Two days ago, nakipagbreak sa akin ang boyfriend ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Maganda naman ako, sexy, matalino, mayaman, tapos sa pag-aaral, may modo, talentado. Lahat nga nasa akin na eh. Pero iniwan pa rin talaga niya ako. Simula nung araw na nakipagbreak siya sa akin, hindi ko na siya nakita. Namatay na kaya siya? May malubhang sakit at ayaw lang akong masaktan? Ano kayang dahilan?
"Your eyes are swollen. Maga-apply ka pa naman ngayon sa trabaho." Ani Mama na nakatingin sa mga mata ko. Oo na. Ako na mukhang zombie. Kasalanan 'to ni Patrick eh.
"Mamaaaaaa." Ayan na. Umiyak na ako sa kanya. Hindi ko na kasi kinaya. "Iniwan ako ni Patrick. Hindi na siya nagpapakita. Huhuhuhu."
"Ano ba kasing nangyari sa inyo?"
Ayaw ko ng maalala, kung tutuusin. Pero hindi ko talaga mapigilang magreminisce. Sa tuwing nakikita o naririnig ko ang pangalan ni Patrick, hindi ko mapigilang maalala lahat lahat, simula sa araw na nagkakilala kami, hanggang sa araw na iniwan niya ako.
Flashback.
"Hi miss. Okay ka lang ba?"
Kagagaling ko lang sa break-up noong nakilala ko si Patrick. Mugto rin ang mga mata ko nung araw na 'yon pero kinausap pa rin niya ako. Nakakahiya man ang aura at itsura ko, hinarap ko pa rin siya.
"Kayong mga lalaki, bakit niyo ba kami sinasaktan? Huhuhu." Tumabi siya sa akin.
"Hindi naman lahat ng lalaki nananakit ng babae eh. Yung iba nagseseryoso rin naman. 'Wag mo namang ilahat." Hinaplos niya ang likod ko. Manyak 'to! Ngayon pa lang kami nagkakilala humahawak na.
"Don't touch me!" Tumayo ako at hinarap ko siya. Ang sakit na kaninang nararamdaman ko ay napalitan ng inis. Mga lalaki talaga. Kahit ngayon palang nagkakilala, dadamoves na agad.
"Sige. Ikaw na nga 'tong kinocomfort, ikaw pa 'tong maarte. Diyan ka na nga." Aalis na sana siya noon pero automatic na humawak sa kanya ang kamay ko.
"Sorry. Nabigla lang ako."
Tinanong niya sa akin kung bakit ako umiiyak at kung anong nangyari sa akin. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Sabi nga ng iba, minsan mas masarap magkwento sa mga taong hindi mo ganoon kakilala. Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman ko kaagad na okay siya.
"Hayaan mo na 'yun. Isang araw magsisisi rin 'yun na niloko ka niya. 'Wag ka ng umiyak. Ang ganda ganda mo pa naman." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Salamat ha? Pasensya ka na kung naabala kita."
Simula ng araw na 'yun naging magkaibigan kami. Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako pinatawa. Naging magbestfriends pa nga kami at nakilala ko ang mga naging girlfriend niya. Hindi ko nga inakala na darating sa punto na ako naman ang magiging girlfriend niya. Ang landi mang isipin, pero hindi ko pinatagal ang panliligaw niya since nakilala ko na rin siya sa tagal ng aming pagsasama.
Sobrang sweet niya. Araw-araw niya akong hinaharana sa school. Nagdadala pa siya ng gitara para lang maharana niya ako. Inggit sa akin ang mga estudyante nang mga panahong 'yun. Paano ba naman kasi, ang gwapo gwapo ni Patrick, tapos ang sweet at romantic. Teka, parang pareho lang naman 'yun. Eh basta. Kulang ang mga salita para idescribe ko sa inyo kung gaano ako minahal ni Patrick. He's one of a kind. Kahit hindi siya nagjojoke napapatawa niya ako. Kapag seryoso siya, ginagawa ko naman ang lahat para mapatawa siya. I'm returning the favor.
Hanggang isang araw nag-away kami dahil may password ang cellphone niya. Pakiramdam ko may itinatago siya sa akin. Hindi ako nagtiwala. Pero nagkaayos din naman kami nang napagdesisyunan kong 'wag na lang siyang pilitin. Pero simula ng araw na 'yun naging cold as ice na siya sa akin. Frozen ang theme ng relationship namin. Hindi na siya gaanong nagpaparamdam. Inisip ko na lang na dahil gagraduate na kami sa magkaiba naming course. Inintindi ko ang sitwasyon at hinayaan siya. Ibinigay ko sa kanya ang space at time na nais niya. Sa sobrang laki ng space, pati universe walang panama. Ganoon kalaking space ang ibinigay ko sa kanya, dahil naramdaman kong 'yon ang kailangan niya.
At dumating nga ang araw na kailanma'y hindi ko naimagine. Nakipagbreak siya sa akin at hindi niya sinabi ang dahilan. Kulang pa ba ang universe na ibinigay ko sa kanya? Hindi ko alam. Hindi ko siya maintindihan. Hinayaan ko na lang siya at naghintay sa pagbabalik niya. Pero dalawang araw na at wala pa rin akong nakukuhang mensahe o tawag man lang mula sa kanya.
End of Flashback.
"Anak. Okay ka lang ba?" Nagising ako sa katotohanang tulala pala ako.
"Better, ma." Tumayo na ako at naligo. Ito na 'yung pinakaayaw kong part.
Sa tuwing naliligo kasi ako, mas malakas pa 'yung agos ng luha ko kaysa sa agos ng tubig ng shower ng CR ko. Nakakaasar. Idonate ko na lang kaya ang luha ko sa Angat Dam since nasa critical level na 'yun at nangangailangan ng supply ng rainfall. Mukhang makakatulong ang dami ng luha ko sa pagbangon ng Angat Dam. Haay. Sa panahong ito, nakakapagbiro pa rin ako. Pambihira.
"Mizuki. Ilang oras ka pa diyan?" Tanong ni Mama. Bakit ba niya hinihintay ang pagtapos ko?
"24 hours ma. 24 hours pa." Pilosopo. May gana ka pang sumagot ng ganyan. Haay.
Nga pala. Ako si Mizuki. Kinuha ang pangalan ko mula sa isang Japanese drama. Ang ibig sabihin daw ng pangalan ko ay "MI" for beautiful at "ZUKI" for moon. So ako ay isang isang magandang buwan (beautiful moon). Hephephep. Hindi ako Japanese. Pure Pinay ako. Talaga lang na mahilig si Mommy sa mga Japanese-related matters. Pangarap niya kasing makapunta doon at makita ng personal ang cherry blossom. Dapat nga raw related sa cherry blossom ang pangalan ko eh, kaso nang nakapunta siya sa Japan, napatingin daw siya sa full moon, tapos nakita niya si Papa sa ilalim ng full moon, kaya ayun.
"Sa wakas natapos ka rin." Nakita kong ayos na ayos na si Mama.
"Saan ka pupunta Mama?"
"Sasama ako sa 'yo sa paga-apply mo."
"Ma. Hindi na ako bata." Nagpout ako at nagpout din siya.
"Hindi ka na nga pala baby girl. Joke lang. Maggrocery ako. Hatid na kita sa unang company na pupuntahan mo."
"Sige Mama. Magbibihis lang po ako."
Hindi ako mahilig magmake-up kasi okay na ang itsura ko, kaya maaga akong natapos. Halos sabunutan naman ako ni Mama dahil bakit daw hindi ako nagmake-up eh mag-aapply daw ako. Dapat daw maganda ang aura at impression nila sa akin. Medyo swollen pa rin ang mata ko, kaya lalong bumagay sa akin ang pangalan ko. Nagmukha kasi akong Haponesa.
"Ingat anak ha? Good luck. Fighting!"
"Ingat Ma. See you na lang po mamaya sa bahay." Bumeso na ako sa kanya at bumaba na. Umalis na rin kaagad si Mama. Siya ang nagdrive. Natrauma na kasi ako simula nung may nabangga ako. Nevermind. Move on.
Ipinakita ko ang apllication form ko doon sa HR ng kumpanya at ininterview niya ako. Maganda ang grades ko at wala akong criminal record. Medyo positive vibes din ang nafeel ko kaya mukhang matatanggap ako. Full smile ako sa harap nung nag-interview sa akin at sigurado ako, pagkalabas ko ng pintuan ng office na 'to, simangot na naman ako.
"We'll call you na lang. Okay? Your records are really good so hope for a positive outcome."
"Thankyou Ma'am." Nagbow ako at umalis na. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina. Nakasmile kasi ako nang lumabas ako nung opisina.
Habang naglalakad ako palabas ng building, may nakasalubong akong isang gwapong lalaki. Dito siguro siya nagtatrabaho. Teka. Oo nga pala, brokenhearted ako. Bakit ba ako lumalandi? Move on muna, Mizuki.
"Thank you for coming ma'am." Pagpapaalam sa akin nung guard.
"Thank you rin po. Hope to work with you soon!" At kumaway pa ako.
Nang makalabas ako ng building, bumalik na naman ako sa mundong minsan ko ng tinakasan at patuloy ko pa ring tinatakasan - ang realidad. Sana bukas okay na ako. Sana bukas makalimutan ko na siya. Ang tanong, paano?
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...