Chapter Twenty Six
***********************
(Levy's POV)
Nakayuko ako habang tinutungo ang kotse ni King at nang makalapit ako ay mabilis kong iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Balak ko sanang pumasok kaagad at buksan ang kotse nang higitin niya ako palapit sa kanya.
"Bakit iniiwas ang mukha mo sa akin? Sabihin mo may nangyare ba sayo?" Tanong niya ngunit hindi ako sumagot. Kahit ramdam ko pa ang sakit at hapdi sa aking pisngi hindi talaga ako umiyak.
"Iuwi mo na ako sa amin, King" utos ko.
"Hindi walang uuwi" sagot ni King. "Anong nangyare sa mukha mo?" Inis ko naman siyang tinignan at inalis ang kamay niya sa kamay ko.
"Tapos ano?! Irereport mo naman ito sa boss mong gago?!" Tumahimik naman ito at napabuntong hininga nalang ito.
Kakainis yang adik na yan! Bakit ba kailangan ireport pa ang lahat ng nangyayare sa akin? Nag-aalaa ba siya? Bwesit na yan. Kung nag-alala siya sa akin sana-- sana nandoon siya sa oras na kailangan ko ng tulong. Yung oras na hindi ko na kinaya pa.
"Ummm ano King ako nalang magkuwento. Pero huwag mo sabihin sa boss mo" isang tango lang ang isinagot ni King. Tapos ay pinapasok ako ni King sa kotse habang silang dalawa ay nasa labas.
Napahawak ako sa humahapdi kong pisngi at inalala naman kung paano ko ito nakuha----
Napatingin ako sa apat na babae na kakapasok lang. Sa pagkakaalala ko sila yung humarang sa akin kahapon. Hindi ko nalang sila pinansin at pinagtuloy lang ang paghimalos ko. Nagulat nalang ako ng may kamay na humawak sa buhok ko at hinila upang mapaharap sa kanila.
"Miss me, nerd?" Tanong ng isang clown. Isang iling lang ang ginawa ko na ikinainis naman ng apat.
"Such a nice name pero hindi bagay sa pagmumukha mo na malandi!" Nakaigting na panga na sigaw niya sa tenga ko nang makita niya ang ID tapos ay itinulak ako sa kasamahan niya.
Paulit ulit ito hanggang sa lumaban na din ako. Mahigpit kong hinahawakan ang polo nito at sinira ito kaya nakita naman ang katawan niya. Patuloy ko din yung inuulit at balak ko din sanang hilahin ang bra nito para matuto ding mahiya sa kinalaban niya. Ngunit pinagtutulungan nilang sirain din ang damit ko at sabunutan ako.
"Walang hiya ka ang landi mo! Huwag ka ng magmalinis dahil amoy na amoy na ang baho mo!"
Masakit yung masabunutan pero mas masakit ang mga salita na naririnig ko. Hindi ko alam ang pinagsasabi nila pero masakit pa din. Marame na din ang nakaalam na nag-aaway kami pero wala man lang isa sa kanila na tumulong sa akin. Kung ganun ba ako ang kawawa dito. Nagulat ako dahil sinampal ako ng leader ata nila at nag-aapoy na sa galit. Sinampal naman ako ng isa, dalawa at tatlo. Pumalag na ako dahil mahapdi na ang pisngi ko. Nilapitan ko ang leader nila at hinila ang bangs niya at pinag-untog ang ulo niya sa pinto ng cubicle. Inis na inis ako kaya wala akong pake kung may mangyayare sa mukha niya. Total kaya nama nilng ayusin yun kasi mapera.
Sinapak ko ang humihila sa damit ko dahil disturbo siya sa pagtutorture ko sa mukha ng kasamahan niya---
"Tama na yan! Kayong lima pumunta kayo sa detention! Now!" saad ng student council o yung kilalang sagabal sa gate.
Walang gana ko lang tinapunan si Mr. President ng paaralan at pinahid ang labi ko dahil ramdam kong tumulo na ang dugo sa aking pisngi. Hindi naman ako magkakaganito at hindi mangyayare na masira ang mukha at damit nila kung hindi lang nila ako kinalaban. Oo sadista ako pero may kahinaan din ako. Siguro naman hindi lang naman ako ang nag-iisa na tulad ng ugali ko diba?
"Saan ka pupunta babae? Hindi diyan ang daan papunta sa detention" Tanong nito.
"Alam ko Mr. President. Kaya nga magshoshort cut ako. Tsk!" Sagot ko sa kanya at tuluyan nang umalis dun.
Ang totoo niyan ay hindi talaga ako pupunta doon. Gusto ko pumunta kay Ghospel. Siya lang ang mapupuntahan ko sa ngayon.
Nabalik ako sa diwa ko nang may tumunog. Hindi ko cellphone yun kasi hindi ganun ang ringtone ko eh. Kinulikat ko ang bag ko para hanapin ang tumunog. Nang makuha ko naconfuse naman ako kasi bakit nandito ang cellphone ni Adik sa bag ko? Wait dala dala ko ba ito lage?!
Iginilid ko nalang ang ulo ko kasi mali mali yung naiisip ko. Hays yung cellphone pala.
"Hello?" Ngunit wala namang sumagot sa linya. Nyeta pinagtitripan ata ako nito eh. Ano bang meron sa cellphone ni Adik? Ibinaba ko nalang ito ngunit tumawag naman ang caller. Pinabayaan ko lang hanggang sa di na ako dahil ang ingay ng ringtone nito.
"Sino k---" bubulyawin ko na sana ang prank caller nang magsalita siya na ikitigil ko at nagpakabog bigla sa puso ko.
"I love you, Levy"
O_____O
Napapikit ako nang mariin at hinintay ulit na magsalita siya. Bakit pakiramdam ko namimiss ko boses niya? Bakit parang gusto ko png marinig na magsalita siya? Takte nahihirapan ako na ibigkas yung----
"A-Adik?" Wala na akong narinig na sagot nito pero isang buntong hininga ang tanging narinig ko sa kabilang linya.
"Nasa likod ako ng sinasakyan mo" sa pagkakataong iyon nawala kaagad yung mga problema na kani-kanina lang ay iniisip ko. Takte! Anong nangyayare sa akin?
Lumingon naman ako sa likod ng sasakyan at tama nandoon nga siya. Dahil sa sobrang pagkasabik na makita siya ay bumaba ako ng kotse.
'Kung ano man itong nararamdaman ko ngayon. Pwede bang huwag na mawala pa?'
Wala man lang akong naramdamang hiya nang yakapin ko siya. Para akong naiiyak. Nyeta namiss ko ba talaga siya? Ganito ba talaga ang pakiramdam na may namimiss ka?
"May punishment ka kasi di mo hinintay ang susunod na sasabihin" saad niya bago niya din ako niyakap kaya napaangat ang tingin ko at nakipagtitigan sa mukha niya.
'Namiss ko ang mukha niya'
Habang nakatapat pa rin ang gamit nitong cellphone sa tenga nito ay dahan dahan ko naman ito itinapat sa tenga ang cellphone na binigay sa akin ni Adik.
"Torrid kiss sa paglingon mo at French kiss para sa pagbaba mo sa kotse, Levy" ito na naman siya sa ngisi at kakaadikan niyang halik sa akin. Pero teka bakit naka white suit ito? Bakit parang galing sa kasal?
"Saan ka galing?" Tanong ko ngunit isinagot niya lang sa akin ay isang halik sa labi ko.
Ang saya ng puso ko parang---- nararamdaman akong butterfly sa tiyan ko.
************
❤
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
JugendliteraturMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!