Ju go.

212 3 0
                                    

Simula ngayon, Author's POV na muna ang gagamitin ko para wala kayong alam sa nararamdaman ng mga characters. Keep reading and voting! <3

...

Nang nakarating sa basement ng BC sina Mizuki at Hanagata, hindi namalayan ng ating bida na nasa opisina na pala sila. Tulala lang siya sa loob ng kotse na kahit kulbitin siya ni Hanagata ay wala siyang maramdaman.

Author, sabi ng Hans na lang. Kulit ah. - Hanagata

Pasensya na. Oh sige. Kinulbit ng kinulbit ni Hans ang tulala at wala sa sariling si Mizuki, na tila ba walang balak bumaba ng kotse. Sinigawan, tinadyakan, hinampas at binaril (Joke) na siya ni Hans pero hindi pa rin siya natinag. Huminga siya ng malalim, akmang bubuksan na ang pintuan ng kotse pero hinawakan ni Hans ang kanyang kamay at hinila iyon. Bumaba siya para pagbuksan ng pintuan ang tulaley niyang kasama. Haaay nako, Mizuki. Broken na broken ka talaga.

"What's wrong, Mizuki?" Malambing na tanong ni Hans. "Why are you acting that way? Are you sick?" Hihipuin sana nito ang noo ni Mizuki pero napigilan siya nito.

"Do not touch me, sir. Nasa trabaho po tayo at ayaw kong matsismis sa inyo."

Lumakad palayo si Mizuki ngunit hinawakan ni Hans ang kanyang braso at niyakap siya nito saka sinabing, "Is this about Hoshi? If it is, please. Don't be sad. Ayaw kong makita kang ganito."

May tumunog na kotse na nakapark din sa basement na bahagyang nagpatalon sa gulat sa kanilang dalawa. Nang nakita nila kung sino ang nakapark malapit sa kanila, nanlaki ang kanilang mga mata. Sa di kalayuan, naroon ng lalaking dahilan sa kawalan sa sarili ni Mizuki. Sino pa nga ba? Eh 'di si Hoshi.

"Wait. Hanagata? Mizuki?" Napabitaw sa pagkakayakap si Hans at hinarap si Hoshi. "Yes. Bakit? Sorry nakita mo pa kami sa ganitong posisyon at eksena. I'm just comforting her. She's.."

Tinakpan ni Mizuki ang bibig ni Hans bag pa ito nakapagsalita ulit. "Let's go. Umakyat na po tayo sir."

Habang naglalakad sila papunta sa elevator, hinawakan ni Hoshi ang braso ni Mizuki at tinanong siya kung, "Bakit kayo magkasama? Bakit kayo sabay dumating? Bakit kayo magkayakap dalawa?"

Hinarap siya ni Mizuki saka ito sumagot sa kanya habang pinupunasan ang luhang tumakas sa kanyang kanang mata at sinabing, "Bakit ka nagtatanong? Bakit ka nagtataka? Bakit parang apektado ka kahit hindi naman talaga?"

Hinila ni Hans si Mizuki papunta sa elevator at sumakay silang dalawa. Hindi sila sinundan ni Hoshi sa bilis ng lakad nila. Hindi na muling umiyak si Mizuki at nagpasalamat na lang siya kay Hans sa pagtulong sa pag-iwas sa lalaking mahal niya. Hindi ito nagtangkang magtanong kung bakit siya umiyak at mukhang halata naman niya ang dahilan.

"Don't cry over that guy. He's not worth it. He should've not accepted Camille's offer if he really likes you." Parang tinamaan ng kidlat ang puso ni Mizuki. Nagsimula na naman itong umiyak.

Sininghot niya ang nakatakas niyang sipon saka sinabing, "Tama ka. Ibig sabihin lang ay hindi niya ako gusto. My god. One-sided love."

"Tsk tsk tsk. That's what I hate about love. It's damn unfair." Napabuntong-hininga siya sa sarili niyang speech.

"Now you're talking about love." Napatawa ng mahina si Mizuki. Marahil ay dahil hindi siya sanay sa ganitong speech ni Hans.

"Don't laugh at me or I'll kiss you." At sa sinabi niyang ito ay napatahimik niya ang namumulang pisnging dalaga. Hay naku. Kanina lang at umiiyak kay Hoshi. Ngayon? Namumula na ng dahil kay Hans.

Nang makapasok ang dalawa sa mismong opisina ay nagbulungan ang mga nakasalubong nila. Mas lalo pang lumapit si Hans kay Mizuki para magmukhang okay lang siya. Wala siyang pakialam kung pag-usapan silang dalawa, dahil sa isip niya, gusto nga niyang pag-usapan silang dalawa.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon