Ni ju shichi.

233 2 0
                                    

A/N: I know you're wondering what's on Patrick/Hoshi's mind all this time, kaya eto na ang POV niya simula sa simula. Kung ayaw niyong basahin 'tong part na 'to, it's alright, basta ito lang 'yung POV niya. :) Gagamitin ko 'yung PATRICK sa simula kasi 'yun pa ang pangalan niya, then kapag HOSHI na siya, 'yun naman ang gagamitin ko.

...

Patrick's POV

 

Simula nang nakilala ko si Mizuki, naniwala ako na totoo nga pala na may love at first sight. Hindi ko makakalimutan 'yung araw na nakita ko siyang umiiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang mga oras na 'yun, pero ginawa ko ang lahat para mapagaan ang loob niya.

 

Naging magkaibigan kami ng matagal na panahon, ayaw ko man na hanggang doon na lang kami dahil may nararamdaman ako para sa kanya, pero torpe ako. Idinaan ko na lang sa panliligaw sa ibang babae, sa pakikipagrelasyon sa iba, at naging saksi siya sa pagpapaiyak ko sa kanila sa tuwing nakikipagbreak ako sa kanila. Hindi ko naman kasi talaga sila gusto. At sa tuwing gusto ko at sinusubukan kong aminin kay Mizuki ang tunay na nararamdaman ko, nakikipaghiwalay ako sa kung sinuman ang girlfriend ko sa mga oras na 'yun, pero ang ending? Hindi ko masabi. Ayaw ko ring sumubok dahil galit siya sa mga lalaki dahil sa huli niyang naging karelasyon. Haaay. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ganun. At isa pa, dahil natatakot ako na baka wala naman siyang gusto sa akin.

But I was wrong. May nararamdaman din pala siya para sa akin. Hindi ko 'yun napansin dahil all this time, bestfriend ang turing niya sa akin. She was always there to support me when I'm in a relationship. I never thought that she really fell in love with me. She was silent all along. Not until nagkaroon na talaga ako ng lakas ng loob at nakaya ko ng umamin sa kanya. Doon ko nalaman na iisa pala ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Hindi nasayang ang lakas ng loob ko.

 

Masaya ako nang naging kami. Minsan lang kami nag-aaway, dahil iniiwasan niya na mag-away kami. Magaling siyang maghawak ng relasyon. Magaling siyang kumontrol at hindi siya tanggap lang ng tanggap. She knows the rule GIVE AND TAKE. Mabuti na lang nga at nagkaroon ako ng lakas ng loob bago pa man siya balikan nung huli niyang naging karelasyon.

 

Masaya naman kami eh, hanggang sa dumating 'yung araw na hindi ko inakalang darating pala. Ang dahilan kung bakit parang hindi ako tanggap ng pamilya ni Mama. Kaya pala. Hindi pala niya ako tunay na anak. Nang nalaman ko 'yun, hindi ko alam ang gagawin ko at nawalan ako ng oras sa babaeng mahal ko.

 

"Anak, I'm so sorry. Hindi ko naman ginusto na ilihim sa 'yo eh, kaso, napamahal ka na sa akin. Noong una, ayaw kong akuin at alagaan ka, pero minahal na kita, Patrick."

"Sino pong tunay kong Mama? Sinong tunay kong Papa? Nasaan ang tunay kong pamilya?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak ako sa nalaman ko.

"Alam kong darating 'yung araw na itatanong mo 'yan, at nahanap ko na sila. Ang mga tunay mong magulang. Kaso, sa pagkakaalam ko, wala na ang Mama mo, at tanging Papa mo na lang ang nabubuhay. Mayaman siya. May-ari ng isang malaking kumpanya. Alam kong magiging maganda ang buhay mo kapag ibinigay kita sa kaniya. Pero..anak. Sasama ka ba?"

 

Hinanap ko ang tunay kong Papa at nalaman ko na siya pala ang may-ari ng Bareilles Company na dati rati ay dinaraanan ko lang at tinitingala kapag nakasakay ako sa taxi o kapag namamasyal kami ni Mizuki. Siya pala ang tunay kong ama. Mayaman, kilalang tao, at inirerespeto. At nang nagkakilala na kaming dalawa, magkahalong sakit at saya ang naramdaman ko. Sakit dahil ang tagal kong nangulila sa isang ama, at saya dahil nakita ko na siya.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon