Nang huminahon na ang tatlo at nabawasan na ang tensyon, nakahinga na ng maluwag ang lahat sa loob ng classroom, kahit ang professor nilang kanina lang ay pinagpapawisan sa takot na baka kung ano ang mangyari sa lahat.
"Ma'am, okay na po ako. Pwede na po kayong magpatuloy." Ani Mizuki sa kanilang prof na nagising na rin sa wakas sa katotohanan.
"Excuse me. May I come in?" Nagulat at napatingin sa pintuan ang lahat nang nakita nila si Camille na naka-formal na damit at mukhang may malaking pakay.
"Yes? May I know your name Miss?" Tanong ng professor na namangha sa kagandahan ni Camille. Kahit kasi nakasimpleng outfit lang siya, kapansin-pansin pa rin talaga.
"I'm Camille Dela Cruz. Fiancee ako ni Hoshi, ma'am. At nag-enroll ako sa school na 'to to be with him. Ayaw ko kasi na may lumandi sa kanya, lalo na ngayon na nalalapit na ang kasal naming dalawa. By the way, you are all invited."
Natahimik ang lahat at karamihan ay nagbubulungan. Sina Mizuki at Hans naman ay nakatingin sa kawalan at hinihintay kung anuman ang mangyayari ngayong makakasama na nila si Camille hanggang sa TBU. Pinaupo siya sa likuran sa tabi ni Hoshi at hindi naman nito kaagad napansin sina Hans.
"Okay class, so third way, finally madidiscuss na. Kung sakali man na magkausap kayong dalawa, act normal. 'Wag mong ipahalata na nasasaktan ka pa deep inside. At para magmukhang ayos lang ang lahat, magsmile lang kayo. Kunwari walang bahid ng kalungkutan ang mga mata niyo. In that way, iisipin nila na masaya ka na kahit wala na siya sa buhay mo."
"Ma'am. Paano po kung mahalata niya na nagpipilit lang ako ng ngiti?" Tanong ng isang babae sa likuran ng room.
"Gawin mong totoo ang ngiti mo. Isabay mo 'yung mga mata mo. Isipin mong masaya ka talaga, para hindi ka niya mahalata. Pero kung pansinin man niya, magbiro ka na lang at sabihing ganun ka lang talaga ngumiti."
Hindi nakikinig si Camille dahil feeling niya ay boring ang pumasok sa TBU. Napansin naman ito ni Hoshi at kaagad siyang tinanong nito kung bakit pa siya pumasok sa TBU kung hindi rin lang naman daw siya makikinig ng maayos.
"Kasi ayaw ko na may lumandi sa 'yo. Malay ko ba kung nandito pala 'yung babaeng lumalandi sa 'yo. Baka mamaya nakakatabi mo pala siya. Good thing wala ka naman palang katabi dito. Ibig sabihin wala siya. Don't worry. Hindi ako palaging susunod sa 'yo dito. Chineck ko lang talaga."
"Tss. 'Wag kang mag-alala. Nandito rin si Hans. Mababantayan niya ako. Hindi mo na kailangang sumunod sa akin dito dahil wala kang makikitang kahit ano."
"Sabagay. Oo nga pala ano." Bumaling ang tingin nito kay Hans na kaagad namang napansin ang paglingon sa kanya ni Camille. "Please don't take your eyes off Hoshi, Hans. I trust you."
"Don't worry. Ako ang bahala diyan sa fiance mo." Papilit itong ngumiti at bumaling na ulit sa harapan.
Napansin naman ni Camille na nasa unahan pala niya si Mizuki na tahimik na nakikinig sa pagdididiscuss ng prof nila. "Nandito ka rin pala Mizuki. It's so good to see you. Haha."
"Okay, Miss Camille. Please lower down your voice." Palihim na tumawa ang ibang mga estudyante dahil bago pa lang si Camille pero napagsabihan na siya kaagad ng prof nila.
Humarap si Mizuki kay Camille at sinabing, "Hello po. Pasensya na po kung hindi ko kayo makausap. Nakikinig po kasi ako sa prof Miss Camille."
"Just call me Camille." Nagngitian silang dalawa na para bang walang kahit anong nasa pagitan nilang dalawa.
Nang matapos ang unang subject at kaagad namang dumating ang sunod nilang professor para sa subject nilang FORGET. Nagbigay muna ito ng activity kung saan bawat partners na itatalaga, ay magkkwento ng tungkol sa bawat isa, pero magkalaban silang dalawa. Kapag may informationg nakalimutan ang isa, puntos ito para sa kapartner niya.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...