alam ko natigilan yun.

Nauna na akong naglakad upang tahakin ang daan papunta sa HQ namin. Hindi naman ganun kalayo ang HQ sa bahay ko kaya di ako mahirapan na bantayan si Levy pagnasa bahay lang siya.

"Boss---- Ano isasama mo ba si Levy sa birthday ng ama mo next week?" Tanong nito ng makahabol sakin.

Hindi na ako sumagot. Kahit gusto ko siya isama ayoko pa rin mas madamay siya. Alam ko sa araw na yun magkakagulo na.


*********************

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon