Ju roku.

213 3 0
                                    

At dahil 300 + na ang reads, here is my update. Keep on voting!

...

Nacancel ang engagement party nina Hoshi at Camille na gaganapin sana sa pinakamalaking hall ng Bareilles. Ang usap-usapan, ipina-move raw ito ni Hoshi dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Mizuki sa elevator. Ipinatawag niya si Mizuki sa secretary ng tito niya pero hindi siya pumunta sa kanya. Wala siya sa sarili niya para makipag-usap sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Bakit ayaw mong makausap si Hoshi?" Tanong ni Hans kay Mizuki.

"Seryoso, Hans? Alam mo naman siguro ang problema." Nakatigil lang sila sa harap ng bahay nina Mizuki pero ayaw pa rin niyang bumaba.

"Alam ko naman eh. Pero hindi ba dapat kinausap mo siya? Sabihin mo kaya sa kanya na mahal mo siya para alam niya na nasasaktan ka."

"Hindi naman lahat ng nasasaktan ginagawa 'yun. Besides, I'm already trying to get over him. Nag-aaral ako sa TBU, remember? Matututunan ko rin na kalimutan siya."

"He'll be busy sa magiging kasal nila. I don't think makaka-attend pa siya sa school na 'yun." Hinawakan ni Hans ang kamay niya at napatingin sa kanya si Mizuki. "Nagpapasama nga pala ako sa 'yo para makapag-enrol, 'di ba?"

"Oo nga pala. Nakalimutan ko na tuloy. Pasensya na ha?"

"It's okay. You've had enough today. Kaya ko naman talagang mag-enrol mag-isa eh. Just give me your section saka schedule para alam ko kung saan ako magpapalagay."

"Sige." At ginawa niya ang hiniling ni Hans. Sinabi niya sa kanya lahat ng information tungkol sa klase nila bago siya bumaba ng kotse ni Hans.



Kaagad na nagpaalam si Hans upang makapag-enrol na sa TBU at lingid sa kaalaman ni Mizuki ay siya ang dahilan kung bakit ito mag-aaral doon. Papasok na sana si Mizuki sa pintuan ng kanilang bahay nang..



PEEP PEEP!

May pumaradang kotse sa tapat ng bahay nila. Nang namukhaan niya ang kotseng 'yun, agad agad siyang pumasok sa pintuan ng bahay nila at inilock iyon. Nagulat naman ang Mama niya dahil nagmadali siyang umakyat sa kwarto niya.


"Kailangan ko pong makausap si Mizuki. Please tita, nakikiusap po ako." Rinig na rinig ni Mizuki ang usapan nina Hoshi at ng Mama niya sa baba kaya lumapit pa siya sa pintuan.

"Ayaw ka niyang makausap. Nakita mo naman siguro na nagtago siya kaagad, 'di ba?"



Mali ang Mama ni Mizuki. Umakyat siya doon para mag-ayos ng sarili. Ayaw niyang makita siya ni Hoshi na mukhang haggard at mukhang apektado sa nangyari kanina sa Bareilles. Ayaw niyang magmukhang kawawa. Ayaw niyang maawa si Hoshi sa kanya.



BOOGSH! Nagulat si Mizuki sa biglaang pagbukas ng pintuan kaya napahiga siya sa sahig. Nakita niya si Hoshi na mukhang nagtataka kung bakit ganun ang posisyon niya kaya kaagad niyang inayos ang sarili niya at tumayo ng maayos sa harap niya.


"Did you cry?" Oo, umiyak ako dahil sa 'yo, masaya ka na? Ani Mizuki sa kanyang isipan.

"Why would I cry? I'm just exhausted. Sino ba namang hindi mahahaggard sa nangyari sa atin kanina sa elevator 'di ba? That incident turned me into a disaster."

"I cancelled the engagement party." You just cancelled the party, not the main thing asshole. Sa mga oras na 'yun, sa totoo lang, ay gusto niyang sampalin si Hoshi dahil sa selos at inis, pero 'di niya nagawa.

"Sorry. But it wasn't my fault. It was that damn elevator who stuck itself with us in it. Wait. Did you come here to blame me? You were the one who cancelled it, when you can actually continue it." Dumudugo na ang ilong niya sa loob sa sobrang page-English. Ganyan siya kapag nagagalit.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon