Chapter Twenty Four
*************************
(Levy's POV)
"Hoy babae!" Napatigil naman ako sa paghakbang nang may sumigaw at mabilis na lumapit sa pwesto ko.
"Boyfriend ka ba ng hatid sundo sa iyo?"
"Anong pangalan niya?"
"Sagutin mo na kami ng maayos"
"Huwag mong sabihin na 'Oo' dahil kami ang makakalaban mo"
"Sumagot ka na!"
Binigyan ko lang sila ng face palm ang mga apat na babaeng humarang sa akin ngayon sa gate. Hindi ba nila alam kung saan lumugar? Look mali-late na ako tapos ngayon pa sila eeksena? Kung may itatanong man sila pwede huwag sabay sabay?
"Kahit anong gagawin niyo, di kayo bagay. Nasa dagat kayo tapos siya nasa kagubatan" sagot ko na nagpapanganga sa kanila kaya nagmukhang bahay ng langaw ang bibig nila.
Binangga ko ang leader ata nila dahil siya lang naman ang mas makapal na make-up sa kanilang apat. Saan ba ito ang birthday party nito? Nevermind di ko sila problema.
Oo nga pala. Magto-two weeks na pero hindi pa rin bumabalik yung isa. Hindi naman sinasagot ni King kung saan yung adik na iyon. Baka nga nasa rehab na iyon kasi mas malala pa ito sa nakdrugs. And yeah? Naala niyo yung panahon na story between Ghospel and Jennice? Ayun nalaman ko nalang na wala na sila at si Jennice naman hindi na nagpakita pa. At heto pa hindi ko alam kung anong namamagitan ng dalwang unggoy na si Ghospel at Jacob. Palagi kasing nagdadala ng cupcake yung unggoy na si Jacob. Kahapon nga nandoon yung dalawa sa sala ng bahay ko. Mga walanghiya ginawang park yung bahay ko! Ok sana eh pero deadma naman ang mga cute alagas ko. Yeah alagas kasi dalawa sila.
Balik tayo sa realidad. Nang makapasok ako sa classroom ay naghanap na agad ako ng mauupo. Pinili ko nalang ang umupo sa gilid ng bintana. Habang nag-aayos ako biglang may kumalabit sa akin kaya napatingin ako. Pagkatingin ko--- nakilala ko naman agad ito pero sa tingin ko hindi niya naman ako nakilala dahip nakaeye glasses ako.
'Hindi ko alam na kaklase ko pala siya!'
"Nerd, akin na yung assignment mo" maangas na utos nito. Ang bastos talaga nito. Hindi alam ang good manners and right conduct! Gusto ko umirap pero umakto nalang ako ng mabait.
Dahil nga mabait ako kinuha ko naman ang notebook ko sabay bigay sa kanya. Ngumisi naman siya at pinat ako sa ulo. Huehue good girl ko ba? Tignan natin ang mangyayare mamaya. Inirapan ko siya ng palihim sabay pinipigilan na ngumiti. Siya ako ng siya diba? Duh! Di ako interesado sa lalaking bastos sa bar! Kilala niyo na? Syempre hirap kalimutan nun eh.
"Good morning, class" bungad ng teacher sa amin kaya tumayo kami at binati din ito. Pagkatapos ay umupo na.
"Ma'am! Yung assignment po?" Nakahands up na tanong ng isa sa estudyante. Binatukan naman siya ng katabi niya. Relate kayo? Yung ayaw mo maalala ng teacher niyo na may assignment pala? Tapos may pabida kasing umeksena. Sarap batukan yung mga ganun, diba?
"Ma'am mamaya na namin ipapass!" Angal naman ng isa.
"No, pass it now. In one, two---" pagbibilang ng teacher. Wala namang magawa ang nagreklamo kaya nagpass na sila.
Napatingin naman ako sa katabi ko na tingin sa akin. Siguro nakita niya na binigay ko sa gago yung notebook. Ngumiti nalang ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa may hinampas siya ng katabi niya.
"Woy, yung assignment mo pass mo na!" Babae pala ang katabi niya. Siguro girlfriend niya. Hihi ang cute kasi tignan.
"Hi!" Sabay kaway kaway ng babae sa akin. Kumaway nalang din ako sa kanya at napatingin nalang sa kumalabit ulit sa akin.
Nakangisi pa rin ito habang binigay na naman sa akin ulit ang notebook ko. Ngumiti naman ako. Kinagwapo ba niya ang pagngisi? Ha? Ha? Di bagay sa kanya! Mas gwapo pa nga si Adik eh--- oh shoot ipapass ko na assignment ko. Wala akong sinabing gwapo si Adik.
Tumayo na ako nang naipasa na ng lahat ang kani-kanilang notebook at ako talaga mismo ang nagpass ng notebook ko. Hindi yung notebook na binigay ko sa gago kundi yung nasaan talaga nakalagay ang assignment ko. Ngiting ngiti naman akong bumalik sa upuan ko.
"Okay. Group six you may now start the reporting" anunsyo ng guro. Nagsimputahan naman ang tatlo na tinawag ni teacher at sinimulan na ang ina-sign na report sa kanila.
Tumunog na ang bell na hudyat na tapos na ang klase. Total wala namang next teacher namin dahil sabi niya free kaming mag-ingay, napagdesisyonan ko nalang na pumunta sa court upang magpractice ng volleyball.
"Levy!" Napatigil naman ako sa pagsi-serve ng bola sa kasama ko nang may marinig ko ang boses ni Ghospel.
"Bakit?!" Sigaw ko naman. Kunot noo ko namang tinignan ang kaibigan ko dahil may katabi itong babae.
'Ayy bagong girlfriend?'
"Dito ka bilis!" Tsk kung makautos naman. Nakasimangot naman akong lumapit sa kanila.
"Bakit?" Tanong ko.
"Hinahanap ka niya oh" sagot niya habang tinuturo ang katabi niya. Binalingan ko naman ang tinuro niya.
'Teka siya yung---'
"Yiee sabi na eh ikaw yung volleyball player" nakangiti nitong saad. "Hihi di lang hatala kasi di ka po matangkad" dugtong niya. Ayy takteng babae. Anong gagawin ko? Sasapakin ba o susuntukin? Ano mas masakit dun?
"Nga pala ako pala si Mikayla, lodi po kita" ok na sana eh. Bakit ganito siya? Direct to the point? Hays pero ok na din di naman siya plastik eh.
Sasagot na sana ako ng may tumama sa ulo ko. Naramdaman ko sa sarili ko na nawawalan ako ng balanse tapos ay nanlalabo ang mga mata ko. Narinig ko pa sila Ghospel at Mikayla na sumigaw at natataranta. Takte ang sakit ng ulo ko. Sinonh bumato sa akin ng bola?! Sa tingin ko hindi yun bola ng volleyball eh kundi bola ng basketball. Tigas na tigas kasi ng bola. Nyeta--- napahawak nalang ako sa ilong ko at may naramdaman akong basa.
'Dugo?!'
"Wahhh dumudugo ilong mo!" Napahawak nalang ako kay Ghospel na hawak ang ulo ko.
Bago pa man mawalan ako ng malay narinig ko pa mula sa likod ko ang boses na kinaiinisan ko. Siya pala ang gumawa nito?
"Sa susunod kilalanin mo ang pinaglalaruan mo" naririnig ko hanggang sa dumilim na ang paligid.
*******************
What the?
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Teen FictionMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!