Isang araw, pumunta sa office ko si Hanagata at mukhang problemado siya. Tungkol saan kaya ang problema niya?
"Okay Camz. I think, I really like that girl. Help me."
"What? Bakit kailangan mo pa ng tulong ko?" Ngayon lang siya humingi ng tulong sa akin.
"Mukha kasing may something special talaga sa kanila ni Hoshi. May narinig akong employees na nag-uusap ng tungkol sa kanila. They are eating lunch together. Palagi pa silang sabay pumupunta sa TBU at may nabalitaan pa ako na nagkiss sila. Do something about this."
Ngayon ko lang nakitang ganito si Hanagata. He's really desperate about this girl. Nainis ako sa nalaman kong balita. No. Hindi lang pala ako nainis, nagalit ako. Sobrang galit ang naramdaman ko na halos sirain ko ang buong cafe kung saan kami nag-usap ni Hanagata. I broke a glass when I threw it away. Ngayon ko na gagamitin ang kapangyarihan ko. Hoshi. Sa akin ka lang. Hindi ka pwedeng mapunta sa iba.
"Tell me who the girl is. Please, Hanagata. Tell me!"
"I can't. Just..do something about this. Kausapin mo si Tito Dansel. Kailangan mapaglayo natin silang dalawa. Tutulungan kita."
Noon ding araw na 'yun ay kinausap ko si Tito Dansel tungkol sa plano kong pagpapakasal kay Hoshi. Inalok ko siya ng shares namin sa kumpanya at nangakong ibibigay sa kanila lahat ng 'yun, basta pakasalan lang ako ni Hoshi. Kinabukasan, kinausap ko kaagad si Hoshi tungkol sa gusto kong mangyari. I even threatened him, at pumayag siya. Isa na lang ang kailangan kong malaman - kung sino ang babaeng lumandi sa kanya.
"Camz, may problema." Araw ng engagement namin ni Hoshi nang nagmamadaling pumunta sa office ko si Hanagata.
"Anong problema? The party will start in few hours."
Sinabi niya sa akin na na-trap sa isang elevator si Hoshi at may kasama siya sa loob noon. Kaagad naman akong pumunta sa elevator kung saan na-trap daw sina Hoshi. Dumating din kaagad ang mga mag-aayos at ilang minuto lang ang itinagal at naayos at bumukas na ang elevator. Nakahubad si Hoshi na lubos kong ikinakaba. Nakita ko namang may damit ang babaeng kasama niya. Mabuti na lang at walang nangyari sa kanilang dalawa sa loob, dahil baka hindi ko makaya. Sinabi naman sa akin ni Hoshi na nainitan lang siya kaya siya naghubad. Talagang hindi ko makakaya kung may nangyari sa kanila nang babaeng kasama niya.
"Punasan ko na ang pawis mo." Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan siya. Basang-basa kasi sya ng pawis at mukhang mainit nga sa loob ng elevator kanina.
"Salamat." Napansin ko ang ganda ng katawan niya. Halos pagpawisan din ako sa pagtingin sa katawan niya.
"Stop staring at my body, Camille." Napahiya tuloy ako dahil napansin niya pala. Hoshi, I can't wait to marry you. Bulong ko sa isipan ko.
Ayos na sana ang lahat at malapit ng magsimula ang engagement party namin nang kinausap niya ako at ang Papa niya, na ikacancel niya muna ang party dahil sa nangyari kanina sa elevator. Nagtalo pa kaming dalawa sa loob ng opisina niya dahil sa biglaan niyang desisyon.
"Please Camille. Ang sama ng pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina sa elevator. I don't have enough energy to continue the party. Please. Move it, or let's just do it without a party. Malalaman din naman ng iba na ikakasal tayo, 'di ba?"
Tiningnan ko siya at nabasa ko sa mga mata niya na ayaw naman niya talaga akong pakasalan, pero hindi ako pwedeng sumuko. "No. We'll move it. I want everyone to know."
Umalis din siya kaagad at sinabing uuwi na raw siya, pero nang tumawag ako sa kanila, wala raw siya doon. Pumunta ako sa kanila at nalaman kong wala pa rin siya kaya hinintay ko na lang siya. Nanood na lang ako sa HBO habang naghihintay sa kanya. Halos makatulog na ako sa kakahintay sa kanya ng bigla siyang dumating.
BINABASA MO ANG
The Brokenhearteds' University
RomanceThe Brokenhearteds' University - ang unibersidad para sa mga sawi sa pag-ibig at gustong makalimot. Sa storyang ito, hindi niyo lang makikilala si Mizuki, ngunit matututo rin kayo kung paano maka-move on. Read, Vote, and Comment! Don't forget to fol...