Kyu.

248 3 0
                                    

Antok na ako, pero gusto ko talagang bigyan ng love triangle sina Moon and Star. Kaya heto na, papasok na sa eksena ang lalaking aagaw sa atensyon ni Moon. Sino siya?

...

Kinabukasan, sa trabaho ay tahimik lang kami ni Hoshi. Hindi niya ako masyadong kinausap pero sabay kaming naglunch at nagpunta sa isa pang branch ng BC sa Makati. Sigurado akong nandun na naman ang mayabang na si Mr. San Francisco at mukha namang hindi natitinag ang gwapong si Hoshi.

"Gwapo ba si Hanagata?" Tanong sa akin ni Hoshi habang nasa sasakyan ka ba.

"Sino naman 'yung si Hanagata?" Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan niya habang pinapanood ang mga nagtataasang skyscrapers.

"Si Mr. San Francisco." Napanganga naman ako. Ganun kapangit ang pangalan niya?

"Ayos lang. Mas gwapo ka." Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Bakit Wakusei ang pangalan niya?"

"You see. Japanese ang Mama niya. Actually magpinsan kami dahil magkapatid ang Mama ko at ang Mama niya. Nasa Japan ang parents niya, kaya 'yun. His name stands for shining star."

"Eh pati naman pala sa pangalan magkakontra rin kayo eh. Ikaw star lang, siya shining star."

"Eh 'di doon ka na sa kanya." Ngumuso siya at mahinang hinahampas ang manibela. Hinawakan ko naman ang kamay niya para mapakalma siya.

"Tandaan mo, 'wag na 'wag kang magpapatalo kay Hanagata. Okay?"

Nang makarating kami sa BC Makati, nagsimula kaagad ang meeting. Si Hoshi na lang pala ang hinihintay. Nakita ko naman na bahagyang sumulyap sa akin si Hanagata na napansin ata ng nagsasalitang si Hoshi. Tumigil siya sa pagsasalita at binato si Hanagata ng crampled paper. Bad boy!

"What's wrong, Hoshi?!" Galit na pagtatanong ni Hanagata na nakatayo na ngayon at hinarap si Hoshi na nakangisi lang.

"Stop staring at my personal assistant. You're not her type." Tumawa naman ng pangmayamang tawa 'yung mga nasa loob ng room at napailing na lang si Hanagata.

Kung marumi ang isipan nila, paghihinalaan nilang may something sa aming dalawa. Buti na lang at business-minded sila. 2 hours ang itinagal ng meeting at dumiretso na kami sa school. Wala nga pala ngayon si Ma'am MOVE ON, pero pumunta pa rin kami roon para makihalubilo sa iba naming mga kaklase.

"Ah. So one month lang talaga per sem dito?" Tanong ko dun sa nasa tabi ko. Siya ang katabi ko kasi sa mga boys naman nakikipagbonding si Hoshi.

"Oo. Magaling silang magturo at mukhang mabisa nga. Kahapon nga sinunod ko lahat ng payo ng mga prof natin at effective! Mukhang nakakalimot na nga ako. Nakasalubong ko kasi 'yung ex ko kahapon, pero medyo parang nabawasan na ang pagmamahal ko para sa kanya."

"Mabuti ka pa." Sabi naman nung nasa unahan namin. "Ako naman, parang hindi ko kayang i-apply 'yung mga advices nila sa akin."

Tinanong nila ako. Ako na walang malay. Hindi ko sila sinagot. Ay mali. Sinagot ko sila, pero ng buntong-hininga lang. Napalingon ako sa direksyon ni Hoshi at napansin kong nakatingin din siya sa akin. Hay naku. Mukhang mas mapapabilis ang pagmomove on ko ng dahil sa mokong na 'yun. Pero teka. Oo nga pala. I'm not his type.NOT, pero kung mahalikan at masunggaban ako kahapon eh parang wala ng bukas.

"Ano bang mayroon sa inyo ni Hoshi?" Bulong nung babaeng may bangs na Julieth ata ang pangalan.

"Wala naman. Bakit?" Umakto akong normal. Wala naman kasi talaga.

"I saw you two kahapon. He kissed you. Antok na 'yung partner ko kaya 'di niya napansiin na napalingon ako sa inyo."

"Ah. Wala 'yun. Friendly kiss." At nagsimula ng kumalat ang rumours na may something daw kami.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon