San ju ichi.

167 3 0
                                    

Bago kami tuluyang umalis, hinawakan ko muna ulit ang itim na kotse na nasa garahe ng bago kong bahay. Hindi pa rin matapos ang pasasalamat ko kay Hans sa ginawa niya sakin, pero nagulat ako nang nakarating kami sa simbahan at ngumiti lang siya sa akin at sinabing..

 

"Hindi ka dapat sa akin magpasalamat." Hindi ko siya maintindihan. Kanina lang ay parang inaako niyang siya ang nagbigay, tapos ngayon, anong meron?

"What do you mean?" Bago ako palabasin ng mga girls sa sasakyan ay niretouch nila ako, pero sila ay hindi na nagretouch dahil okay naman na raw sila. "Oh sige. Sabagay magaganda na naman kayo. Hahaha."

 

Dinaan ko na lang sa ngiti at tawa ang araw na ito. Alam kong mamaya ay iiyak na rin ako sa sobrang sakit sa makikita ko. Inihanda ko na rin ang mga mata ko sa mga bagay na alam kong magpapabagsak sa akin at sa kung anumang nararamdaman ko. Handa na ako. Handa na akong masaktan sa huling pagkakataon. Hansa na akong ipaubaya siya ng tuluyan kay Camille, habangbuhay.

 

"Are you alright?" Tanong sa akin ni Aya habang inaayos ang buhok ko at tila ba may inalalagay. "Teka baka matanggal."

"Ano ba 'yang inilalagay mo sa buhok ko?" Sinubukan kong kapain kung anong nasa tuktok ng buhok ko pero inaalis nila ang kamay ko kapag malapit ko na 'yung mahawakan.

"Please, 'wag kang malikot. Baka mahulog." Hindi na ako nagtanong pa. Baka kasi kung anong accesory lang 'yun sa buhok kaya hinayaan ko na lang.

 

Bago magsimula ang kasal, naglakad ako saglit sa garden sa tabi ng simbahan at nagpahangin. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang kasal ng lalaking mahal ko sa ibang babae. Sana kayanin ng utak ko. Sana kayanin ng puso ko. Sana kayanin ng katawan ko. Ngayon ko na siya tuluyang pakakawalan sa buhay ko. Alam kong napakamartir ko para ipamigay ang kaligayahan ko, pero wala na akong maisip na tamang gawin, kaysa saktan siya sa nalalapit kong pag-alis.

 

"Nagustuhan mo ba 'yung bahay at 'yung kotse?" Kilala ko ang boses na nasa likuran ko. Alam kong siya 'yun.

"B-Bakit ka nandito? Saka, paano mo nalaman 'yung tungkol sa bahay at sa kotse?" Hindi ko siya nililingon. Natatakot kasi ako na baka kapag nakita ko siya, magbago ang isip ko. Shit. Ang gulo ng pag-iisip ko. "Pumunta ka na doon. Kailangan ka na doon sa simbahan. I'll be there. Nandito na naman ako 'di ba?"

"Tss. Just answer me. Nagustuhan mo ba?" Naramdaman ko na lang na nasa likuran ko siya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Mizuki, nagustuhan mo ba?"

"Oo naman. Syempre nagustuhan ko. 'Yun kasi ang pangarap ko." Hindi ko maalis ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin dahil inaamin ko, gusto ko rin.

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Tumayo ang balahibo ko nang bumulong siya sa akin at sinabing, "Happy birthday princess." Princess. Ngayon lang niya ulit ako tinawag na princess.

"Thank you, Hoshi." Sinubukan ko ulit na ilayo ang sarili ko sa kanya pero 'di ko talaga makaya dahil mahigpit ang pagkakayakap niya. "B-Baka may makakita sa atin."

"Wala akong pakialam. Wala rin silang pakialam." Natatawa pa siya nang sinabi niya 'yun, at hindi ko na napigilan. "I want you to be happy today, pero bakit malungkot ka?"

 

Hindi ko na napigilan. Hindi ko na kinaya ang sinabi niya. Hinarap ko siya at itinulak palayo. Saka ko lang nakita na umiiyak na rin pala siya pero kaagad niya iyong pinunasan. Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang natitira pa niyang mga luha at tinitigan siya sa mata. Tinitigan niya rin ako.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon