Author's POV
Halos isang linggo ring walang malay sa ospital si Mizuki at halinhinan ang kanyang mga magulang at si Hans sa pagbabantay sa kanya. Kapag bumibisita si Hoshi, hindi nila ito pinapayagan at itinataboy paalis. Maging si Camille ay hindi rin payagang makabisita lalo na kapag si Hans ang nagbabantay kay Mizuki.
"What are you doing here, Camille?" Tanong ni Hans sa nakatayo sa pintuang si Camille.
"Hans. I'm so sorry. Please. Hayaan mo naman akong bisitahin si Mizuki oh."
"Hans? Kailan mo pa ako tinawag na Hans, Camille? Ano? Nagpapakabait ka dahil sa ginawa mo kay Mizuki? Are you expecting me to forgive you? Bakit ka nandito? Umalis ka na."
"Okay fine, Hanagata. I am just trying to make it up to you and to Mizuki. Please. Forgive me. Hindi ko naman sinasadya o ni ginusto man lang ang nangyari."
"I know what you did. Kaya siya umalis at tumakbo palayo is because you fired her! At ipinahiya mo siya sa harap ng maraming tao. For your info, kaibigan ko ang may-ari ng SRT at siya mismo ang nagsabi sa akin. Now, get out of this room."
Lalabas na sana si Camille ng may tumawag sa pangalan niya. "Camille?"
Kaagad na lumapit si Camille sa kagigising lang na si Mizuki. "Are you alright? Mizuki, I'm so sorry. Please. Patawarin mo ako. Hindi ko ginusto ang nangyari sa 'yo. And I want to thank you for saving me. Kung hindi dahil sa 'yo, wala na ako ngayon."
Itataboy sana ni Hans si Camille pero hinawakan ni Mizuki ang kanyang kamay at sinabing, "Please. Let us talk." Hindi na niya pinaalis si Camille at umupo na lang siya sa tabi ni Mizuki katabi si Camille.
Nang magsisimula na ang pag-uusap ng dalawa ay pinalabas muna ni Mizuki si Hans para may privacy. Umiiyak siya ng kinausap niya si Camille na nakahawak sa kamay niya at malapit na ring tumulo ang luha.
"Why did you save me, Mizuki? Matapos ng ginawa ko sa 'yo, bakit iniligtas mo pa rin ako?" Ilang sandali na lang at tumulo na ang kanyang luha.
Pinunasan ni Mizuki ang luha ni Camille at nagsalita. "Hindi naman kasi kita masisisi Camille. Alam kong mahal mo si Hoshi."
"I'm really sorry, Mizuki. Hindi ko alam na aabot pa sa ganito ang lahat. Nagsisisi ako na sinesante pa kita, at na naging dahilan pa ako ng aksidente mo. Sorry. Sana mapatawad mo ako, Mizuki."
"Pinatawad na kita, Camille. Hindi rin naman ako sasaya kung hindi kita patatawarin. At choice ko rin naman na iligtas ka."
"Mizuki. Bakit ba napakabait mo sa akin? Sampalin mo ako ngayon, sabunutan mo ako. Kick my ass or push me to hell, hindi ako aangal. I made your life a hell. Repay. Take a revenge. Hindi ako lalaban sa 'yo. Do whatever you want. Anong gusto mong gawin ko?"
"Marry Hoshi. That's what I want you to do. I need you to marry him. Ituloy niyo ang kasal niyo. I want to forget about him. Everything about him. Gusto ko na siyang makalimutan."
"No way. Bakit mo 'to ginagawa, Mizuki?"
Sinabi niya ang dahilan kung bakit gusto niyang ituloy nina Camille at Hoshi ang kanilang pagpapakasal. Labis itong ikinagulat ni Camille at hindi siya makapaniwala. Tanging mga magulang ni Mizuki at si Hans lamang ang may alam kung bakit kailangan na niyang layuan si Hoshi.
"Mag-aaral ka pa rin ba sa TBU pagkalabas mo dito sa ospital?"
"Yes. Gusto ko sanang ituloy 'yun. May isa pa sana akong hihilingin sa 'yo, kung okay lang sana, Camille."
"Ano 'yun Mizuki? Kahit ano, makabawi lang ako sa 'yo." Hinawakan niya ang kamay ni Mizuki at habang umiiyak ay nakinig siya sa sinabi nito.
"Please. 'Wag mong payagang pumunta sa TBU si Hoshi. 'Wag mong hayaang magkita pa kami. Please? Gusto ko magkalayo na lang kaming dalawa."
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...