San ju san.

154 3 0
                                    

Medyo matagal din akong naghintay hanggang sa tuluyang pumasok sa record ni St. Peter ang pangalan ko. Pero hindi pa rin talaga dumarating. Nagpasya akong mamasyal muna at tingnan ang kagandahan ng buhay sa langit. Napansin ko naman na mukhang mababait talaga ang mga taong narito. Bagay ba ako dito? Para namang hindi ako nararapat sa lugar na 'to.

 

Hindi pa ako nakakalayo masyado ng may sumundo sa aking isang anghel. "Ipinapatawag ka ni San Pedro." Aniya. Cool. Ang cute niyang anghel. Mukhang anghel talaga siya.

"Salamat." Sinamahan niya ako pabalik kay San Pedro at nang nakarating na ako, "Dumating na po ba ang pangalan ko sa record niyo?"

Umiling siya at sinabing, "Hindi talaga dumarating ang pangalan mo dito. Mas makabubuti siguro na bumalik ka na muna sa lupa, sa mga taong nagmamahal sa 'yo." Parang ayaw ko ng umalis. Nakakainis. Gusto ko na lang magstay. "Hindi ka pwede rito hangga't hindi mo pa oras." Oo nga pala, nababasa niya ang naiisip ko.

"Saan po ba ang daan pabalik?" At sinamahan ako ng isang anghel sa isang butas sa isang parte ng ulap. Malaki 'yun at mukhang 'yun na nga ang daan.

"Mag-iingat ka sa pagbalik mo." Nakangiting pagpapaalam sa akin nung anghel. "Sana magkita ulit tayo." Aniya sa akin na para bang gusto niyang mamatay na kaagad ako. Infairness, napakagwapo niyang anghel. Kamukhang kamukha niya si Hoshi.

 

Tinitigan kong mabuti 'yung butas sa ulap at pinag-isipang mabuti kung tutuloy na ba ako o mananatili sa napakatahimik at napakagandang lugar na 'to. Nang nilingon ko 'yung anghel na naghatid sa akin, hindi ko alam pero parang malungkot siya sa pag-alis ko. Nilapitan ko siya ulit at sinuring mabuti. Pumikit ako at hinaplos ang mukha niya. Ang ilong niya, ang mga labi niya, ang lahat sa kanya, bakit parang si Hoshi ang kaharp ko ngayon? O baka naman, kamukha niya lang 'to? Pero hindi. Bakit ganun ang tibok ng puso ko? Bakit..parang ganito rin ang tibok ng puso ko kapag kasama ko si Hoshi? Hindi kaya?

 

"Hoshi?" Nagmadali akong bumalik sa butas pabalik sa lupa at bago ako tuluyang tumalon ay tiningnan kong mabuti 'yung anghel. "No. That can't be Hoshi."

 

Nang nakatalon na ako ay kaagad kong naramdaman ang pagbalik ko sa lupa. Nakita ko roon sina Mama, Papa, sina Hans at sina Aya. Malungkot silang lahat. At doon ko nakita ang sarili ko, nakahiga, walang malay, at hindi tumitibok ang puso. Hinanap ko si Hoshi, hindi ko siya makita. Maging si Camille, hindi rin mahagip ng paningin ko. Kinabahan ako. Kaagad akong bumalik sa katawan ko at pagkamulat ko, nakabalik na ako ng tuluyan. Pinilit kong tumayo pero pilit din nila akong pinigilan. Anong nangyayari?

 

Tinanggal ko ang oxygen na nasa bibig ko at hinanap kaagad, "Si Hoshi? Nasaan si Hoshi? Ayos lang ba siya?" Hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Nasaan siya! Sagutin niyo ako!" Umiyak lang sila sa tanong ko. What's happening?

 

Wala silang nagawa ng nagwala ako para makaalis. Kaagad akong pumunta sa ER pero hindi ko siya nakita. Pumunta ako sa OR, wala rin siya. Halos suyurin ko ang mga rooms at ICU na nakikita ko, pero wala siya. Inisip ko kaagad na ligtas siya. Naglakad ako pabalik sa room ko na parang walang nangyari. Nakasalubong ko si Hans na natayo sa tapat ng isang madilim na room. Nang nilapitan ko siya at tumingin ako sa parte kung saan siya nakatingin, nakita ko si Camille, at umiiyak siya sa tabi ng isang katawang nakabalot sa tela. Natakot ako bigla. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kaagad akong lumapit at dahan-dahang lumayo si Camille.

 

"Hindi pwede. This can't be. Tell me this is not Hoshi. Tell me he's alive. Tell me! Camille! Hans! Tell me!" Niyakap ako ni Hans mula sa likod habang hinahawi ko ang telang nakabalot sa katawang iniiyakan ni Camille.

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon