Shi.

395 4 0
                                    

A/N: 'Yung titles po ng bawat chapter ay Japanese way oof saying numbers / Hiragana. 'Yan po ang version nila ng 1234. :D Thank you.

...

Next week pa ang start ng klase at ang ganda ng schedule. Kahit anong oras ka pumasok, ayos lang. Astig ano? Wala ng tuition, pwede ka pang pumasok kahit anong oras mo gusto. Pero, hindi ito 24 hours. Maximum of 4hours ang bawat pagpasok sa TBU kaya okay na okay sa schedule ko kung sakali mang matanggap ako sa trabaho.

"Anak, hindi ka pa tinatawagan nung pinag-applyan mo?"

"Hindi pa po Mama. Naghihintay pa po ako ng tawag nila."

"Ah sige. Anong gusto mong ulam? Caldereta o adobong baboy?"

"Caldereta na lang po, Mama."

Sa bahay na 'to, ako ang nasusunod sa kung anong ulam ang gusto ko o kung anong luto ang naiibigan kong kainin. Nagmana raw ako kay Papa na gusto palaging nasusunod. Hindi naman nagagalit si Mama sa akin. Nga pala. Ang Papa ko, sa ibang bansa nagttrabaho. Uuwi sia ngayong taong ito para magbakasyon. Kung tutuusin, kahit hindi na ako magtrabaho sapat na ang pera naman. Labis pa nga kung minsan, pero syempre ayaw kong magdepend sa kanila habangbuhay.

Unknown number calling..

"Hello? Who's this?"

"Congratulations Ms. Mizuki. Your application has been accepted. You are now a part of Bareilles Company."

Napatalon ako sa tuwa. Natanggap ako sa trabaho! Yey! Finally magkakaroon na rin ako ng sarili kong pera. Wiu wiu wiu! Ja hey! Kailangan kong ibalita kay Mama ang tungkol dito. Sigurado akong matutuwa siya.

"Mama! Mama!" Tumakbo ako pababa ng hagdan at nakita ko si Mama na parang nagulat at natakot ata sa pagsigaw ko.

"Bakit anak? May problema ba?" Nagpunas siya ng kamay at lumapit sa akin.

"Ma. Natanggap po ako sa trabaho!" Niyakap ko si Mama at niyakap niya rin ako. Tumalon-talon pa kaming dalawa.

"Congrats anak! Sa wakas may trabaho ka na rin. Oh. Galingan mo ha? Kailangan ang start mo?"

"Tatawagan daw po nila ako ulit eh. Yes! Makakabili na ako ng mga gusto ko. Haha."

"Pwede naman kitang ibili ng kugn anong gusto mo. Hindi mo kailangang magtrabaho."

"Ma. Syempre mas maganda kung pinaghirapan ko 'yung ipambibili ko, di ba?" Kinurot ko sa pisngi si Mama. Ang saya saya ko talaga. Parang napawi lahat ng lungkot na naramdaman ko nang mga nakaraang araw.

Sa sobrang saya ko, nagpost kaagad ako sa Facebook at ang dami kaagad naglike. May mga nagcomment at nagko-congrats sa akin. Dumami rin ang nag-add sa akin. Merong pangit, may maganda, may gwapo, pero hindi ako nag-accept. Dinala naman ako ng mouse ko sa profile ni Patrick. Oo nga pala, friends pa kami sa Facebook. Bago ko siya iblock, binasa ko muna ang mga huli niyang posts.

Patrick Yang

If I say good bye, don't ask me why. 'Cause if I tell you why, I might die.

Ha? I might die? Anong mayroon sa post niyang 'yun at parang sinaksak ang puso ko. Parang.. Parang may something sa post niya. No way. Kailangan ko na siyang iblock. Hindi ako dapat maapektuhan sa kanya. Post lang 'yun. Hindi 'yun mahalaga. Kailangan kong magfocus sa pagbabagong-buhay ko.

At hindi ko alam, pero bigla kong naalala 'yung nasa bus kanina. Bukod kay Patrick, kamukha niya rin 'yung lalaking nasa opisina. Teka. Siya mismo 'yun eh! Bakit hindi ko kaagad narealize? Ibig sabihin, magkikita kami sa trabaho at sa school? Oh come on! Kailangan kong makalimot, tadhana. Bakit hindi mo ako tulungan?

The Brokenhearteds' UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon