Chapter Ten

1.2K 33 0
                                    

Chapter Ten
*****************

(Paolo's POV)

Umupo ako sa harap ng kotse ko habang tinutungga ang alak. Napabalik ang alala ko noon at hinayaang malunod sa nakaraan.

Naalala ko noon--- kung paano naging kami. Tulad ng iba nabusted din ako. Una ko siyang niligawan ay sa chat lamang hanggang sa niligawan ko na siya sa personal. Ang hirap niya ligawan noon at halos gusto ko na siya sakalin kasi ang hard to get kahit na gusto niya din ako. Ikaw kaya ang magdala ng bag niya tapos ang laman pala ay mga bato? Sa kabila nun di ako sumuko kahit pagod na akong ligawan siya.

Sa nakikita ko ok naman siya. Wala pa rin siyang pinagbago. Tulad ng dati ang sadista niya.

Napangiti naman ako sa iniisip ko. Naisip ko kasi kung paano kaya? Paano kung di kami naghiwalay? Paano kaya kung di siya nakipaghiwalay? Magiging masaya kami?

Hayst tama na nga ang pag-iisip ko nito. May kailangan pa pala akong gawin. Hayst! Kailangan ko pa namang lusutin ang ginawa ko baka pag-initan ako ng ulo ni boss.

Nasa loob na ako ng hide out namin ng mga Blackstone. Nakasandal lamang ako habang pinapanood ang ginagawa nila. Tsk--- mga walang kwenta. Bakit ba ako sumali dito? Hmmm bakit nga ba? Para malibang? Hays di ko naalala kung bakit at kailan ba ito nagsimula. Kakaantok na dito.

"Viper, ang mission mo ay dalhin dito ang babae ni Zero! Hindi ang patayin yun!" Sigaw ng boss na walang kwenta. Sa kaloob looban ko sinamaan ko na siya ng tingin at pinatay na siya.

Tama ang narinig niyo. Pinatay ko siya--- pero hindi ang totoong Levy. Sabihin na nating nagkunwari ako. Ayoko lang madamay si Levy sa away ng Blackstone at ni Zero. Kahit na nasaktan ako sa ginawa ni Levy sa akin. Hindi ko hahayaang madamay siya.

Walang gana kong itinaas ang kamay ko tas winagayway. Umalis na ako sa pagkasandal at nagsimula ng tunguhin ang pinto-an.

"Vi---"

"Wala namang mangyayare kung dadalhin dito ang babae kung buhay man iyan. Zero always be on top, not you, nor anybody. Why don't you enjoy playing with his game? With that. Matatalo mo siya--- His death game" mahabang lintaya ko bago makalayo sa kwartong iyon.

(King's POV)

Hindi ko maiwasang tignan si boss habang nakapikit. Kung titignan mo parang wala lang sa kanya yung mga natamo niyang sugat sa misyon niya. Tila nasanay na. Mula pa kasi noong bata pa iyan tinuturuan na siya ng mga bagay na hindi dapat gawin sa isang bata. Alam ko lahat ang tungkol sa buhay niya kaya masasabi kong mas nagbago siya lalo na ngayon. Mas nagbago siya. Naalala ko nung bata pa siya takot siya lage sa pinaggawa niya. Ang pumatay? Nagawa na niya iyon. Simula nun naging ganyan na siya. Nakakatakot siya paggalitin mo. Oo wala ngang ekspresyon yan pero di mo alam sobrang galit na pala.

"Psychology says, it takes 5 minutes only you may fall in love with someone, so do you?" Sabay mulat ng mga mata niya. Ang lakas talaga ng pakiramdam niya. Alam niya agad na nakatingin ako sa kanya.

"No, boss. I'm sorry" mabilis kong sagot nang maintindihan ko kaagad ang sinabi niya.

"Hmm ---" tanging sagot niya habang sinusuri ako. Err hindi ako bakla o nababakla sa kanya. Sabihin na nating attractive siya pero hindi ako homosexual or bisexual ha. Mandiri nga kayo.

Tumikhim muna ako bago tumayo ng maayos. Pumikit ulit si boss at hinilig ang ulo sa bintana. Para malaman niyo nasa loob siya ng kotse habang ako nasa labas. Hinatid namin si Levy kasama na ang kaibigan niyang nangangalang Ghospel. Si Ghospel na ang naiwan upang bantaya doon si Levy sa bahay niya. Total mukhang mabait naman yun kaya mapagkatiwalaan talaga.

"May meeting ka pala bukas boss with your father at 10:00 PM in Cuasion Restaurant. Wala naman siyang nabanggit tungkol sa ginawa mo. Pinapasabi na magpahinga ka at huwag kalimutan na uminom ng gamot" saad ko.

Yumuko naman ako nang makita kong napamulat siya at tinitigan niya ako. Titig lang iyan pero pinagpapawisan na ang kamay ko dito dahil sa takot. Ayaw na ayaw niya kasing malaman yung ganung bagay. Yung nag-aalala ang ama niya sa kanya. Galit siya sa kanyang ama dahil sa kabila ng magandang pagsasamahan nila ng kanilang pamilya. Sinira ng sarili niyang ama.

"King---- hindi ka bakla?" Halos mahulog ang panga dahil sa sinabi niya. Nyeta! Kanina pa ba niya yun iniisip?! Takte lang sabing hindi ako bakla!

"Kidding" dugtong niya at pumikit na muli.

Nyeta nakuha pa niyang magbiro eh ako dito seryosong seryoso. Nangangati ang kamay ko na sakalin siya hmmp! Bwesit ka boss. Joke lang kahit nakakainis, takot pa rin ako sa kanya.



(Levy's POV)

Nagtataka talaga ako sa dalawang unggoy dito. Sino sila? Si Ghospel at ang hari ng unggoy kundi si Jacob. Pagkagising ko kasi sila agad ang nakita tapos nagbabangayan pa. At ito pa bakit nilalagyan ni Ghospel ng lipstick ang labi ni Jacob?! Anong nangyare sa mundo?! Nabaliktad na ba?! Nagiging bakla na ba si Jacob? Bisexual?!

Wait anong ginagawa ng unghoyy na iyan dito?! Takte wag sana niya ubusin ang saging!

"Oh gising ka na pala!" Masayang sigaw ni Ghospel at dali daling tumakbo upang yakapin ako.

Tama hindi nga siya patay. Si Ghospel nga ito! Humiwalay ako sa kanya at sinampal siya ng dalawang beses.

"Wahhh huhuhu nyeta ka! Akala ko patay ka na! Alam ko palabiro ka pero sana naman wag mo ko buriin ng ganun! Bwesit ka Ghospel! Alam mo bang masakit sa puso?! Kahit alam kong biro ang lahat masakit pa rin yun!" Sigaw ko habang niyugyog siya. Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng tampalin niya ang noo ko.

"Gago, humuhugot ka na naman" natatawa niyang saad. Napasimangot naman ako habang hawak ang tinampal niya.

Napabaling ang tingin kay Jacob na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. Nakita ko naman sa kanya si adik. Teka---wahhh bakit ko ba siya inisip? Bakit---- pakiramdam ko niligtas niya ako. Si adik niligtas niya ako diba? Wahhh as if naman. Siguro nga wala siyang pake sa akin eh.

"Wahhhhh unggoy!" Sigaw ko nang makita ko siyang may hawak ng saging.

Sabi na nga ba eh!

--------------------

How is it?

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon