Friday na, at bukas na ang kasal nina Hoshi at Camille. Handa na rin ang lahat ng kakailanganin namin ni Grace para sa pag-aayos. Maging sina Aya at Rhizza ay sa amin na rin daw mag-aayos. Alam na rin nila ang tungkol sa kondisyon ko. Sa lahat ng mga taong malalapit sa akin, tila si Hoshi na lang yata ang wala pang alam.
"Anak. Kamusta ang pakiramdam mo? Is everything alright? May sumasakit ba sa 'yo?"
"Wala po Mama. I'm fine. Medyo mas lumabo lang po ng konti ang paningin ko. Halos hindi na po ako makakita." Malungkot kong sagot sa kanya.
"Tomorrow is your birthday. Anong gusto mong regalo?" Tanong ni Mama sa akin habang hinahaplos ang kamay ko.
"Sa tingin ko Mama, nasa akin na rin naman ang lahat eh. Loving parents and friends, enough na 'yun para sa akin. I could not ask for more."
Niyakap ako ni Mama ng mahigpit na mahigpit. Pumasok din naman si Papa na nakiyakap din sa amin. Group hug. Ngayon lang ulit kaming nagkayakap ng ganito. Maranasan ko pa kaya ulit na makayakap ang mga magulang ko ng ganito kahigpit?
"Tara. Breakfast na tayo." Pagyayaya ni Papa sa amin, kasi, siya pala ang nagluto.
"Ma? Ano pong kakainin natin ngayon for breakfast?" Hindi ko kasi makita kung anong nakahain dahil halos wala na talaga akong makita.
"Ahm." Narinig kong suminghap si Mama saka sinabing, "Meron ditong hotdogs, may pritong eggs, tapos may hot brewed coffee rin sa tabi, tapos may bacon, at tocino."
"Ang dami naman po, Mama." Dahan-dahan kong inaabot ang kanin para makakain na. Pero bago ko pa man naabot 'yun ay nilagyan na ako ni Papa sa plato ko.
"Kumain ka ng marami anak. Pinaghirapan kong lutuin ang mga 'yan para makakain ka ng maayos."
"Thank you Papa." Gustong-gusto kong yakapin ulit ang mga magulang ko pero malabo ang mga mata ko at natatakot ako na baka matumba na naman ako. "Ang sarap." Sabi ko habang kinakain ang hotdog at itlog na inilagay na rin ni Papa sa plato ko.
Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. (Shit. Habang nagttype ako napapaiyak din ako. HAHAHA). Naiisip ko na hanggang kailan ko na lang kaya makakasama ulit ang mga magulang ko sa hapagkainan, o kung makakasama ko pa sila bukas. Paano kung hindi na tuparin ng cancer cells ko ang usapang three months? Paano kung bigla na lang akong mawala? Maranasan ko pa kaya lahat ng 'to?
"Don't cry anak. Pinapaiyak mo naman kami ng Papa mo eh." Ani Mama na kahit malabo ang paningin ko ay nakita ko pa ring nagpupunas ng luha.
"S-Sorry Mama. Hindi ko lang po mapigilan. Tears of joy." Ganun na lang ang sinabi ko para hindi sila pag-alalahanin sa kung anumang nararamdaman ko.
Kung pwede lang patigilin ang oras para mas magtagal ako sa piling niyo Mama, Papa, gagawin ko. Kung pwede lang na i-trade ang buhay ko sa iba, gagawin ko, makasama ko lang kayo. Pero hindi pwede dahil hanggang next month na lang talaga ako, o baka nga hindi na ako makaabot sa taning ng buhay na ibinigay sa akin ng doktor ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, pero kailangan kong maging malakas para sa mga taong nasa paligid ko.
"Gusto mo pa ba?" Tanong ni Papa na mukhang dadagdagan pa ang pagkain ko. "Kain ka pa, baby girl."
Sumenyas na ako na hindi na at na nasusuka ako. Nagmadali akong tumayo pero nadapa ako dahil nanlabo lalo ang paningin ko. "Anak! Anong nangyari sa 'yo?!" Kaagad lumapit sa akin sina Mama at Papa at doon na ako nagsuka sa kung saan ako nadapa.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomansaThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...