Later that night, hindi agad ako nakatulog kaya nanood na muna ako ng PBB. First Eviction ngayon at alam kong safe si Loisa kasi ang dami niyang supporters since naging member siya ng 3G. Ang ganda ganda niyang bata. Ang ganda rin ni Maris at ang bait pa niya, ganun din naman ang stepbrother niyang si Chevin. Nagtataka nga ako eh. Bakit kung sino pa 'yung mga parang matino naman, eh sila pang nanominate? Hmm.
"Hala. May forced eviction?" Napalog-in tuloy ako sa livestream at sari-saring chats ang mga nabasa ko. Doon ko lang narealize na ang dami palang haters ni Cess.
Sana matanggal na si Cess.
FE na 'yang si Cess! Plastik siya eh.
For sure ako si Cess ang FE ngayong gabi.
Ang titindi ng mga chats nila. At nang ini-announce na nga na si Chevin ang natanggal, bahagya akong nalungkot. Eh kasi naman, ang bait bait ng mukha niya. Saka parang wala naman siyang ginagawang masama. Haaay. Samantalang ang na-forced evict na si Cess, ang dami naman palang violations. Nasaan ang hustisya? Bakit hindi man lang siya nanominate? Tss.
Hoshi calling...
"Yes hello? Napatawag ka?" Kunwari hindi ako interesado sa pagtawag niya. Ganun talaga, pakipot effect. Kaysa naman sunggab kaagad.
"Anong ginagawa mo?" Napangiti ako nang narinig ko ang boses niya.
"Nanonood sa livestream ng PBB tapos Twitter. Ikaw?"
"Iniisip ka." Hindi ko alam pero kahit gasgas na ang banat na 'yun eh kinilig pa rin ako. Deym. Iba talaga si Hoshi.
"Bolero ka. Matutulog na rin ako mamaya." Pinipigilan ko ang ngiti ko kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Ah sige. Sabay na tayo. Gusto ko lang talagang marinig ang boses mo."
Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kilig sa puso ko saka ako nagsalita, "Nge." Oo. 'Yun lang ang nasabi ko sa hinaba-haba ng preparation ko.
"Ayy. Tinatamad ka bang kausap ako?" Mukhang na-disappoint ata siya. Eh wala eh. Kinikilig kasi talaga ako eh.
"Hindi ah. Eh kasi.." Anong idadahilan ko sa kanya? "Antok na kasi ako."
"Ah. Gusto mo matulog na tayo?" Pumikit ako tapos inimagine ko na katabi ko siya. Ayy! SPG ito.
"Sige. Good night." I smiled kahit hindi niya nakikita.
"Sweet dreams, princess." Inend call ko na bago pa ako sumigaw. Baka kasi mahalata niyang kinikilig na talaga ako. Waaa.
Nagtatalon ako sa kwarto ko at halos magiba ang sahig. Tss. Silly. Para tuloy akong teenager na first time lang nainlove. Hay nako, Mizuki. Kung kailan ka tumanda saka ka naman kinilig. Pambihira. Sana makatulog pa ako.
"Anak? Okay ka lang ba diyan?" Nagulat ako nang pumasok si Mama. Yakap ko kasi 'yung unan ko at nag-iimagine.
"O-Okay lang po Mama. Hehe." Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa kung bakit gising pa ako. Baka sa kakiligan ko ay mabanggit ko pa si Hoshi ko.
Hindi rin nagtagal at nakatulog na ako. Bukas ay office lang ang aatupagin ko at wala kaming pasok sa TBU. Mabuti na lang at makakapagpahinga ako sa hapon. Maaga akong pumasok para makapagtimpla ng kape para sa akin at para kay Hoshi. Ilang minuto lang din at dumating na siya. Mukhang badtrip siya dahil nilampasan niya lang ako.
"Sir, you have a meeting at 1PM. Sa Alabang branch po."
"Okay. Pakihanda na nung powerpoint na ipepresent ko." Pormal niyang sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...