Ju.

250 4 0
                                    

Nang makauwi ako sa bahay, kinausap ako ni Mama. Itinanong niya sa akin kung sino ang naghatid sa akin pag-uwi. Sinabi ko naman sa kanya na si Hoshi 'yun, at na boss ko siya. Pinagsabihan naman niya ako na hindi ako maaaring mainlove sa kanya. Here we go again sa No Employer-Employee Relationship.

"Anak, naranasan ko na 'yan. Maniwala ka sa akin, hindi 'yan madali."

"Ma, magkaiba tayo. Ibang henerasyon na po ako. Hindi lang po ako ang ganito. Saka wala pa naman po kaming relasyon ni Hoshi."

"Wala pa? Ibig sabihin may balak kayong magkaroon ng relasyon?"

"Ma. Tama na po, please. Ayaw ko pong pag-awayan natin ang bagay na ito."

"Anong pangalan ng ama ni Hoshi?" Napatingin ako kay Mama na mukhang interesadong malaman kung sinong ama ni Hoshi.

"Bakit Ma? Kakausapin niyo siya? No way!" Pumunta ako sa aking kwarto at nagkulong. Ayaw ko ng marinig ang sermon ni Mama sa akin. Hindi ko hahayaang masira pa kami kaya habang maaga pa ay iiwas na ako sa pag-aaway namin.

Kinabukasan, nang dahil sa malalim ang iniisip ko ay hindi ko na namalayan ang mga utos sa akin ni Hoshi. Hindi ako makapakinig sa kanya at lipad ang isip ko. Kailangan ko siyang iwasan. Ayaw kong mag-away kami ni Mama ng dahil sa kanya. Tama siya, hindi talaga maaaring maging kami kahit na may ibang gumagawa nito.

Hinawakan ni Hoshi ang kamay ko pero inalis ko ang kamay niya sa kamay ko. "May problema ba?" Seryoso niyang tanong sa akin. Akmang hahalikan niya ako ngunit umiwas ako. "Tell me what's wrong."

"Nothing's wrong sir. Besides, nasa trabaho po tayo."

Pormal ko siyang kinausap ngayong araw. Nasa trabaho kaming dalawa kaya iniwasan ko siya. Kailangan ko itong gawin dahil ito ang nararapat.

"Tara. Lunch na tayo." Pag-aaya niya sa akin. Tumayo ako at inunahan siya sa paglalakad.

Hinabol niya ako at dali-dali akong dumiretso sa elevator na papasara na rin pala. Mabuti na lang at hindi niya ako naabutan. Kaagad naman akong dumiretso kina Bernadeth at Jero at sumabay ako sa kanilang maglunch. Nagtataka naman sila dahil hindi naman daw kami close pero kasama ko sila ngayon.

"Bakit hindi kayo sabay ni Sir Hoshi? LQ ba kayo?" Tanong ni Deth.

"LQ? Hindi naman kami eh." Matamlay kong sagot sa kanila.

"Eh bakit malungkot ka?" Tanong naman sa akin ng humihigop sa kanyang juice na si Jero.

"Just exhausted. Ang daming paper works." Wala ako sa mood makipag-usap sa kanilang dalawa ngayon at hindi ko alam kung bakit.

"Kamusta nga pala si Sir Hoshi? Sabi nung una niyang P.A. na nagresign eh medyo strict daw siya at perfectionist. Ano? Magkwento ka naman. Ngayon na nga lang tayo nakapag-usap ng ganito." Ani Deth.

"Ayos naman siya. Medyo wala lang sa mood kapag kausap si Sir Hanagata."

"Ganun naman talaga sila simula ng dumating si Sir Hoshi dito sa kumpanya. Noon pa man na hindi pa siya naiipakilala sa lahat, noong hindi pa siya official na HOSHI, eh ganyan na sila tuwing nagkakasalubong."

Napaisip ako. Sino kaya siya bago siya maging Hoshi? Teka. Posible kayang siya si Patrick? Argh! Bakit ba napakaparanoid ko na naman yata.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon