Ni ju roku.

198 3 0
                                    

Nang natapos na sa pagdadasal sa chapel ang Mama at Papa ni Mizuki, sila naman ang nagbantay sa kanya at si Hans naman ay nagpaalam na siya naman ang pupunta sa chapel. Nang nakarating siya roon, kaagad tumulo ang kanyang mga luha ng nakita ang rebulto ng Panginoon. Nakaluhod siyang lumapit dito habang ibinubulong ang kanyang mga panalangin.

 

"Lord. Hindi ko po alam na sa ganitong pagkakataon ko pa po kayo lalapitan. Alam ko pong hindi na ako nakakapagsimba, at hindi na ako nakakapagdasal palagi, pero napansin niyo naman po siguro kung bakit tinatawag ko na naman pong muli ang inyong pangalan." Habang nagdarasal ay pinupunasan niya ang kanyang luha. "Alam niyo naman po siguro ang kalagayan ng babaeng mahal ko, Lord. At alam ko pong alam niyong seryoso ako ngayon dahil para sa kanya po itong pananalangin ko ngayon sa inyo."

 

Lahat ng masasaya niyang naramdaman nang nakilala at nakasama niya si Mizuki ay kanyang ikinuwento sa Panginoon. Sinabi niya na ngayon lamang siya nakadama ng ganoon, at na ngayon lang siya ulit lumapit at nanalangin para lang sa isang tao.

 

"Kung tutuusin po Lord, hindi niya ako mahal. Pero mahal na mahal ko po siya, Lord. Ramdam niyo rin po ba? Unang beses ko pa lang po siyang nakita, iba na po kaagad ang naramdaman ko para sa kanya. Sa tuwing nakikita ko naman po siya na may kasamang iba, nasasaktan akong talaga. Hindi ko pa po noon alam kung ano 'tong nararamdaman ko, pero please Lord. Ngayon lang po ako nagmahal ng ganito, pagbigyan niyo naman po sana ako."

 

Hiniling niya sa Panginoon na pahabain pa ang buhay ni Mizuki kung maaari. Hindi siya humiling ng iba pa kagaya ng sana ay mahalin din siya ni Mizuki. Ang tanging nasa isip lang niya sa mga oras na nagdarasal siya, ay ang bumuti ang pakiramdam ni Mizuki at na 'wag muna siyang mawala sa buhay niya.

 

"Anong dinasal mo kay Lord kanina?" Tanong ni Mizuki nang nakabalik na siya sa room nito.

"Marami." Ngumiti siya at hinalikan ni Hans ang kamay ng babaeng mahal niya. "Ikaw, ikaw, ikaw, at ikaw. Ang dami 'di ba? Hiniling ko rin na sana gumaling ka na."

Ngumiti si Mizuki at hinaplos ang mukha ni Hans. "Susulitin ko na 'yung pagkakataon na nakikita pa kita. Na nakikita ko pa 'yung taong palaging nandiyan para sa akin. Ang gwapo mo talaga."

Hinawakan ni Hans ang kamay ni Mizuki na nakadampi sa kanyang pisngi. "Kung gusto mo akong makita, imagine mo lang 'yung mukha ko. O kung gusto mo, papasok din ako sa panaginip mo."

"Naku 'wag na. Baka mapagod ka pa kung bibisita ka pa sa panaginip ko."

"Hindi ah. Bakit naman ako mapapagod? Eh ikaw naman ang bibisitahin ko? Saka, I'm planning to pull all of our shares sa Bareilles."

Nanlaki ang mga mata ni Mizuki at sinabing, "Bakit? Bakit ipupull mo? May problema ba sa kumpanya?"

"No. Wala naman. Gusto ko lang." Gusto ko lang na mas maalagaan ka at mas mabantayan ka. Ani Hans sa kanyang isipan.

 

Nagbabalak si Hans na kuhanin ang shares niya sa kumpanya para mas maalagaan niya si Mizuki. Labas man sa kalooban niya at maging sa mga magulang niya, gusto pa rin niya itong gawin. Gusto rin niyang pagkagastusan ang regalo niya kay Mizuki - ang hinaharap na gusto niyang ipakita sa kanya habang nabubuhay pa siya.

 

"Pwede ba akong humiling sa 'yo?" Ani Mizuki habang nakatitig kay Hans.

"Ano 'yun? Anything. Kahit ano, basta para sa 'yo, gagawin ko." Sagot naman ni Hans habang hinahaplos ang malambot na buhok ng namumutlang si Mizuki.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon