Chapter Thirty Six
**********************
(Levy's POV)
Matagal natapos ang pagmake over kuno nila sa akin at sa lahat ng oras lumipas. Si Adik ang pumutol sa mahaba kong buhok. Guminhawa naman ang pakiramdam ko habang pinapanood ang bawat kilos ni Adik. Parang nakalimutan ko na ata na papangitin nila ako. Hindi ko din alam na may alam pala si Adik sa ganitong bagay. Gay? Hindi yan ang tingin ko kundi hot. Shoot ano ba itong pinagsasabi ko.
"F*ck I should not agree this sh*t" usisa nito at may kasunod pang mga malulutong na mura. Nakikita ko mula sa salamin ang marahang pag-atras ng mga lalake at minsan ang iba palihim na kumukuha ng litrato. May isa naman ay nagtatago sa likod ni Bria. Yung pinsan ko lang pala.
"Isang titig pa sa kanya. Uulanan ko kayo ng bala" mabibigat na bulalas ni Adik.
Habang ako ay hindi makapaniwala sa nagiging hitsura ko. I have a short hair, golden brown color. My eyelashes nyeta mas gumanda pa. Yung kilay ko hindi pinagalaw dahil iyon gusto ni Adik. He want natural kilay daw. Nilagyan ng kunting pampapula ang labi ko.
Napatayo naman ako at iniisip yung mukha ko noon at ngayon.
'Ganito pala mukha ko pagnag-ayos?!' grabe nakikita ko nga na ang tamad ko mag-ayos.
"Huwag sabing titigan mga gago ang boss ng boss natin"
Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko ang mabilis na pag-iwas nila sa akin. Kunot noo naman akong napatingin kay Adik na ang bigat ng awra na pumaligid sa kanya.
"Yieeee Levy!" Kinikilig na tili ni Ghospel at tumatakbong palapit sa akin. Wala akong nakitang reaksyon mula kay Adik pero napako naman ang tingin niya sa amin. Tila binabantayan ang mga susunod na galaw namin.
"Ang ganda ganda mo. You looks like a hot nerd!" Saad ni Ghospel.
"Hindi naman" nahihiyang sagot ko.
"Tsk" rinig ko mula kay Adik. Natawa ako sa kinikilos ni Adik. Ang weird niya.
Nang tumalikod ito at kinakausap si Kingkong ay siyang biglang nagsilapitan ang mga lalake. Sumasakit ang ulo ko sa kanila dahil sabay sabay talaga na nakipagkilala. May iba na nag-compliment. Tsk mabuti pa sila ehh yung Adik diyan sa tabi tabi? Haysss bakit ba ako naiinis?
"Alam na namin kaya in love na in love si Boss sa iyo!" Isa sa narinig ko sa kanila. Ramdam ko na naman ang pamumula ng pisngi ko. Magsasalita sana ako nang hilahin ako ni Adik para ilayo sa kasamahan niya.
"Boss"
"Nakipagkilala lang boss"
"Di naman siya aagawin boss"
Tumingala naman ako upang makita ang hitsura nito. Yan na naman ang kunot noo nito. Itutok pa ang baril nito sa kasamahan niya.
"Alam ko she's hot but don't you dare lay your hand to her" nagsitanguan naman ito.
"Ayoko sa hitsura mo" saad nito habang nakatingin na ito na sakin.
What?! Ilang oras ako nagtiis na umupo dun at hayaan siyng putulin yung mahaba kong buhok tapos ganito lang pala ang kakalabasan? Alam ba niya nagsusuklay ako gabi gabi para pahabain yung buhok ko? Tapos iningatan ko ang mukha ko para maging simple lang?! Hindi ko na mapigilan ang pagtapak ko sa paa niya na ikinabitaw niya sa bewang ko. Wala akong pake kung masakit yun. Hinintay ko pa naman ang compliment ng Adik na ito. Paasa! Arggg mali. Ako pala yung umaasa. Oo na alam ko na naiinis ako. Hindi ba niya alam ang simpleng pagsabi na ang ganda mo? Alam ko at alam ng lahat na maluma na iyon pero para sa isang babae. Nagpapasaya na iyon sa amin!
"MAS AYOKO SA HITSURA MO, ADIK KA!" sigaw ko mula sa tiyan ko papunta sa vocal cord ko dinaanan din ang puso ko at sumabay ang utak ko para maisigaw ko ng malakas iyon.
Lumaki ang mata ni Adik at tila hindi mapakapaniwala. Nagsitigilan din ang nakatingin sa amin habang ako?! Hapong hapo dahil muntik na maubos hininga ko don.
"Alis na tayo"
"May world war 3 dito mga kababayan!"
"Tumahimik nga kayo!"
"Hala patay ka Boss ginalit mo"
"Ganyan nga Levy. Wag kang papayag. Sabihan ka na naman ng ayaw niya sa hitsura mo"
Sumilay naman sa labi ni Adik ang isang ngisi na nagpasimula ng kaba ko. Alam ko mahirap hulaan ang iniisip nito pero alam ko ang gusto ng isang Adik. Mabilis itong nakalapit sa akin. Iiwas na sana ako nang mahawak niya ang kamay ko at ang pisngi ko. And here we go--- akala ko ba hindi na ako magpapahalik sa kanya? Ito na naman ang pakiramdam ko na manghihina nang dahil sa kanya. Nakalimutan ko na ang galit ko sa kanya.
"I'm sorry. I didn't mean that napapangitan ako sayo. Maybe my lips can't tell 'You are beautiful' but my eyes tells that every moment, every day" sabi niya. "Ayoko lang kasi may tumitig sayo baka kasi sa isang oras lang libo libong tao ang ililibing ko" dugtong ni Adik at yumakap sa akin. Saglit na ako na naistatwa tapos ay di ko na mapigilan ang kagatin ang labi ko para maiwasang tumili.
Matapos ang pangyayareng iyon ay hindi na ako malapit lapitan ng kasamahan nina Adik. Pagsusulyapan ko sila ay mabilis na binababa nila ang cellphone nila at kumakaway. Natatawa at naiilang ako kasi may halong pang-asar yung mga titig nila samin ni Adik eh.
"Ehemm baka naman pwede na natin ulit simulan yung plano?" Pang-agaw pansin ni Jacob.
Uupo na sana ako sa tabi ni Ghospel ng hilahin na naman ako ni Adik sa tabi niya. Di na ako umangal kasi hawak hawak niya ang kamay ko.
"Disguise transformation completed. Nasa kotse na pala yung susuotin mo bukas Levy" isang tango ang sinagot ko.
Hindi ko masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila yet enixplain naman ito ni Adik sa akin ng walang kahirap hirap. Ang dami ko pa talagang walang alam sa kanya.
"Teka ibig sabihin kasama ako sa mission niyo?" Hindi kasi ako makapaniwala. Kaya pala I need to disguise?! Pero paano kung makilala pa rin ako?
"Makuha ka man nila di naman ako papayag na di ka makuha. I give already my love and my life. Trust me, ok?" sabay halik nito sa noo ko. Natatakot ako sa mangyayare bukas.
Napatitig ako sa black envelope sa mini table at muli kay Adik. Sino ba kasi yung nasa likod nitong lahat? Bakit pakiramdam ko ang hirap kalabanin ang isang iyon. Gusto ba naman niyang kunin ang ranggo ni Adik.
*********
❤
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Roman pour AdolescentsMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!