VOTE and COMMENT po mga kababayan :) Kung gusto niyo po ng dedication, message me lang.
...
Pagkatapos ng trabaho, dumiretso na ako kaagad sa TBU. Kasalukuyan akong nasa bus ng nakita kong pumasok si Hoshi, 'yung anak nung boss namin. Umiwas ako ng tingin para hindi niya ako makita. Lumayo pa ako ng konti sa kanya ang dahan-dahang umikot at tinalikuran siya. Nagulat naman ako ng pumreno ang bus at muntik na akong matumba. Buti na lang, may sumalo sa akin.
"Are you okay?" Darn. Si Hoshi. Nakangiti pa siya sa akin.
"O-Okay lang ako. Sorry." Inayos ko ang pagkakatayo ko at inayos ko rin ang itsura ko. Punuan na kasi ang bus kaya nakatayo na naman ako. Hay naku.
"Papasok ka na rin pala. Mukhang sabay na tayo palagi. Pareho rin tayo ng oras sa opisina eh."
"Ah ganun ba. Hehe. Oo nga." Ang awkward. Para kasing si Patrick ang kausap ko. Gising Mizuki!
"Kain muna tayo bago tayo dumiretso sa klase. Masarap ang mga pagkain sa canteen ng TBU. Natry ko one time. Hehe. Treat ko."
"Naku 'wag na. May pera naman ako sir eh. Nakakahiya naman po." Sa wakas nagising na rin ako sa katotohanan na mataas siyang tao.
"Wag mo na akong tawaging sir kapag nasa labas tayo ng opisina. Magkaklase tayo ngayon. 'Di ba?" Tama siya. Masyado akong formal.
Nang nakarating kami sa school ay marami ng estudyante. Nang dumaan kami sa room, kokonti pa lang ang nasa loob. Saktong 5PM pa pala ulit magsstart ang klase. Every top of the hour ang start ng klase. Since 4:30 kami nakarating, we have to wait 30 minutes more. Dumiretso muna kami sa canteen at doon na muna kumain at nagpalipas ng oras.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong gusto kong kainin?" Napatakip ako sa bibig ko. Akala ko kasi si Patrick siya.
"Two carbonara, dine in 'yun. Tapos softdrinks. Tapos sansrival, two rin." What?! How did he know na gusto ko 'yung mga 'yun?
"Hey! How did you know my favorite foods?"
"I saw your Facebook account." At nagsmirk siya. Shhh. Nabasa niya siguro 'yung about ko. Nandun 'yung favorites ko eh.
"Inadd mo ba ako?" Ang kapal ng mukha kong magtanung ng ganito. Shhh!
"H-Hindi. Sinearch ko lang. Saka full na raw friends mo."
Habang kumakain kami, napansin kong pasimple siyang tumitingin sa akin. Napapangiti naman ako. Geez. Nakakainis. Bakit ba kasi tumitingin siya sa akin? Naiilang tuloy ako. Ang Employer-Employee relationship ay bawal sa trabaho. Teka. Ba't nag-aassume na kaagad ako?
"Are you okay? Ayaw mo bang tinititigan ka?"
"Oo eh. Medyo nakakailang kasi. Hehe. Pasensya na ah?"
"It's okay. Sorry. Ang ganda mo kasi." Halos maisuka ko lahat ng kinakain ko sa sinabi niya. Sinabi niyang maganda ako?
"T-Thank you sa compliment."
Sabi nila, kapag pinuri ka, magpasalamat ka na lang. 'Wag kang tatanggi, dahil mas magmumukha kang mayabang.
"You want more? Kuha ka lang ng gusto mo." Napatingin ako sa oras.
"Naku. 5 minutes na lang magsstart na ang klase." Ganun na pala kami katagal kumain at nag-usap. Pambihira.
Tinapos na kaagad namin ang pagkain at pumunta na kami sa room namin. Marami ng estudyante doon at nanlaki ang mga mata nila nang nakita nila si Hoshi.
"Omo. Kaklase natin siya?! Wow naman!" Sigaw nung isang babaeng nasa likod.
"Siya 'yung gwapo nung enrollment! Waaaa!" Sigaw naman nung nasa unahan.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...